Chapter 7

1670 Words
Pinilit kong bumangon pero bigla na lang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako! Sobrang bigat ng pakiramdam ko, parang pasan ko yata ang Earth ngayon. My lips are chapped dahil masyadong dry. Even my mouth feels dry and, ugh! For sure pangit na naman ang panlasa ko. I get up again but failed. Kinagat ko yung ibabang labi ko sa inis at panghihina. "East, huwag kang makulit." "Pero, may pasok—" "Hindi ka papasok." Napasimangot ako sa sinabi sa akin ng Ate North ko. Inayos niya ako ng pagkakahiga. Pero, hindi pwede! Magsasabay pa kami ni Lucy na kumain ng lunch! Paano na 'to? Bakit kasi sa lahat ng araw na pwede akong magkasakit, bakit ngayon pa? Pwede namang sa susunod na linggo na lang. Ito na, eh. Pumayag na si Lucy na maging friends kami, tapos mauuwi lang ako sa ganito. "Papasok ako, Ate." Pagpupumilit ko. "Kaya ko naman ang sarili ko." "Just listen to her." Napatingin ako kay West. Saka ko lang napansin nakasuot na siya ng uniform at mukhang ready nang pumasok. Bigla akong nakaramdam ng inggit. "Magpagaling ka muna." "Pero kasi, ano, eh...may lunch kami ni Lucy." Ngumuso ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang panghihinayang. Tinitigan ako ni North na parang nagtataka samantalang yung kambal ko, eh, pailing-iling lang. Wala pa nga pala akong nakukuwento sa kanya about sa gusto kong maging kaibigan. "Ako nang bahalang magsabi kay Lucy." "Pero—" "Wala nang pero-pero." Singit ni Ate, "You can go to school once na magaling ka na." Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at sabay na silang umalis ng kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako nang maiwang mag-isa. Sana lang pagbalik ko ng school pansinin pa ako ni Lucy. Nagtaklob akong maigi ng kumot. Kailangan kong gumaling. Pumikit ako at umusal ng maikling dasal. Please lang, sana gumaling na ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapikit. Hindi ko sure kung nakatulog nga ba talaga ako o ano, basta ang bigat ng pakiramdam ko. Yung feeling na parang inuuntog yung ulo ko sa pader. Nangingiwing nagmulat ako at dahan-dahang bumangon. Nagulat pa ako nang makita si Ate South sa gilid ko habang diretsong nakatingin sa akin. Napahinga ako ng malalim. "Ate naman, walang gulatan." reklamo ko. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Blue pa naman yung mata niya, parang manika, eh. "How do you feel?" tanong niya sa monotone na boses. Hindi ko tuloy alam kung concern siya or what. Pero alam ko naman na concern talaga siya, ayaw lang ipahalata. "Nahihilo pa rin." Sagot ko sa mahinang boses. Napatikhim ako. "Uhaw din, Ate South." "Oh." Kumuha siya ng isang basong tubig at inabot sa akin. "Inom." "Opo." Mukha na siguro akong pagong sa sobrang kupad kong kumilos kaya inalalayan na ako ng kapatid ko sa pag-inom. Tinitigan niya lang ako pagkatapos. "Wala kang pasok?" tanong ko. Umiling lang siya. Tahimik na ulit. Pumikit na lang ulit ako. I need to rest para makita ko na agad si Lucy. Ngayon pa lang nami-miss ko na siya, eh. "Get well soon." Narinig kong sabi niya pero hindi ko na nagawang mag-react pa dahil sa biglaang pagkaramdam ko ng antok. Para akong hinihila ng kama para matulog. Napapangiti ako habang pinapanood na matulog si Lucy. Magkatabi kami sa kama. Hawak-hawak ko yung kamay niya, ganoon pa rin ang texture nito. Walang pinagbago. Hindi ito kasing-soft katulad ng sa iba, pero ito lang yung kamay na gustung-gusto kong mahawakan palagi. "Lucy." I kiss her forehead and sighs softly. Unti-unti niyang iminulat ang mata at hinaplos ang pisngi ko. Ramdan ko yung init na nagmumula sa palad niya hanggang sa balat ko. I lean closer again. Slowly, I capture her inviting lips. My hearts races along with hers... Napamulat ako bigla. Napahawak ako sa chest ko. Wait. Anong klaseng panaginip 'yon? Napahawak ako sa lips ko. Oh, my gosh. I can still imagine how soft her lips were. Pakiramdam ko lalong tumaas yung temperature ko dahil doon. Bakit ko hinalikan si Lucy sa panaginip? Natigilan ako nang makarinig ng pagtikhim at paglangitngit ng pinto. Napakurap pa ako ng ilang beses nang makita kung sinong pumasok sa kwarto ko. "Hello." Parang gusto kong mapa-face palm dahil sa ganap ngayon. Seryoso? May mas nakakagulat pa ba rito? Parang mas lumala yata ang lagnat ko. "L-Lucy," Ngumiti ako sa kabila ng halu-halong nararamdaman ko. Bumangon ako ng dahan-dahan. "P-paanong, ano...bakit nandito ka?" Naglakad siya papunta sa akin. Sa bawat pag-ikli ng distance sa pagitan namin ay siya namang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ayaw talaga maalis sa isip ko yung ginawa ko sa kanya sa panaginip ko! "Sinabi sa akin ng kambal mo na may sakit ka raw kaya absent ka." sagot niya sa mahinang boses. Para iyong nahihiya pero may kalakip na concern. Napatingin ako sa lips niya nang magkaharap na kami. "Kamustang pakiramdam mo?" Ako lang ba 'to, o talagang ang ganda ng lips niya ngayon? Parang nang-aakit, eh. Napailing ako. Mukhang mataas talaga ang lagnat ko, kung anu-ano nang naiisip ko. Pasimple kong nakuyom ang kamao nang kapain niya ang noo ko. Pinuwersa ko yung sarili ko na mag-relax. Kailangan ko nang i-forget yung panaginip na 'yon, like, ngayon na mismo! The last time I check, nagkaka-crush pa naman ako sa lalaki. Baka nagiging weird lang talaga ako. Kasi hindi naman pwede 'yon, eh. "Sobrang init mo pa." saad niya, "uminom ka na ba ng gamot?" "Yep." Maikling tugon ko. Lalo akong nalalambot sa mga pinag-iisip ko. Nag-decide na lang akong pumikit kaysa mapatitig sa lips niya. Hindi ko sure kung anong pwede kong gawin kapag nadala ako, eh. "Thank you nga pala sa pagdalaw, ah." sabi ko sa kanya. Ramdam ko pa rin yung presence niya sa tabi ko. I really appreciate her visit to be honest. Hindi naman kasi talaga pumasok sa isip ko na pupuntahan niya ako para i-check kung anong lagay ko. Hindi naman lahat mag-e-effort ng katulad ng sa kanya. Ganito pala yung feeling kapag may concern sa'yo na hindi mo naman kapamilya. Feeling ko ang special ko. "It's no big deal. Okay lang naman siguro na dumalaw sa may sakit na kaibigan, 'di ba?" Napamulat ako ng mata dahil sa narinig. Napalunok ako nang makita yung ngiti niya sa akin. "Ibig sabihin...magkaibigan na talaga tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kahit hindi tayo sabay nag-lunch? Tsaka kahit hindi kita nagawan ng graham balls?" Parang musika sa pandinig yung tawa niya. Yung hilo ko parang nababawasan. O baka masyado lang akong hook sa kanya kaya hindi ko ramdam yung lagnat ko ngayon. "Edi gawa ka na lang kapag magaling ka na." Sabi niya. "Tapos kakainin natin ng