bc

MONTECARLO series 2: WARREN

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Sabi nga nila kapag tapos na.. Tapos na! Kapag wala na.. Wala na! Wag nalang ipilit pareho lang din naman.. Masasaktan at masasaktan din naman.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Dalian nyo naman.. Naguumpisa na yung game nila.." Sabi ni Lani sa kaibigang sina Ehm at Angge Karipas ng takbo at lakad ang mga ito papasok ng stadium ng school nila. Si Lani ay nakahanap nga ng pwesto sa taas para matanaw ang sinusuportahan nitong team ng basketball. "Hay!!! Sandali hihinga lang ako." hingal na hingal na sabi ni Angge saka napahawak sa railing ng hagdan Napaupo naman si Ehm sa hagdanan. "Tignan mo yung babaeng yun iniwan tayo." sabi no Ehm na hinihingal din. Pagkatapos pumayapa ng hingal nila ay sumunod na sila kay Lani. Parang hindi ito napapagod sa tinakbo nila. Ang laban ng basketball na iyon ay sa pagitan ng school nila at school ng hinahangaan ni Lani. Sa tuwing nakaka shoot nga ito na si Warren Montecarlo ay panay ang hiyaw at tili nya. Pinagtitinginan sila ng mga katabi dahil naka pwesto sila kung saan ang bleacher ng school nila. Pero nagchecheer si Lani sa kalaban ng school nila. Agaw pansin tuloy sila dahil iba ang sinisigaw nya sa suot nilang uniform. " Lani! Ano ka ba.. Pinagtitinginan na tayo.." bulong na sabi ni Ehm habang pilit na ngumiti sa mga school mates Itinatakip nalang ni Angge ang bag sa mukha dahil pinagtitinginan na sila ultimo ung mga nagchecheer at mga player sa kabilang school ay napapatingin sa kanila. May dala dala pa talagang pompoms si Lani. "Lani maupo ka nga muna.." sabi ni Angge "Nakakahiya na.." "Ayoko nga.. Pakielam ba nila.. Shoot! Yes!" Sigaw ni Lani May hindi na nakatiis na katabi nila. "Pwede ba kayong tatlo lumipat nalang sa kabila!?" Mataray na sabi ng isang babae "Naturingan kayong taga St. Anthony.." Tinignan ni Lani ng masama Ang babaeng nasa tabi ni Ehm. Hinawakan naman ni Angge ang isang braso ni Lani. "Wag mo na patulan." sabi ni Angge "Aba.. Sa tingin mo nandito kami kung papasukin kami sa bleacher nila?" Sagot ni Lani sa babae "Edi wag kayo dito." "At sino ka para bawalan ako?" mataray na sagot ni Lani Hindi na sumagot ang babae at umalis nalang sa tabi nila kasama ang mga kaibigan nito. Patuloy naman sa pagtili si Lani. Naka 3 points nanaman si Warren. "Ahhh!!! Go Warren!!" patuloy na sigaw ni Lani. Nang mag half time break ay masaya pa ding nakatingin si Lani sa bench kung nasaan ang team ng school ni Warren. Kaya hindi nya napansin na umakyat ang ilang player ng St. Anthony at humarang sa harapan ni Lani. "Hey!" Asar na sabi Lani saka tinignan ng masama ang lalaki. "Pwede ba Miko umalis ka dyan dahil panira ka sa magandang view." sabi pa nito saka ipinaling paling nya ang tingin sa side nito para makita si Warren. Pero humaharang pa din ito. "At kung ayoko?" sabi ni Miko Masugid na manliligaw ni Lani si Miko at sa tagal na nanliligaw nito ay hindi man lang ito pinagtuunan ng pansin ni Lani. "Sisipain kita dyan para mahulog ka. Kaya umalis ka na, bago pa magdilim paningin ko sayo." sabi ni Lani Nakatingin na sakanila ang karamihan sa nasa bleacher dahil agaw pansin naman talaga si Miko. Gwapo at matangkad ito at marami din ang nagtatangis dito ngunit kung sino pa ang gusto nito ay hindi siya mabigyan ng kahit katiting na pagtingin. "Aalis ako dito kung yan ang gusto mo. Pero sasamahan mo ako canteen mamaya after game." sabi ni Miko "A YO KO .. Kaya alis dyan." sabi ni Lani "A YO KO din.. hanggat hindi ka pumapayag." "Edi mag stay ka dyan hanggang gusto mo!" asar na sabi ni Lani saka niyaya ang mga kaibigan at umalis ng bleacher. Naghiyawan naman ang ibang mga kasama ni Miko. Kaya kahit ang mga nasa kabilang bleacher kung nasaan ang kalabang school ay nakatingin na din sa kanila. Natapos na ang qualifying game ng basketball league ng bawat school at nakapasok ang Bren International School. Nanalo ang school ni Warren laban sa St. Anthony Catholic School. "Ang hot ng 2nd quarter no? Parang galit na galit silang talunin tayo. Kahit hindi naman sila mai-iliminate." sabi ni Aries "Baka dahil sa chik na nasa kabilang school na kanina pa nag chi-cheer kay Warren. Balita ko nililigawan daw ni Miko yung babae." sabi ni Joel kasama din ni Warren sa team "Chismoso ka talaga akalain mong nakarating pa sayo yun." sabi ni Aries "Pero ang cute ng chik kanina pare. Lakas ng cheer sayo." sabi pa nito kay Warren Nagpapalit si Warren ng t-shirt ng lapitan sya ng mga ito at sumandal sa isang locker. "Hindi ka na nasanay.. Lahat naman na puntahang nating school may fans club si Warren." birong sabi ni Joel saka tumayo pagkatapos ayusin ang sintas. Ngiti lang ang isinagot ni Warren saka kinuha ang sport bag na dala at sabay sabay na silang lumabas ng locker room. Totoo naman ang sinabi ng kaibigan. Hindi magkamayaw ang mga babae sa tuwing makikita siya. Bago sila makalabas ng gymnasium nakita nila si Miko at ibang team mate nito na may kausap na babae. Nakita din sila ng mga ito. "Montecarlo!" tawag ni Miko kay Warren ng makita nya ang mga ito na palabas na ng gymnasium. Huminto at tumingin si Warren dito. Lumapit si Miko dito at mahigpit na hinawakan si Lani. "Ano bah! Bitiwan mo nga ako! Napaka papansin mo!" asar na sabi ni Lani kay Miko na pinipilit bawiin ang kamay dito. "Wag ka nang malikot." sabi ni Miko na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa babae. "Siguro naman alam mong maghaharap pa din tayo at sa araw na yun ikaw naman ang matatalo." mayabang na sabi ni Miko "Gawin mo nalang. Dahil naririndi na akong madinig yan sayo sa tuwing maghaharap tayo." sabi ni Warren saka ito binigyan ng nakakapangasar na ngiti. "At pwede ba bitawan mo na yung babae." saka iniwan na ang mga ito. "Nanalo lang ng isang game kala mo kung sino na." sabi ni Miko "Mahiya ka nga ilang taon na kayong naglalaban di ka pa din manalonalo sa kanila." sabi ni Lani "Anong sabi mo?!" asar na sabi ni Miko na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan nya. "Bakit totoo naman ah.. Saka pwede ba bitawan mo na ako! Nasasaktan na akong damuho ka!" sigaw nya saka nya pinuwersa na tanggalin ang kamay sa pagkakahawak ni Miko. Sobra na ang pamumula ng pulsuhan nya. Kaya ng makawala dito ay isang malakas na sampal ang ibinigay nya kay Miko. Na-out of balance ito kaya kamuntik na itong matumba, nang makabawi ito sa pagkapahiya ay akma na nya ding pagbuhatan ng kamay si Lani ng masalo ni Warren ang kamay nito. "Parang ang halay tignan na mananakit ka ng isang babae." walang ekspresyon na sabi ni Warren "Hindi nakakalalake yang gagawin mo." habol pa nya saka binigyan ng isang nakakapanguyam na ngiti. Bago pa maka react si Miko ay patulak na binitiwan ni Warren ang braso nito. Tuluyan naman na napaupo si Miko at bago pa tuluyang mapahiya ay iniwan na nya ang mga ito. "May araw ka din sakin Montecarlo." sabi ni Miko bago umalis. "Nasaktan ka ba miss?" sabi ni Joel "Sobra ang pamumula na halos bumakat na yung kamay ni Miko sa pulsuhan mo.. Kaya mas makakabuti kung dadalhin mo