"Hallo."
Lucy stares at me so I keep my wide smile. Hindi ko nga lang mabasa yung expression niya, ang poker face, eh.
"Look," Kinuha ko yung Tupperware sa bag ko na naglalaman ng homemade graham balls. "Ginawan kita!"
Natigilan siya. "Para sa'kin?"
Ngiting-ngiti naman akong tumango. "Oo!" I beam. Inabot ko ang kamay niya at hinila siya sa kung saan. Kung saan kami pupunta, hindi ko rin alam. Basta gusto ko ro'n sa lugar na masosolo ko siya. "Halika!"
"Teka lang—"
"Akong bahala sa'yo."
Tuluyan na siyang nagpahila sa'kin. Feeling ko napilitan lang siya but whatever. At least makakasama ko siya. Hindi naman siya magsisisi, eh. Ang saya ko kayang kasama!
Nakarating kami sa butterfly garden. Hindi naman 'to gaanong tinatambayan ng mga estudyante. Kami lang ang nandito ngayon, so lucky of us.
Tahimik lang sa lugar. Maraming halaman at bulaklak na nagkalat. Yung iba alam ko yung name pero yung majority hindi. Wala akong alam sa bulaklak. Kahit nga yung mga paru-paro na nandito hindi ko rin alam ang tawag. Basta magaganda sila, as in!
Lumingun-lingon siya. Napangiti na lang ako dahil ang cute niyang tingnan habang naaaliw sa mga butterflies na nandito. "You like them?"
She nods her head and for the first time of the week, she smiles at me. "I love them."
Natigilan ako sa nakita ko. Ang ganda niya ngumiti. May pakiramdam ako na hindi na matatanggal sa memory ko yung ngiting 'yon. Her smile today is definitely the most beautiful.
Mental note, Lucy adores butterfly. East Hansen, plus point!
"Halika." Iginiya ko siya malapit sa bilog na table. Ako pa mismo ang nagpaupo sa kanya kasi para ba siyang nahi-hypnotize kakasunod ng tingin niya sa mga nagliliparang mga paru-paro.
"May ganito pala rito." sabi niya sa akin, "Ang ganda..."
Tumango ako habang inihahanda ko yung mga pagkain. Mabuti na lang nahila ko si Lucy bago pa siya makabili. Nagpaluto kasi ako kay Ate North. Next time magp-practice na akong magluto para sa susunod, gawa ko na ang makakain niya.
"Wala akong alam sa mga names ng butterfly but I like them, too." I tell her, "Tapos ang cute nilang lumipad."
"Ako rin." Ngumiti ulit siya. Pasimple akong napahawak sa tiyan kong biglang nagrambol. Parang may nalunok yata akong butterfly nang hindi ko alam. "Salamat kasi dinala mo ako rito."
"Edi...pwede na tayo maging friends?" Optimistic na tanong ko. I flash my sweetest smile.
Sana pumayag siya. Sana pumayag siya!
"Makulit ka." Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Ayoko ng makulit."
"Eh!" Ngumuso ako. "Hindi naman ako makulit, ah?" Tinaasan niya ako ng kilay sa tanong ko. I clear my throat and wear a serious expression. "Fine, makulit ako. Pero bakit ayaw mo akong maging kaibigan? 'Yon lang naman ang hinihingi ko."
"'Yon lang?" she asks sarcastically, "Alam mo ba kung anong requirement ng friendship na hinihingi mo?"
Kumunot ang noo ko. Requirement? May requirement ang pakikipagkaibigan?
"Tiwala." Maikling sagot niya sa akin kahit hindi pa ako nagtatanong. Umiling siya. "Wala akong tiwala sa'yo, East."
Ni hindi na niya ako hinayaan man lang magsalita. Agad-agad siyang umalis samantalang ako, nagdadalawang-isip na kung susundan ko pa ba siya o huwag na.
Tiwala. Hindi ba ako katiwa-tiwala?
Napatitig ako sa graham balls at sa mga pagkaing inihanda ko sa table. Anong gagawin ko sa mga 'to? Hindi ko naman kayang ubusin lahat 'to, eh.
Nasayang lang yung effort ko. Nasayang yung effort ni Ate North sa pagluluto.