sabay." "Friends na talaga tayo?" "Yep." "Yey!" Napangiti ako ng ubod ng lawak sa sobrang kasiyahan. Finally! Finally! "Oh, my gosh! Yes!" Gusto ko sana siyang yakapin dahil sa saya kaso ayoko namang mahawa siya. Next time na lang siguro. "Dumalaw nga rin pala ako para mag-sorry." Sabi niya sa seryosong boses. Napansin kong sinisimulan na naman niyang paglaruan ang sariling mga daliri. "Sorry kung naging harsh ako sa'yo." "Ano, wala na 'yon." Sabi ko na lang. Totoo naman kasi. Hindi ko naman ugaling magtanim ng hinanakit. Basta kapag okay na, okay na. Ang tapos na, tapos na. Nagtampo ako, sure, pero that's normal. Lumipas na rin naman na iyon. "Naiintindihan ko naman." Umiling siya. "No, sorry pa rin." "Eh..." Napakamot ako sa may sentido ko. "Apology accepted." Sabi ko na lang para tapos na. I smile at her. "Huwag ka na ulit mag-sorry, ah. Okay na 'yon." "Thank you." Tumango siya ng marahan. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako ro'n. Her hand really feels warm, it feels comfortable. "Tanda mo yung sinabi kong requirement ng friendship?" "Yung tiwala?" "Yep." She nods her head and purses her lips. "No'ng napagsabihan kita ng hindi maganda, totoo 'yon. I don't trust you that time." Natahimik naman ako. Parang may kung anong mahapdi na gumapang sa loob ko. Bakit ang sakit marinig? "Akala ko hindi mo na ulit ako kakausapin pagkatapos no'n. But you proved me wrong." Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Mas naramdaman ko yung init ng palad niya sa kabila ng lagnat. "Kahit naging masama ako sa'yo, kahit ilang beses na kitang ini-snob, hindi ka pa rin umalis." "Kasi gusto kitang maging kaibigan, eh." Pag-amin ko rin. Sa lahat ng taong nakilala ko, sa kanya ko lang na-feel yung need ng friendship. Feeling ko kasi talaga, siya yung taong worth it na maging kaibigan. Yung worth it na paglaanan ng oras at effort. Pang-best friend kumbaga. Gusto ko yung gano'n. I will only feel it once in a lifetime, ang hirap pakawalan ng opportunity lalo't nasa harap ko na. "Sa lahat ng atraso ko sa'yo, lalo na no'ng kahapon, akala ko talaga suko ka na." Tumawa siya ng mahina. "Pero ang tibay mo, East. Do'n mo nakuha yung tiwala ko." Napangiti ako. Hindi ko maiwasang mapahagikhik. Ang saya! My stomach feels funny and tickling all of a sudden. "Pati respeto ko, nasungkit mo." Hindi ko masupil yung ngiti ko. Para nga akong ewan na nakatitig lang sa kanya. Napansin ko namang parang natulala na lang siya. Ang seryoso ng expression niya, nakaka-curious. "Anong iniisip mo?" Natigilan siya. "Iniisip ko kung gaano ka kakulit." "Maganda naman!" Ungot ko. In born na sa akin iyon, eh. Anong magagawa ko. "Bahala ka riyan." "Lucy!" Tawag ko sa atensyon niya. May right na naman siguro akong kulitin siya dahil friends na kami for real. "Ano?" Ngumiti ako ng matamis at humalik sa pisngi niya. For some reason ay nakaramdam ako ng urger na ulitin pa iyon pero pinigilan ko. Wala naming masama siguro na humalik sa pisngi ng friend ko. "Masaya ako." I say truthfully. "Palagi naman." Tinaasan niya ako ng kilay. Hay, walang kupas ang katarayan. Hindi man lang ma-touch! "Masaya ako kasi kasama kita," sabi ko pa ulit. "Hanggang kailan?" "Ha?" Naguluhan ako sa tanong niya. Anong hanggang kailan? "W-wala." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD