CHAPTER 10 Third Person POV Sa umagang iyon, muling bumalik si Kikay sa palayan, dala ang kanyang basket at net para manghuli ng palaka. Pero bago pa man siya makarating sa palayan, napansin niyang ang “hambog na haciendero” ay nakatayo roon, mukhang naghihintay na naman ng pagkakataong mainis sa kanya. “Ang aga-aga, nandito na naman siya,” bulong ni Kikay habang naglalakad. Pero hindi siya magpapatalo. Ngayon pa ba siya aatras? Nakatayo si Emmanuel sa gitna ng palayan, suot ang isang simpleng puting polo at dark slacks. Kahit mukhang wala siyang balak magtrabaho, tila bagay pa rin sa kanya ang maputik na paligid. Hindi nga lang niya maitatago ang pagkadismaya sa bawat yapak ng putik sa kanyang sapatos. Nang mapansin niyang papalapit si Kikay, agad siyang nagsalita. “Miss Constantino,