Ang saya-saya ko na, eh. Ang bilis namang bawiin. Ano bang problema niya? Napaungol ako dahil sa frustration. Kung ayaw niya edi bahala siya! Hindi siya kawalan!
Napatitig ako sa dinaanan ni Lucy. Para bang may tumutusok sa puso ko. Pakiramdam ko sign na yung pag-alis niya na dapat tigilan ko na 'tong ginagawa ko. Pakiramdam ko sa pag-iwan niya sa akin dito, wala na rin siyang balak bumalik.
But wait, kailan nga ba siya bumalik? Eh, ako 'tong panay ang habol sa kanya.
Napasinghot ako. Saka ko lang napagtanto na basa na yung pisngi ko ng luha. Ang swerte niya pa nga, sa kanya lang ako umiyak ng ganito. Kaso ang malas ko sa kanya.
Ang sakit niya magsalita.
Sinimulan ko nang kumain. Hinayaan ko na lang yung luha ko na panay ang pagtulo. Hindi naman nawawala kahit anong pagpahid ang gawin ko, eh. Kusa rin naman itong titigil.
"Nakakainis!" Nanggigigil na singhal ko habang tuluy-tuloy sa pagkain. "Hindi bagay sa akin ang umiyak."
Ayoko na sa kanya. Pati pakikipagkaibigan ginagawang sobrang big deal. 'Yon lang naman 'yon, bakit kailangan pa ng requirement? Akala mo naman fraternity kung maka-demand.
Tama nga siya. Ang daming gustong maging kaibigan ako, pero bakit nga ba siya yung pinili ko? Bakit, anong magagawa ko kung siya ang gusto ko? Anong magagawa ko kung hindi ko feel maging kaibigan yung iba?
Kasi ang tingin ko sa kanya ang mature niya. Kasi ang simple niya. Kasi kahit tahimik siya, nakikita ko sa kanya yung talino at awareness niya sa mga bagay-bagay. Bonus na yung cute siya. Pero gano'n pala 'yon, may tao palang sobrang mailap. Or siguro mataas lang standard niya. O kaya kasi mas matanda siya sa akin.
Pinilit kong ubusin lahat ng pagkain. Ayokong magtanong si Ate North sa akin kapag nakita niyang hindi nagalaw yung niluto niya. Mag-aalala lang 'yon. Ang sabi ko pa naman, kakain kami ng kaibigan ko. Joke lang pala 'yon. Wala naman akong kaibigan, eh. Yung tinuturing kong kaibigan, wala namang tiwala sa akin.
Napahawak ako sa tiyan ko. I feel so full. Ni hindi ko na magawang uminom ng tubig kasi feeling ko sasabog ang tiyan ko. Sumandal na lang muna ako at nagpahinga. I groan. Ganito pala yung pakiramdam ng nasobrahan sa kabusogan, para akong masusuka na ewan!
Ang hirap huminga. Nakakainis naman!
Nang masigurado kong kaya ko nang gumalaw ay saka ako nag-ayos at naglakad pabalik ng classroom. Biglang sumama yung pakiramdam ko.vPara akong maiiyak sa mga ginagawa ko. Ano nga bang pumasok sa isip ko at inubos ko lahat? Bakit kasi ang bait ko?
Bahala na! Sana lang matapos agad lahat ng klase.
Pagbalik ko sa classroom, imbes na pumunta ako sa pwesto ko, doon ako umupo sa tabi ng kambal ko. Absent naman si Jam, eh. Baka may date sila ng boyfriend niya. Pinilit ko ring huwag tingnan si Lucy. Ayoko na lang mag-isip. Basta ako, ginawa ko na yung part ko. Kung ayaw niya talaga, hindi ko na ipipilit.
Tinitigan naman ako ni West na akala mo tinubuan ako ng dalawang ulo. Hindi ko na lang pinansin.
Ang sakit ng tiyan ko!
"Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Anong bakit ako nandito?" Walang ganang tanong ko pabalik. Yumuko ako at pumikit. "Antok ako."
"'Di ba doon ka nakaupo sa tabi ni Lu—"
"Bawal ko bang tabihan ang kambal ko?" Putol ko bago niya pa mabanggit ng buo yung name ng babaeng nan-reject sa friendship na alok ko. "Absent naman yung best friend mo, eh."
