Chapter 4

1345 Words
"You looked like West right now." Naguguluhang napatingin ako kay Ate South na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. Nandito ako sa living room. Ayoko sa room namin ng kambal kasi wala naman siya. Mag-iisip lang ako masyado, eh. At least dito sa sala, pwede akong ma-distract kahit kaunti. Hindi ko kasi talaga makalimutan yung muntik ko nang gawin kay Lucy habang natutulog siya. "How did you say so?" tanong ko, "Eh, kambal nga kami." "She's more serious than you." Sagot niya habang nagta-type ng kung ano sa phone. Palagi na lang siyang ganyan, wala nang inatupag kung hindi ang phone niya. Dinaig pa ako. Hindi ko na-e-enjoy gumamit ng cellphone kasi una sa lahat, lahat ng fun ay nakikita ko sa paligid ko. Ayoko yung palaging nakayuko para lang sa cellphone dahil baka hindi ko makita yung magagandang bagay na nasa harapan lang nating lahat. "Pwede rin kaya akong maging serious." I pout but she didn't notice. "Ate South, pansinin mo ako!" Hindi siya nag-react. Napasimangot ako. Kung kailan naman gusto ko magpapansin saka siya mananahimik. Ang gulo talaga ng ugali niya pero love ko pa rin siya ng super. "If something is bothering you, face it, instead of trying to distract yourself. You're just prolonging your problem." Kunot-noong tinitigan ko siya. Saan nanggaling yung sinabi niya? Tsaka paano niya nalaman na may iniisip ako? Ganoon ba ako ka-transparent sa kanya? Magtatanong pa sana ako kaso bigla naman niya akong nilayasan. Napakamot na lang ako sa ulo at napailing. Kahit kailan talaga. Dito ko talaga mas nare-realize na every individual is unique and special in their own way, eh. For example, kaming magkakapatid. Buong buhay namin magkakasama kami sa iisang bubong pero lahat kami may sari-sariling attitude at beliefs sa mga bagay-bagay. "Hay, life!" Napabuntong-hininga ako at pumikit habang nakasandal sa sofa. Bigla akong nalungkot. Parang may gusto akong makita at puntahan... Pero saan...at sino? Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. Maaga pa naman, hindi pa siguro ganoon kasakit sa balat yung sikat ng araw. Makagala na nga lang. At dahil nakaligo na naman na ako kanina pa, nagpalit na lang ako ng damit, nagdala ng maliit na bag and, ta-da! I'm ready to go! Pero bago iyon, pinuntahan ko muna yung ate ko sa room niya. Kumatok ako ng sunud-sunod. "Ate South, hallo!" Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako pagbuksan. Her blue eyes bore into me in a questioning manner. Ngumiti naman ako kahit na expressionless lang siya. "Aalis lang ako, ha. Mata ne!" "Hm." Umalis na ako. Narinig ko na lang yung pagsara niya ng pinto. I messaged Ate North na rin para naman hindi siya mag-worry kung saang lupalop man ako ng Earth mapunta. Magliliwaliw lang naman ako, eh. Wala akong reply na na-receive. Busy siguro. Ang hirap siguro magturo. Bigla tuloy akong na-guilty. Minsan kasi natutulugan ko mga teacher ko, eh. Nako, kung si Ate North siguro ang teacher ko, baka nasabon na ako no'n ng sermon. Yikes! Naglakad na palabas ng bahay namin. Siyempre, hindi ako nakalimot na i-lock ang pinto at isara ang gate. Mahirap na, 'no. Minsan napapaisip ako na gusto ko rin maging prof si Ate kahit isang beses lang. Ano kaya pakiramdam no'n? Masaya na nakakatakot? Nakaka-excite! Siguro sa school na lang nila ako mag-e-enrol sa college. Though undecided pa rin ako sa magiging course ko. Hindi bale, matagal pa naman 'yon. Nahinto ako sa paglalakad. Saan nga ba ako pupunta? Para namang nagka-lightbulb ako sa ulo nang may naisip akong paraan. Kinuha ko yung phone ko at nag-send ng text sa pinakamaganda kong kambal. Siyempre magkamukha kami kaya dapat pinaka! To: Western Pacific Kambal! West! Mehehe Coffeeshop, Park, or Mall? And...sent! Napahagikhik ako sa sariling text. Sana lang mabasa niya agad para naman hindi ako tumayo rito ng matagal. Nakakainip, eh. Nag-vibrate yung phone ko kaya mabilis ko itong binasa at nakaramdam ako ng super saya sa nabasa ko. From: South Asia Take care. I bit my lower lip. Bigla akong natawa. Si Ate hindi masalita pero magugulat