Chapter 5

1268 Words
"Lolo Ben, Lolo Ben." Mahinang napatawa siya sa akin habang ako naman ay humagikhik lang. Magaan siya kausap sa totoo lang kaya hindi ko maiwasang maging friendly sa kanya. Meron kasi siyang vibes na okay lang na magpakatotoo ako kasi he won't mind. I can see in his eyes the wisdom and acceptance. Ang hirap i-explain. Basta ang alam ko, para siyang yung klase ng tao na mulat na sa mga bagay-bagay. Maybe that's what old living long does to people. "Masayahin ka talaga, ano, East?" "Opo!" Pagsang-ayon ko. Naubos na niya iyong kape niya pero hindi pa rin siya umaalis. Masaya raw akong kasama kaya gusto niyang makipagkwentuhan pa kahit saglit. Nakailang order na rin ako ng dessert. Sarap! "Maalala ko po, hindi ba po nasabi ninyong may apo kayo? Nasaan po siya? Kasama ninyo?" "Hinay-hinay lang sa pagtatanong at mahina ang kalaban." He chuckles. "Nakatira siya sa Papa niya pero madalas naman kaming magkita." "Buti naman po." Sa edad ni Lolo Ben, mahalaga yung nakakasama niya yung mga important persons sa buhay niya. Life is short. He should enjoy life while it lasts. "Maganda rin po yung strong yung bond sa family ninyo." "Tama ka." Ngumiti siya ero napansin ko na parang may dumaang lungkot sa mata niya. Mabilis lang iyon kaya hindi ako sigurado. "Siguro ganyan din sa pamilya mo, 'no? Mukhang maganda ang pagpapalaki sa iyo." Isang ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako na aalis na. Gusto ko rin kasing dumaan sa park. Hindi naman mainit kaya ayos lang. Napagdesisyunan namin ni Lolo Ben na magkita ulit next week para magkwentuhan. Gusto ko lang ulit siya makita. Masaya kasi siyang kausap at ang dami niyang alam. Halatang matalino sa buhay. Hay, ang saya magkaroon ng lolo. Wala na kasi ang mga magulang ni Mama tapos yung kay Dad naman, matagal nang nag-migrate. Ewan ko ba kung anong meron sa abroad, masaya naman dito sa Pinas. Mainit nga lang. Hay. Baka ayaw nilang mainit. Nakarating ako sa lugar na gusto kong puntahan. Park siya, as in, yung may playground. Meron din dito sa aming isa pang park na mala-sports center. May malawak na field, basketball court, mga gano'n. Natigilan ako nang mapansin na may taong nakaupo sa swing. Familiar yung built ng katawan niya. That slim looking gal. Napangiti agad ako at lumapit. "Lucy!" Mabilis siyang napalingon sa akin. Napansin ko yung gulat sa mata niya pero agad din namang nawala. Idinuyan ko yung swing niya habang nangingiti. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa lakas ng t***k. "Bakit nandito ka?" "Naglalagalag." Sagot ko, "Buti na lang naisipan ko kasi kung hindi, hindi kita makikita." Hindi siya sumagot. Pumunta ako sa harapan niya at pinagmasdan siya sa suot na white t-shirt at checkered na shorts. Ang kinis ng binti. Tumaas ang tingin ko papunta sa mukha niya, simpleng naka-pony lang ang buhok nito. Napatitig ako sa mata niya at muling ngumiti. "Ang ganda mo." Napansin kong pinaglalaruan na naman niya ang sariling mga daliri. Ngayon mas na-confirm ko mannerism na niya talaga 'yon. "S-salamat." Ang cute talaga... "Malapit ka lang ba rito?" Naupo ako sa katabing swing. "Bakit?" "Natanong ko lang." sagot ko. "And because I'm interested." "Malapit lang." "Talaga? Pwede bang—" "Hindi." I pout. "Hindi man lang ako pinatapos." Wala na ulit nagsalita pagkatapos no'n. Napatingin ako sa langit. Walang ulap masyado. Tumingin ako kay Lucy and napansin kong nakatulala lang siya. Ano kayang iniisip niya? "Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?" Tanong ko nang maalala ko yung sa school. Pinilit kong huwag nang isipin yung muntik ko nang gawin sa kanya noong araw na iyon. Kabaliwan ko lang 'yon, eh. "Okay na ako." "Sure ka?" I ask. She nods her head with a low hum. Naubusan na ako ng sasabihin. Napabuntong hininga ako. Hay. Ayaw niya siguro talaga akong kausap. Makulit ba talaga ako masyado? Ayaw niya ba ng gano'n? "Uuwi na ako." Natigilan ako nang tumayo na siya. "Ang bilis naman." Bigla akong nakaramdam ng lungkot, like my heart starts crumpling. "Hatid na kita." "Huwag na." "Pero—" "East," tawag niya. Wala na akong nagawa nang kumunot na ang noo niya. "Alis na ako." "Sige." Sinundan ko na lang siya ng tingin habang mabagal na naglalakad paalis. Napabuntong-hininga ako. Ang ilap niya masyado. -- Bumalik din agad ako sa bahay kasi malapit na magtanghali. Nagugutom na ako ulit kahit nakailang dessert na ako. For sure nasa bahay na si Ate North. "Tadaima!" Masiglang sabi ko nang makapasok na sa bahay, saying I'm home in Japanese. Si Ate South agad ang nakita ko. Nasa sofa siya. May hawak siyang lapis at sketchpad, mukhang nasa mood ulit siya mag-drawing. Tumingin siya sa akin at tumango. Umupo naman agad ako sa tabi niya. "Anong draw mo?" "Ewan ko rin." "Ano kaya iyon." Nag-pout ako ng labi. "Ayaw mo lang sabihin, eh." Hindi na siya sumagot pa. Alam ko namang wala na siyang balak pang kausapin ako kaya umalis na agad ako at pumuntang kusina. Naabutan ko si Ate North na nagluluto. Yehey! Makakakain na ako! "Ano ulam?" Excited kong tanong bago lumapit sa kanya. Inamoy ko yung niluluto niya, feeling ko naglalaway na ako. "Bango!" "Sinigang ho, Ate East." Napahagikhik ako sa tinawag niya sa'kin. "Pwede ka nang mag-asawa kamo." Masarap magluto, maasikaso, marunong sa gawaing bahay, matalino, mabait, understanding...saan ka pa? Girlfriend material na nga, wife material pa! Tumawa siya. "Ni wala pa nga akong boyfriend, pag-aasawa agad." "Edi maghanap ka na. Wala bang nanliligaw sa'yo?" "Wala." Napasinghap ako. "Mga bulag ba sila?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Ang ganda mo kaya! Tapos matalino! Tapos mabait ka, maganda ang ugali, masarap kang magluto... Bulag ba sila, Ate North?" Tinawanan niya lang ako bilang sagot. Grabe. Anong problema ng mga tao? Iniwan ko na lang si Ate para hayaan na siyang magluto. Nagugutom lang ako lalo, eh. Pumunta na lang ako sa kwarto at naabutan ko si West na nakahiga lang habang nagamit ng phone. "West, what time ka umuwi?" "Kani-kanina pa. Ikaw? Kamusta ang—" She quotes and unquotes. "paglalagalag?" "Okay lang, though sa coffeeshop lang ako nag-stay." sagot ko. "Ay, alam mo ba!" "Hindi." Hindi ko na lang pinansin yung sagot niya at nagpatuloy. "Alam mo ba, may nakilala akong matandang lalaki. Lolo Ben pangalan niya. Mabait siya at matalino!" "East, kung sinu-sinong kinakausap mo." Hinila niya ako paupo sa tabi niya. Mabilis naman akong gumitgit sa kambal ko at niyakap siya sa baywang. "Baka naman sa susunod magsama-sama ka na rin sa kung sinu-sino." "Hindi, ah." sagot ko, "Hindi ako gano'n. Masaya lang talaga makipagkwentuhan sa hindi mo kakilala." "Ikaw bahala." Natahimik kami. Nagta-type lang siya sa phone habang ako, ito, nag-iisip lang. Sa dulo, si Lucy pa rin yung naiisip ko. "West, may tanong ako." "Shoot." "Anong tingin mo kay Lucy?" tanong ko. Muling sumagi sa isip ko yung nangyari sa park kanina. "She's aloof." maikling sagot niya, "Hindi ko sure kung mahiyain lang siya or ano. Pero mukhang hindi siya interesado sa ibang tao." "Kahit sa akin?" "Siguro." She shrugs her shoulders. Parang may something na tumusok sa puso ko nang marinig iyon. Bakit ang sakit pakinggan? "Pero minsan kapag napapatingin ako sa kanya, feeling ko gusto niya ring magkaroon ng kasama, kaibigan, gano'n. Pero pinipigilan niya lang." dagdag ni West. "Talaga?" Napangiti ako. Parang nabuhayan ulit ako ng loob sa narinig. Sana gano'n nga. "Observation ko lang naman, pero siyempre wala akong maiisip na reason kung bakit niya 'yon kailangang gawin." "Gusto ko talaga siya maging kaibigan, West." "I know." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD