CHAPTER 18 THIRD PERSON POV Mula nang mangyari ang hindi sinasadyang halikan nila, muling naging malamig si Emmanuel kay Kikay. Palaging iwas ang binata, at kahit hindi siya tinitingnan nang diretso, halatang ninenerbyos ito sa presensya ng dalaga. Si Kikay naman, tila walang pakialam, at ginawang aliwan ang panunukso kay Emmanuel gamit ang mga palaka. "Uy, Sir Emmanuel!" sigaw ni Kikay mula sa harapan ng kubo. Bitbit niya ang isang maliit na timba na may laman ng tatlong palaka na masiglang tumatalon-talon. Tumingin si Emmanuel mula sa kinatatayuan niya, naglalakad papunta sa mansyon. Nang makita ang laman ng timba, agad na bumilis ang lakad niya. "Huwag mo akong lapitan, Kikay!" "Grabe naman! Takot ka ba talaga sa palaka?" tanong ni Kikay, kunwari'y inosente, pero halata sa mga mat