na yan sa clinic para malagyan ng cream." sabi ni Ariel "Ahh oo.." sabi ni Lani na nakatingin pa din kay Warren kahit na mga kaibigan lang naman nito ang nakikipagusap sa kanya. "Thank you nga pala.. By the way iam La---" hindi na naituloy ni Lani ang sasabihin dahil umalis na si Warren. Naiwan si Lani doon na nakatanaw lang sa papalayong grupo ni Warren. "Panira talaga yung Miko na yun! Grrr!" gigil na sabi ni Lani at tinignan ang inuupoang bench sa field sa oval ng school. "At ang walang hiya nagawa pang ngumiti!" nang gigil na bulong ni Lani "Ikaw ang may araw sakin!!" sigaw pa nya kay Miko. Nagflying kiss pa ito sa kanya. Kaya pinakita nya na nandidiri sya sa ginawa nito. Saka umalis na sa oval. Lulugmo lugmo naman na bumalik sa room si Lani. "Hoy! san ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap ni Ehm." sabi ni Angge ng makaupo ito. "Dyan lang sa tabi." walang ganang sagot ni Lani hinihimas pa din ang naka bandaheng kamay. "Napano yan?" sabi ni Ehm ng makitang naka bandage ang kamay ng kaibigan. "Ang higpit kasi ng pagkakahawak ni Miko. Bwisit kasi yung lalaki na yun e. Isipin mo ba naman gusto ipahiya si Warren sa harapan ko. Ayun buti nga, sya yung napahiya." masayang sabi ni Lani "Bakit parang masaya ka pa. Ikaw na nga tong may galos. Damuho talaga yang manliligaw mo. Sadista!" sabi ni Angge "Makita ko lang yun makakatikim talaga yun e." sabi ni Ehm "Hayaan nyo na wala naman syang magagawa kung hindi siya ang gusto ko. Saka pinagtanggol kasi ako Warren kaya galit na galit yung mokong na yun. " masayang sabi ni Lani "Apaka feelingera mo naman ata Lani. Hindi ka nga man lang nginitian. " sabi ng isa nyang classmate. "Heh! Wag ka nga nangengealam ha. Saka ano naman nagyon kung hindi nya ako nginitian ang mahalaga nakausap ko sya.." sabi ni Lani na nagniningning pa ang mata. "Hala diba ikaw lang ang kumausap sa kanya.." natatawa pang sabi ng isa nilang kaklase na nasa oval din ng oras na iyon. "Oo na ako lang naki pagusap. Happy na ba?" sabi ni Lani saka naupo sa designated chair nito "Oh tama na nahuhulas na yung ganda mo.." natatawa nalang na sabi ni Ehm para aluin ang kaibigan. "Hayaan nyo nalang siya. Hindi na kayo nasanay taontaon namang sinusuportahan ni Lani yung kabilang team. Last season na to na maglalaro yung sinusoportahan nya.. Kaya konting tiis ha?" natatawang sabi ni Angge sa mga kaklase. Sabay nang umuwi ng mansion sina Lani at Angge. Dahil doon naman nanunuluyan sa kanila si Angge at ang nanay nito na mayordoma sa kanilang mansion. Papasok na ng bahay si Lani at sinalubong siya ng isa nilang kasambahay. "Ang aga nyo naman po atang nakauwi señorita." sabi ni Lisa "Opo wala po kasi masyadong klase ngayon." sabi ni Lani saka inabot ang bag dito. "Makilagay nalang sa kwarto ko, ya. Pupuntahan ko lang ang ate sa kusina. Salamat po." Marangya at maganda ang buhay ni Lani. Ngunit hindi ito matapobre. Maldita at masungit ang tingin sa kanya ng ibang tao na hindi naman siya kilala ng lubusan. Tinungo ni Lani ang kusina nila at nakita nga doon ang nakakatandang kapatid na babae. Pati si manang Lyn na nagliligpit sa kalat ng kapatid. "At kaylan ka pa natutong magluto ate?" sabi ni Lani "Inabala mo pa talaga itong si Manang Lyn.. Hi Manang.." nakangiting bati nito sa mayordoma. Si Manang Lyn ay ang mama ng isa sa matalik nyang kaibigan na si Angge. Mayordoma si manang Lyn sa bahay nila. "Naku ewan ko ba sa batang ito. Sabi ko ako nalamang. Ayan at ayaw magpaawat." natatawang sabi ni Manang Lyn "May darating daw kasi siyang