ka na lang sa mga ganitong pakulo niya. To: South Asia Yes sis! I love you! ❤ Para akong ewan dito na napapangiti. Hindi lang naman siguro ako yung klase ng kapatid na clingy, I think. Tsaka wala naman akong mapapala kung ire-restrain ko yung sarili ko na mag-express. Life is short kaya. From: South Asia ? "Sungit talaga." bulong ko. May message ulit na dumating pero galing naman na kay West. Finally! From: Western Pacific Coffeeshop. Mabilis kong tinawagan si West. Sinagot naman niya after three rings. "Oh?" "Ang tagal mo mag-reply kamo!" Bungad ko sa kanya. Narinig ko naman yung mahinang pagbuntong-hininga ng kapatid ko. "Kaka-check ko lang ng phone ko." She reasoned out. "What's with the random question?" "Maglalagalag kasi ako." I answer while walking. Tinatahak ko na yung daan papunta sa coffeeshop. "Eh, since coffeeshop ang choice mo, edi do'n na ako tatambay." "Do'n ka na sa The Hansen, safe ka ro'n." "Papunta na nga." "And avoid drinking coffee. Magp-palpitate ka." Napairap ako sa sobrang bossy ng kambal ko. "Anong silbi ng coffeeshop kung hindi coffee ang order ko?" "That's why there are desserts, pastry, and milkshakes available. Go for it." She says in a motherly tone. Minsan talaga ganoon siya. At dahil no choice naman ako sa mga sinabi niya, ano pa nga ba. "Fine." "And take care." "Yeah, yeah." sagot ko, "Bye-bye! Ingat ka rin. At pasalubong!" Ungot ko pa. "Oo na. Bye." Pagkamatay ko ng tawag ay saka ko lang namalayan na malapit na ako sa coffeeshop. Hindi ko talaga napapansin yung oras kapag occupied ako. Well, at least, hindi puro si Lucy at yung mindless attempt kong halikan siya ang palagi kong naiisip. Napabuntong-hininga ako. Kamusta na kaya siya? Sana magaling na siya. Nalanghap ko agad sa paligid yung aroma ng coffee na humahalo sa hangin dito sa loob ng coffeeshop. Nakaka-relax din pati yung background music na pinapatugtog. Medyo matao pero tahimik. Naghanap na ako ng mauupuan at napagpasiyahan kong maki-share ng table do'n sa isang matandang lalaki na mag-isa lang nakaupo habang umiinom ng coffee. "Lo, pwede pong makiupo?" Napatingin siya sa akin at ngumiti. Yey, friendly siya! "Sige lang, wala naman akong kasama." "Thank you!" Umupo ako sa tabi niya at mabilis na um-order. At gaya nga ng sinabi ni West, walang coffee. "Malapit lang po ba kayo rito?" Tumango naman si Lolo at humigop sa inumin niya. "Madalas ako rito dahil tahimik at comfortable. At hindi lahat ng oras, eh, may lalapit sa akin para maki-share ng lamesa at makipag-usap. I'm happy." "Talaga po?" Tumango naman siya. "Buti na lang po pala at dito ako pumunta. Edi, pwede po kitang makasabay palagi?" "Walang problema." He shrugs. "Yehey!" I beam. Dumating naman agad ang order ko kaya ayon, masaya ako lalo. "Masyado kang masigla, 'nak." Komento ni Lolo sa akin, "Bigla ko tuloy naalala ang apo ko." "Ayoko po kasing nalulungkot. Feeling ko nasasayang yung oras." Explain ko naman, "Nasaan po yung apo niyo? Ilang taon na po?" "May punto ka." sang-ayon niya, "Pero kung minsan, maganda rin iyong nalulungkot tayo. Sa gayong paraan, mas natututo tayong magpahalaga sa mga bagay na nagpapasaya sa atin dahil alam natin kung anong pakiramdam ng kalungkutan." Napatango ako sa sinabi niya. Pero kahit na. Ayoko pa ring nalulungkot. Hindi maganda sa loob. "Yung apo ko, siguro matanda lang siya sa iyo ng ilang taon. Masigla siyang bata noon." Pansin ko yung biglang pagdaan ng lungkot sa mata niya. Ayoko namang magtanong masyado kaya tumango lang ako ulit in understanding. "Magiging ayos lang din po ang lahat, 'Lo." "Maraming salamat." Parang bulang nawala yung lungkot sa mata niya and is now replaced with happiness. "Ano ngang pangalan mo, hija?" "East po, East Hansen." Masaya kong tugon bago tikman yung Yema cake na order ko. Parang nagulat naman siya. "Kamag-anak mo ba ang may-ari ng coffeeshop na ito?" "Ah, e," Napangiti ako. "Kapatid po ako ng may-ari, pero secret lang, ah." Natawa naman siya ngunit pumayag din. "Ikaw po, anong pangalan mo, 'Lo?" "Ben Crisostomo." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD