---
SIF 11
Takeo/Rann’s pov
Pagdating sa tapat ng bahay nina Astin ay agad siyang bumaba.
“saglit..”pigil ko sa kanya na akma nang papasok ng gate.
“bakit?”
“hindi mo ba ako patutuluyin?”
“hindi… may kasalanan ka pa diba? pinahiya mo ako kanina…”
“akala ko ba ok na?”
“akala ko rin e…”then pumasok na siya.
Angtaray niya na naman. ako ba yung may sakit or siya? may bipolar disorder yata tong si Astin e. Paalis na ako ng dumating ang mama niya.
“oh Takeo anong ginagawa mo dito?”
“good eve po tita… hinatid ko lang po si astin…”
“ah ganun? E bakit aalis ka na?”
“e may kailangan lang po akong puntahan…”pagsisinungaling ko sa kanila.
ASTIN’s POV
Hayun. Hindi ko siya pinatuloy ng bahay. Pwedeng distansya muna sa nakakairita niyang pag-uugali? Siya na ang may amnesia. Pero siya na rin ang kung makapag-react wagas. Naguguluhan ako sa pinapakita niya. what if ganun lang siya dahil sadyang nagkicare lang siya sa akin bilang kaibigan? What if ayaw lang talaga niya akong mapasama sa mga chics ni Sachiko.
Naalala ko yung pinabasa sa akin ni Sachiko kanina sa bar. How can I bring her memory back? pssh… kahit kailan puro sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa akin. napangiti lang ako. HETO AKO REKLAMO NGREKLAMO PERO AT THE END OF THE DAY MAHAL KO PA RIN SIYA. >___solve na ako dito kahit hindi niya ako kausapin. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbobrowse sa sss ay biglang nawala yung signal ng wifi.
“whoahhhhhh…damn!!!”
Pag-angat ko ng mukha ko at nakasandal sa divider si Rann at nakasmirked.
“did you just turned off the modem?!”
“yes maam…”ngiti niya.”hindi mo ako papansinin pag naka-on e…”
Inilapag ko ang netbook sa may maliit na mesa nang naupo siya sa tabi ko. itinaas pa niya ang paa niya at humarap sa akin.”bakit angsungit mo??? Bakit ayaw mo ba akong kasama?samantalang maraming babae ang nagkakandarapa sa akin…”isinandig pa niya ang braso niya sa sandalan ng sofa.
Ginaya ko nga siya. yakap yakap yung angry bird pillow ay humarap ako sa kanya nang nakataas rin ang mga paa.”coz I am not like them…siguro kaya ganyan ka sa akin dahil ako lang yung kaisa-isang hindi lumandi sayo noh?”paghahamon ko sa kanya.
Hindi siya naimik. Tsss…ouch. Pride lang pala niya ang iniintindi niya kaya ganito siya magpapansin sa akin. all about her pride. Damn lang.angsakit nun ha.
tumayo ako at kinuha yung bag sa gilid.”saan ako matutulog?”
but she held on my arm.”don’t think that way… until now hindi ko alam..may something lang sayo na interesado akong malaman…do help me? hindi ko kilala ang pagkatao ko… if ever nasasaktan kita…dahil yung ang nakikita ko sa mga mata mo…sorry…”she looks sincere.
“oo na..kaibigan mo ako e…”tinapik ko ang left arm niya.
Kinuha niya yung bag ko at iginiya ako papunta sa itaas. Itinuro niya yung kwarto niya.katabi nun ang magiging kwarto ko.
“if you need anything katukin mo lang ako ha?”
“panu pag nag-uwi ka ng babae mo dito?alangang iistorbohin ko kayo?”hirit ko pa. e pero ayoko ng thought na ganun no! akin lang tong si rann.
Umismid siya.”sabi ko nga diba? walang iistorbo sa atin. Saka ko na lang pupunta sa bahay nila.”tawa nito.
Oh damn. mas ayoko nun!!! Binuksan niya yung pinto. Mas malaki nga sa kwarto ko to. May study table na rin. may TV pa gusto ko yung chimes sa bintana. Sumilip ako at kita ang kalakhan ng subdi.
“pangdalawahan yung kama. Kasya tayo…”saka siya sumalampak ng higa at nakaunat pa ang dalawang kamay. Tinapik niya yung kaliwang part as if telling me to lie down.
I eyed her. tangek ba to?angflirty lang r.damn. anglakas ng appeal mo rann. tadyakan kita diyan e.
Naupo ang ako sa kama.”bakit anglakas ng bilib mo sa sarili mo?”
Umupo na rin siya.”siguro nung naaksidente ako..yung lang ang naiwan sa akin.”she smiled weakly.
“anong alam mo tungkol sa sarili mo?”
Nag-indian squat siya at sandaling napaisip.”uhm…BS Math graduate ako..yung tungkol sa family ko..yung mga exes ko… angdami pala nila..”she chukled.”sabi ni tito mas marami pa daw akong ex kesa sa kanya e.”
“ah…”tugon ko lang. “kilala mo silang lahat?”
Umuling siya.”hindi ako sigurado..hindi na importante yun…”
OUCH RANN. (TT_TT)
She then stood.”gusto mong kumain? Ipagluluto kita…”
Umiling ako. “gusto ko ng chichiria…”
“bawal yun… pancit canton na lang…”
“pareho lang na may preservatives e…”
“nurse talaga e…”ngiti niya.
Iniayos ko yung mga gamit ko sa cabinet. Gamitin ko lang daw e.wala naman rin kasing laman yung mga yun. saka ko siya sinundan sa baba. Busy siya sa laptop niya parang.
“girlfriend online?”tanong ko.
Umiling lang siya.”si niña..OL e…minsan minsan lang kasi to mag-online.”
“Ah….”
“tara dito oh…”turo niya sa tabi niya.”chat tayo…”
“adik….magkasama na nga tayo chat pa…”
Kinuha ko lang yung netbook ko at nagpunta sa kwarto. Abot naman ang wifi e, log in sa sss.
12 friend requests..
TAKEO JHI wants to be your friend accept ignore
Click accept…
Nag pop up sa chat box ang name ng komag.
TJ: pwede nang chat?
E yun. nangiti lang ako sa banat niya. patulan ko na nga. namiss ko naman e. kahit nasa baba lang siya. :3
Me: sige…
TJ: can I call you babe?
Tsk… babaero talaga!
Me: no…
TJ; why? I call my friends babe…
Hindi mo lang kasi ako friend dapat. Ungas ka.
Me: ur so flirty…im not ur babe..i will never be…
Hindi na siya nagreply. Baka nakatulog na rin yun. I turned off my netbook at humiga na rin. nakatingin lang ako sa kisame.
Ewan. Law of attraction? Kanina lang iniisip ko yung mga pwedeng mangyari pag nagsasama na kami ni rann. tapos ito na? isang linggo nga lang. ang-iksing panahon pero sana maging masaya ang mga lilipas na araw angdami ko palang dapat gawin sa bahay na to. Ang-dull ng bahay niya. angboring.
Time check. 9pm na. napapahikab na ako. hays. Pero hindi ako sanay matulog sa ibang bahay. Gumilid ako at niyakap ang malaking unan. At HIGIT SA LAHAT HINDI AKO MAKATULOG DAHIL NASA BAHAY AKO NI RANN. SHE’S SO NEAR PERO HINDI KO MAN LANG MAYAKAP.
---