bisita." "Manang hindi lang po basta bisita.. Kundi manliligaw.." paglilinaw ni Lalaine "As if naman na dad will allow you ate." sabi ni Lani "Dad knows Lani, and he agreed." masayang sabi ni Lalaine Kagaya ni Lani na kahit nasa murang edad na desi-nueve ang kanyang kapatid ay maaaninagan na ng ganda, kinis at magandang hulma ng katawan ang ate nya kaya marami ang nanliligaw dito. Sa dami kadalasan ay pinag sasabay nya ang mga ito. Pero ngayon nya lang narinig na magpapaakyat siya ng manliligaw dito sa bahay nila. Mahigpit kasi ang kanilang ama pagdating sa manliligaw lalo na sa ate nya na kahit tatlong taon lang ang tanda sa kanya ay masyadong magiliw sa mga lalaki. Lagi kasi itong nahuhuli ng ama na tumatakas para sumama sa karelasyong lalaki at kapag pinaghihigpitan ay lalong nagrerebelde. Nahinto ng isang taon ito dahil sa pagrerebelde. Kaya ngayon ay Graduating na ang kanyang ate ng senior high. Siya naman ay Graduating na ng junior high. "Sandali ano na nga ba pangalan nung boy friend mo." sabi ni Lani "Si Fred?" sabi ni Lalaine "Yah Fred.." sabi ni Lani "Parang kaylan lang nung sinabi mo na nagkakalabuan na kayo ah. Okay na ba kayo ulit?" "No sister.. its Not Fred.. Break na kami nun.." sabi ni Lalaine "Ha? Okay ka lang ba ate Lala e wala pa nga kayong isang linggo na mag-on." gulat na sabi ni Lani "Ano ka ba naman sister, anong magagawa ko sa hindi ko naramdaman sakanya yung true love.." sabi ni Lalaine "Naniniwala ka pa pala sa salitang true love, samantalang nakalima ka nang boyfriend ngayong semester.," sabi ni Lani "Maging masaya ka nalang saakin kapatid. Dapat nga gayahin mo ako.." sabi pa ni Lalaine "Never ate.. Kahit pa love kita.. Magiging one man woman lang ako.." giit ni Lani "Its your choice sis.. Pero mas masayang marami.. " natatawang sabi ni Lalaine Napailing nalang si Lani at manang Lyn. "Gusto mo bang magmerienda muna ija?" sabi ni manang Lyn "Hindi na po manang nagmerienda na po kami nila Angge at Ehm kanina bago po kami umuwi." sabi ni Lani "Ah ganun ba. Mabuti naman at nakakain na kayo at hindi ako nakapagluto sa bahay namin dahil bigla naman akong tinawagan nitong ate mo." nakangiting sabi ni manang Lyn "Thank you manang.." malambing na sabi ni Lalaine "Naku tignan mo na ate. Tapos na ang duty ni Manang Lyn nagovertime pa para sayo." sabi ni Lani "Hayaan mo manang sasabihin ko sa daddy na bigyan ka ng bonus.." sabi ni Lalaine "Naku wag na.. Maliit na bagay lang to kumpara sa tulong nyo sa aming magina." sabi ni manang Lyn "Naku manang wag mo pinapadinig sa ate ang mga ganyang bagay. Aabusuhin ka nyan. " sabi ni Lani saka iniwan na ang mga ito. Pumanhink naman na sa kwarto si Lani at nagpalit na ng pang bahay. Habang nagpapalit ng damit ay hindi nya pa din nya mawari ang kanyang ate Lala. Hindi ba ito natatakot sa karma o kaya ay naniniwala man lang? Maganda ang kanyang ate, mas mistisa ito kung ikukumpara sa kanya na may pagka morena. May pagkabulakbol ang ate nya pero nag e excel naman sa klase nito. Sa dami ng naging nobyo nito ay hindi na nya mawari kung seryoso ba ito sa karelasyon. Dahil kapag malalaman niya na hiwalay na ito sa kasalukuyang nobyo ay may kapalit nanaman itong bagong nobyo. Pero ang sabi nalang sa kanya ng nakakatandang kapatid ay minahal naman daw nya lahat ng naging nobyo nito. "Hindi ba kapag nagmahal dapat isa lang?" Tanong ni Lani sa sarili habang nakaharap sa salamin ng make up table nya. "Ah! Basta ako? Isa lang tatangisin ko." saka binuksan ang drawer ng lamesa nya at inilabas ang isang larawan doon ni Warren. "Ikaw at ikaw lang! hmmm ang gwapo talaga!" hinalikan pa nya ang larawan saka maayos na ibinalik sa drawer ang litrato ng binata. Pababa ng hagdan si Warren ng makita ang kapatid na si Jameson sa sala at nagbabasa ng peryodiko. "Saan ang lakad mo? Parang bihis na bihis ka ata ngayon Warren." sabi ni Jameson na bahagya pa siyang sinulyapan saka ibinalik sa binabasa ang tingin. Halos isang taon lang ang tanda niya kay Jameson kaya nakasanayan na nila na i drop ang pormalidad sa kanilang magkakapatid kahit sa mga pinsan. Maliban nalang sa mga nakakabata nilang kapatid na malayo na ang agwat sa kanila. May dalawa pa silang nakakabatang kapatid na nasa primary. "May lakad lang kami nila Aries at Joel." sabi ni Warren habang pababa ng hagdan. "Ah.. Basta wag mong kakalimutan na may meeting tayo kasama ng señor sa sabado." saka inilipat ang pahina ng binabasang dyaryo. "Hindi ako liliban doon. Nabalitaan ko kasi kay papa na mag mimilitary tranning na daw tayo sa bakasyon." sabi ni Warren at naupo na din sa sala habang inaantay ang mga kaibigan. "Kahit naman gustuhin nating lumiban ay hindi maaari. Dahil alam ng bawat isa na batas ang señor." "Mismo, na minsan nakakasal." buntong hiningang sabi ni Warren "Na kahit sila papa ay wala din naman nagawa, kahit mga nasa tamang edad na ay ang señor pa din ang sinusunod." "Bakit parang may laman yan?" Takang tanong ni Jameson sa kapatid. "Wala naman, pero para saakin ayoko ng manimanipula ako." "Nagbunga naman ng apat na gwapong supling ang pag mamanipula ng señor diba?" sabi ni Jameson ng may halong pagmamalaki. "Labas na sila mama at papa doon dahil mahal naman talaga nila ang isat isa. Ayoko lang na kapag dumating ako sa puntong iyon ay mamanipulahin din nila ako." "Hindi naman siguro mangyayari iyon. Saka ang babata pa natin para isipin yang mga ganyang bagay. Maliban nalang kung..." sadyang inudlot ni Jameson ang sasabihin saka tumingin sa kapatid. "Sira wala pa sa isip ko yan." sabi ni Warren Nagkibit naman balikat ang kapatid. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kaibigan. Bumusina ang mga ito kaya nag dalidali na siyang lumabas ng mansion. Iniwan na niya ang kapatid na hindi maabala sa binabasa nitong peryodiko. "Para ka namang hindi nasanay sa ate mo." sabi ni Ehm na nakaupo sa swing. Nasa club house sila Lani Ehm at Angge ng subdivision nila. Mayroon itong playground para sa mga bata at matanda. Tumatambay sila doon kada hapon pagkagaling nila ng paaralan. "Nakakainis lang, ang sarap kaya na mainlove sa taong gusto mo talaga. Hindi nya ba naisip yun." sabi ni Lani saka inumpisahang magswing ng mahina lang. "Magkakaiba naman kasi ng ugali ang tao. Nagkataong mas maganda yung gusto mo pagdating sa love." sabi Angge na idinuduyan lang ng bahagya ang inuupuang swing. "Tama, kaya ituloy mo lang ang paniniwala mo at gusto mo." sabi ni Ehm "Sasamahan ka namin kahit hingalin na kami kakasama sayo basta dyan ka sasaya." "Natatakot kasi ako na baka dumating sa punto na gawin ko kung ano ginagawa nya. Syempre magkapatid kami iisang dugo lang nananalantay sa ugat namin." "Bakit mo naman iisipin yun. Tandaan mo magkaiba kayo." sabi ni Angge "Saka kahit kaylan never ka naman tumingin sa iba e. Kahit pa nga yata iharap sayo si Jungkook. Si Warren at si Warren pa din ang pipiliin mo." sabi ni Ehm "... ng may pagnanasa." tawang dugtong ni Angge "Sira talaga kayo. Ayoko din kasing sirain ang tiwala nila mama at papa. Kahit mahal na mahal nila si ate Lala nakikita ko naman ang disappointment sa mga mukha nila." malungkot na sabi ni Lani "Edi iyon ang gawin mong rason para hindi mo sundan ang hindi magandang ginagawa ng ate mo." sabi ni Angge "Kaya nga, diba nga sabi ng iba.. Kung ayaw mong gawin sayo wag mong gawin sa iba.." sabi ni Ehm "Motto ko yun ah." sabi ni Lani "Oo nga, inulit ko lang." saka sila nagtawanang magkakaibigan. Bahagyang kumulimlim ang kalangitan kaya bago pa bumuhos ang malakas na ulan ay patakbo nilang tinungo ang bahay nila Ehm. Wala pa siyang balak umuwi kaya tumawag siya sa kanila para magpaalam na doon muna sila matutulog ni Angge kila Ehm. Wala naman pasok kinabukasan kaya madaling pumayag ang kanyang ina. Ngunit sa totoo lang ay ayaw niyang makita ang bagong manliligaw ng kapatid niya. Dahil umaasa pa siyang magkakabalikan sila ng dati nitong nobyo na si Mark. Napalapit ang loob dito ni Lani dahil naging kuya ito sa kanya. Grand finals na ng liga nila Warren at nakaharap nanaman nito ang St. Anthony. Sa school nila ginanap ang laban ng dalawang kupunan. Gaya nga ng inaasahan ay marami ang manonood na nagpunta doon galing pa ng ibat ibang school. Pero nadismaya siya ng malaman na hindi makakadalo ang kasintahan dahil sa exam nito. "Okay na din pala na wala ang girl friend mo pare baka magselos lang sa mga babaeng kinikilig sayo." sabi ni Joel ng mapansing matamlay. "Saka mas mahalaga ang exam. Intindihin mo nalang." sabi pa ni Aries saka isinuot ang jersey. Tumayo si Warren pagkatapos magsintas ng sapatos. "Gusto ko lang naman na nandito siya para mabawasan ang pagka obsessed ng ibang mga babae. Nakakairita na kasi minsan." asar na sabi ni Warren "Kung ako sayo pare magalak ka nalang. dahil pag natapos tong taon na ito may isang taon nalang tayo para namnamin ang sigawan ng mga babae. Dahil sa gagraduate na tayo ng senior high." sabi ni Joel "Puro ka kalokohan." sabi ni Aries "Kaya walang sumiseryoso sayong babae kasi puro ka kalokohan. Next year pa yun kaya kumalma ka." tawa pang sabi nito "Grabe naman yun." pakunwaring nalungkot pa sa sinabi ng kaibigan. "Tara na bago pa kayo magkapikunan." sabi ni Warren saka sabay sabay na lumabas ng locker roon. Hindi naman magkamayaw ang tao ng makita silang lumabas para magwarm up. Pumuwesto talaga si Lani kung saan malapit ang bench nila Warren. Binayaran nya ng malaking halaga ang dapat na pupwesto doon. Sa dami ng mga manonood ay halos puno na. Balak din nya magtungo sa party pagkatapos ng game. Gusto nya kasi itong makausap kahit sandali lang ng sarilinan. Hahanap siya ng tiyempo. Ngunit sabi ng informant nya ay may kasintahan na daw ito. "E ano naman ngayon. Usap lang naman. Saka hindi pa naman sila kasal." pabulong na sabi ni Lani sa sarili. Natapos nga ang game sa score na 103-91 para sa Brent ang panalo. Nang matapos na ang awarding ng bawat kupunan ay nagkanya kanya na itong nagtungo sa bawat after party ng mga ito. Pinili ni Lani na magtungo sa party kung nasaan si Warren. Sa isang resort sa laguna siya isinama ng kakilala niya na sa Bren nagaaaral. Lumabas ng restaurant ng resort si Warren para tawagan ang nobya. "Hey babe, saan ka na?" sabi ni Warren "Sorry babe i can't make it e. Pass 8 na nandito pa ako sa party ng friend ko." "What? Ang usapan natin dito ka didiretsyo after ng class mo." asar na sabi ni Warren "Sorry babe.. Babawi nalang ako next time. Bye." saka ibinaba ng nobya ang tawag. "Sh*t!" Asar na sabi ni wareen sa hangin "Ang aga pa para mainis ah, nagsisimula palang ang party nyo." sabi ni Lani na hindi namalayan ni Warren na nakalapit