CHAPTER 9 Emmanuel POV Every time I saw that name—Kikay—umiinit ang ulo ko. Parang automatic na dumudugo ang utak ko sa kakaibang gulo na dulot niya. Hindi ko alam kung anong sumpa ang dumapo sa akin nang makilala ko ang babaeng iyon. Sa lahat ng tao sa probinsyang ito, siya pa ang pinaka-maingay, pinaka-magulo, at pinaka-abalang pinasok sa buhay ko. At masama pa, parang may kung anong magneto sa pagitan namin na laging naglalapit sa amin kahit pilit kong iwasan. Kanina lang, habang sinusuri ko ang mga ulat ng kita mula sa palayan, nakita ko ang isang papel na nakasulat ang pangalan niya. “Kikay Constantino,” pabulong kong sinabi, sabay pikit ng mata. Kasabay noon, narinig ko ang tawa niya sa utak ko—yung nakakaasar na hagalpakan na parang kinukutya ako. Napabalikwas ako ng bangon. Hin

