CHAPTER 8 Third Person POV Habang naglalakad si Kikay papunta sa palayan, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Si Emmanuel, na kanina ay abala sa pagbabasa ng mga dokumento habang ang kanyang mga tauhan ay nagtatrabaho sa palayan, ay nahulog sa isang madulas na bahagi ng lupa. Hindi lang basta nahulog, kundi tumilapon pa siya sa putik, at sa kakulangan ng pag-iingat, nahulog siya sa isang lugar kung saan ang mga palaka ay nagsisiksikan. Hatingabi na, kaya medyo madilim na sa palayan, at nagkataon pang naririnig ang matinding kokak ng mga palaka, na parang sinasadyang magpa-cue sa kabaliwan ng eksena. Ang kanyang mamahaling suit na maingat na iniwasan niya na madumihan, ngayon ay nanganganib nang ma-puno ng putik. Nagulat si Emmanuel at hindi alam kung anong gagawin. Tumayo si