na pala sa kanya. "Girl friend?" habol pa nito. Hindi kumibo si Warren at inisang lagok nalang nito ang beer na nasa baso. "Hmm by the way congrats nga pala." sabi ni Lani "Kanina mo pa kami kino-congrats hindi ka ba napapagod? wala sa mood na sabi ni Warren saka naupo sa isang lamesa na may dalawahang upuan na nasa labas ng lobby. Dahil open space ang lugar ay matatanaw ang kadiliman ng pampang at ang mga bituin. "At last nagsalita ka din." sabi ni Lani na sumunod dito at naupo sa katapat ng inupuan ng binata. "Anpng akala mo sakin? Pipi?" "Kamuntik na.. Haha.." natatawang sabi ni Lani. "Pero biro lang.." sabi pa nya ng makitang hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Pero kahit ganun ay nginitian pa din nya ang binata. "Puwede ba wag kang ngumiti? Ang pangit mo kasi." iwas na sabi ni Warren ng makita ang magandang ngiti at ngipin ni Lani. "Grabe naman yun panget agad? Ang ganda ko kaya." may himig nang pagtatampong sabi ni Lani. "Biro lang." walang ekspresyon na sabi ni Warren "Haha nakakatakot ka naman magbiro." "Bakit? Dahil totoo?" "Hindi no! Kumpiyansa ako sa ganda ko." pagmamalaki ni Lani. Hindi na kumibo si Warren. Totoo naman ang tinuran ng dalaga maganda ito. Lumabas ang isang waiter at tinawag ito ng binata. "Limang beer sa can, ikaw anong sayo?" "Ha?" "Drinks?" "Ah, hondi ako umiinom ng alak e." Paalisin na sana ni Warren ang waiter ng pigilan ito ni Lani. "Wait! Tiquilla." bigla nyang sabi kahit hindi niya alam kung ano ang akal na iyon. "Hindi ka pala umiinom ha." "Yun kasi kadalasang naririnig ko sa loob mukhang masarap siguro.. Haha.." "Sige bigyan mo siya ng 2 shots." sabi ni Warren sa waiter. "Sige sir." Nakaalis at nakabalik nalang ang waiter ay kayahimikan lang ang namagitan sa kanila. Inilapag na ng waiter ang mga alak na inorder nila. Pagkaalis ng waiter ay binuksan no Warren ang isang lata ng beer. "Buti pinapayagan ka ng parents mo na puminta sa mga ganitong party?" basag ni Warren sa katahimikan. Bago uminom muli sa beer na hawak. "Mamaya din naman ay uuwi na ako. Gusto lang kita makita at makausap gaya nito." hindi mapigilang mangiti ni Lano. Sa bawat ngiti na nakikita ni Warren sa dalaga ay hindi niya mawari ang sarili. Sa tuwing makikita niya ang mga ngiti nito ay may kakaibang dulot sa kanya. Sa tingin niya ay dala lang ng alak na naiinom nya. Napansin ni Warren na parang hindi naman sanay ang dalaga sa paginom ng naorder nito. "Alam mo malakas yan, tiquilla?" Pilit na natawa nalang si Lani. Pero hindi nya talaga alam inumin ang alak na iyon. Nahihiya lang siyang sabihing sa binata at isa pa ay nagmamadali na din siya dahil kailangan na niyang umuwi. Sa katunayan kanina pa halinhinang nagtetext sa kanya si Ehm at Angge. "Alam mo wag nalang iyan ang inumin mo. Ioorder nalang kita ng--" Hindi na natapos ni Warren ang sasabihin ng biglang kunin at tunggain ng dalaga ang isang shot. Agad niyang nailapag ang maliit na baso sa lamesa at uubo ubo ito pagkatapos maubos ang laman. Hindi naman napigilan ni Warren ang matawa ng malakas sa nakitang ekspresyon sa mukha nito. Tatawa tawa pa ding inabot sa dalaga ang slice ng lemon. Bahagya namang nahinto si Lani sa pagubo ubo ng makita ang paghalakhak ng binata. "Mas bagay sayo ang nakangiti." sabi ni Lani na halos hindi na kumukurap. Bigla naman bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nito. Mayamaya pa ay naramdaman ni Lani ang init na humahagod sa lalamunan niya. Bahagya din siyang pinagpawisan kaya naman naisuklay niya ang kamay sa mahaba at tuwid na buhok. "Hah! ang init.." sabi pa niya saka ipinusod ang mahabang buhok ngunit hindi nya naitali dahil wala siyang dalang panali kaya naman hawak lang ng kanang kamay niya ang buhok habang ipinapaypay naman niya sa sarili ang kaliwang kamay. Naakit si Warren sa nakikitang ginagawa ng babae. Nasamyo niya ang pabango ng dalaga ng itaas nito ang buhok. Lalong lumabas ang natatangi nitong ganda. Pakiramdam niya ay nagkikislapan ang maniningning nitong mata at ang mahahabang pilik mata ay bumagay sa hubog ng mukha nito. Para din siyang inaanyayahan ng mapupulang labi nito. Hindi na napigilan ni Warren ang sarili at tinawid ang pagitan nilang dalawa ng dalaga saka binigyan ito ng isang mabilis na halik. Ikinagulat iyon ni Lani kaya nabitawan ng kanang kamay na nakahawak sa buhok. Sari saring emosyon ang naramdaman niya. Pakiramdam niya ay may kuryenteng dumaloy sa pagkatao niya at nakaramdam siya ng sobrang uhaw. Walang tubig sa harapan niya kaya kinuha niya ang isa pang shot ng tiquilla. Ngunit bago pa ito mailapit sa bibig ay inagaw sa kanya iyon ng binata at inisang lagok lang nito iyon. "Akin y--" Hindi na naituloy ni Lani ang sasabihin dahil biglang ikinawit ni Warren ang kamay sa leeg ng dalaga at masuyo inilapit sa kanya bago binigyan ulit ng halik. Sa pagkakataong iyon ay matagal na halik ang ibinigay ng binata sa kanya. Napapikit si Lani dahil sa sarap ng pakiramdam ng halik na iyon kahit pa nalalasahan niya ang pait ng inagaw nitong tiquilla. Masaya din siya na ang lalaking ito ang unang halik niya. Hindi niya alam kung pano gumanti sa halik nito. Gusto pa niyang magtagal ang mga labi nito sa kanya. "Ouch!" Natatawang napabitiw si Warren ng makagat ni Lani ang ibabang labi niya. "S-sorry." sabi ni Lani na halos hindi makatingin sa binata. Hindi niya alam ang gagawin kaya naman mabilis siyang tumayo at nagpaalam dito. "Mauuna na ako sayo baka kasi hinahanap na ako sa amin.," "Ha?" "B-bye." saka tumakbo palabas ng resort. Susundan sana ito ni Warren ng tawagin siya nina Joel at Aries na hindi niya namalayan na nasa likod na niya. "Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Joel ng makalapit sa kaibigan. "Wala nagpapahangin lang." "Sino naman yung babae kanina na kumakaripas ng takbo? Mukhang tinakot mo." tanong ni Aries "Kaylan ba ako nanakot ng babae?" "E ano yun?" takang tanong ni Joel . "Umuwi lang baka hinahanap na daw sa kanila." sabi ni Warren saka bumalik sa inuupuan at nagbukas ng isang lata ng beer. "Maiba ako pare anong oras pa darating yung girlfriend mo? Uuwi nalang tayo wala pa siya." Sabi ni Aries saka umupo din sa inalisang upuan ni Lani. "Hindi na daw makakapunta." asar na sabi ni Warren ng maalala muli ang kasintahan. "Parang sa tatlong buwan ninyong magkasintahan bilang lang sa mga kamay ko na nakita ko kayong magkasama." sabi ni Joel "Wag mo na gatungan nakita mo na ngang naiinis na." sabi ni Aries "Ang mabuti nyan pare magkausap na kayo ng sarilinan. Para kung may problema maayos nyo na agad." Nagkibit balikat nalang si Warren dahil totoo naman ang sinabi ng mga kaibigan bilang na bilang na makasama niya ang ito. Ilang beses na ba siyang gusto itong kausapin. Pero lagi nitong dinadahilan na busy siya. Kung magkaroon naman ng time ay palaging nagmamadali. Ipinakilala nga siya nito sa pamilya niya ngunit bilang isang manliligaw. Mas madalas pa nitong kasama ang mga kaibigan niya kaysa sakanya na nobyo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.4K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook