CHAPTER 14 KIKAY POV “Hoy mga kokak, asan na kayo? Huwag kayong magtago diyan, kailangan ko kayong ibenta mamaya!” sigaw ko habang naglalakad sa palayan. Hawak-hawak ko ang basket ko, nakasabit ang lambat sa balikat, at nakangiti pa rin kahit alam kong mahaba-habang habulan na naman ang magaganap. Ito na lang kasi ang tanging hanapbuhay ko. Ang mga palaka, kahit hindi mukhang sosyal, malaking tulong sila sa akin. Ang mahal kaya nila sa palengke, lalo na sa mga restoran na mahilig sa exotic na pagkain! Habang naglalakad ako, may biglang tumalon sa harapan ko. “Ay! Ang bilis mo, ha!” Sumalampak ako sa putik dahil sa gulat, pero mabilis akong bumangon. “Hindi ka makakaligtas sa akin!” Agad kong tinakpan ang palaka gamit ang lambat, pero sa sobrang liksi nito, nakalusot pa rin. Napahinga