"Hindi naman 'yong ibig kong sabihin." sagot niya, "'Di ba gusto mong katabi si—"
"West, ano ba, inaantok ako."
"Si Lucy."
Napangiwi ako nang banggitin niya pa rin. Alam niya talaga kung paano ako maaasar, eh.
Tumingin ako sa kanya. Mas naasar ako kas ang inosente niyang tumitig. Akala mo walang ginawa. I sigh, wala naman akong maitatago rito kay West. "Naiinis kasi ako sa kanya."
"Bakit?"
"Basta." Wala naman ako sa mood magkwento.
"Nakulitan sa'yo, 'no?"
"Oo na, makulit na ako."
Ano bang problema nila sa makukulit? Eh, ano kung ganoon ako? Taboo ba 'yon? Huh. Kung walang makulit na taong nag-e-exist baka ngayon pa lang seryoso na lahat ng tao.
Dumating na yung teacher namin. Bumati siya sa buong klase kaya on cue naman kaming tumayo at sabay-sabay na bumati. Nag-start na agad si Ma'am sa lesson niya.
"Kung may nagawa man siyang hindi maganda na nakapagpasama ng loob mo, pagpasensyahan mo na lang. Malay mo, may malalim na reason siya." West whispers to me, "That's what are friends for, right?"
--
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang klase. Finally!
Pinagmasdan ko si Lucy na nag-aayos ng gamit niya. Ni hindi man lang nagawi ang tingin niya sa akin kahit na isang beses. Napaisip ako sa sinabi ni West. May point siya. Siguro nga may reason lang si Lucy kaya masyado siyang mailap.
Maybe I should still try befriending her. Kahit last na. Kung wala pa rin, titigil na ako. For real.
"West, mauna ka nang umuwi." Paalam ko sa kambal ko bago siya ngitian. Mukhang na-gets naman niya ako. Nag-thumbs up lang siya bago umalis.
Huminga ako ng malalim. So, with new courage, nilapitan ko na si Lucy. Napatitig siya sa akin. "Sabay na tayo umu—"
"Ayoko." Mabilis na pagtanggi niya.
Isinukbit niya ang bag sa balikat at mabilis na lumayo sa akin. Imbes na panghinaan ng loob ay mas pinili kong sundan siya. Last na naman na 'to, eh. Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad.
"Ihahatid na lang pala kita—"
"East, pwede ba?" Huminto siya at umiling sa akin. "Ang daming may gustong maging kaibigan mo! Sila ang pagtuunan mo ng pansin, okay?"
Hindi ako sumagot. Kaya pa. Try lang.
She sighs. "Uuwi ako at huwag kang susunod."
"Pero—" Tumakbo siya palayo sa akin. "Lucy!"
Nahabol ko naman siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Huwag mo na akong takbuhan. Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"
"Ayoko."
Ang sakit talaga na paulit-ulit na tanggihan.
"Pero gusto ko." Ngumiti ako at pilit na hinawakan ang kamay niya. "Umuwi na tayo, Lucy."
"Ang kulit mo."
Natigilan ako. Mukhang wala na talaga. Tama na 'to. Ayaw niya siguro talaga.
Bibitawan ko sa na ang kamay niya pero ganoon na lang ang gulat ko nang siya mismo ang humawak ng kamay ko.
Hindi siya nakatingin sa akin pero pansin ko yung mabilis na pagngiti niya na mabilis ding nawala. "Magsasabay lang tayo sa unang kantong madadaanan natin. Pagkatapos no'n, huwag mo na akong susundan."
Napakurap ako. "P-pumapayag ka na?"
Binitawan na niya ang kamay ko. Maya-maya lang ay pinaglalaruan na niya ang mga daliri niya. "Gusto mong bawiin ko?"
"H-hindi! Hindi." Napangiti ako sa sobrang tuwa. "Halika na."
Sabay kaming naglakad palabas. Para akong baliw na ngiti lang ngiti. Hindi naman siya nagsasalita pero ayos lang. At least pumayag siya.
"Lucy?"
"Bakit?"
"Magkaibigan na ba tayo?" I ask, hoping na this time, oo na ang sagot niya.
Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ako. "Hindi ko natikman yung graham balls na ginawa mo."
"Huh?" Naguluhan ako sa tanong niya.
"Gawa ka ulit. Sabay tayong mag-lunch bukas."
_____