SIF 14
Takeo’s pov
Sa magdamag ay nakatalikod lang ako sa kanya. naririnig ko ang banayad niyang paghinga pero heto ako hindi pa rin makuha ang antok ko.
Umuulit-ulit sa isipan ko ang mga nangyari kagabi..
Ang party…
Si MElo… sa Sachiko at siya….ang mga sinabi ni Aryana…
---flashback---
“close ba kami ni astin?”tanong ko sa kanya.
Tumango ito. “close na close….”
“bakit? Paano?’
“nung nagbreak kasi sila ni PJ,,,ikaw yung nagtyagang pakinggan ang mga hinain niya sa buhay…”nangingiti pa itong nagkukwento.”bilib nga ako sayo….ako nga nagsawa sa kanya…”
“tapos?”
“tapos…..”tiningnan niya ako nang nakakaloko.”why are you so interested?”
“wala… gusto ko lang malaman kung bakit sinabi niyang naging masama siyang kaibigan sa akin…”
“ah…Rann…or takeo..what ever your name is…subukan mo kaya siyang alalahanin?”
“hindi ko kaya….”napayuko ako.
“gamitin mo yang puso mo…”she smiled.
---end of flashback---
Gamiting ang puso. Angdrama lang niya. pero sa totoo lang kinabahan ako ng malaman kong si Sachiko ang naghatid sa kanya at nung sinabi niyang may gusto ko kay astin. ang selfish ko lang ba? SI Sachiko kasi yung taong kung gusto niya ang isang bagay gagawa at gagawa siya ng paraan para makuha ito. at ayokong isipin na pati si AStin ay mapapasama sa mga koleksyon niya. Ayokong mapunta sa iba si astin. tsss. ano ba yung iniisip ko. tsss.
Nakatalikod si astin at yakap yakap yung unan. Fetus position rin kung matulog to. Gigisingin ko na ba siya. 7 am na e. naupo na lang ako. “palay na nga ang lumalapit tatanggihan ko pa?”napangiti ako sa isip ko. oo nga naman takeo siya na nga nag lumapit diba?
Bahagyang gumalaw si astin at humarap sa akin. yakap-yakap pa rin yung unan niya. “rann..anong oras na…”sambit niya pero nakapikit pa rin siya.”ihahatid mo na ako sa school?”
Huh? School? Nananaginip ba tong babaeng to.
“ee..tulog pa tayo…”hinigpitan niya ang yakap sa unan.
So ano? Akala niya ako yung unan at niyakap pa niya nang ganun kahigpit? Why do I feel like gusto ko, ako na lang yung unan na yakap-yakap niya ngayon.
Then her phone rang. sa lakas ng ring tone niya hindi pa siya nagising. Pinakialaman ko na yung at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Sachiko calling…..
Tsss, early in the morning tatawag? Saka ko ulit naalala yung sinabi ni aryana.
I didn’t cancel the call nor answer it. Pero nung pangatlong beses nang attempt niya ay sinagot ko na.
@hello….
---takeo?(nagulat pa yung boses niya dahil ako ang sumagot..)
@yeah…why?
---nothing…where’s astin?
Kung makapagtanong naman siya huh. Ano siya concern or papansin lang.
@she’s asleep..she got tired last night…(kung ganun pa rin ang takbo ng isip niya siguradong iba ang tumatakbong scenario sa utak niya ngayon.devil me.)
---ah I see…just tell her I called okei?
@yeah yeah…
Then I dropped the call. sorry astin. I smirked. Nagmulat na siya ng mga mata niya at pupungay-pungay pang tumunghay sa akin.”may tumawag ba? parang narinig kong may kausap ka…”
I nodded.”sa Sachiko…she’s checking on you…”
“sinagot mo yung tawag niya?!!”bulalas niya.
“oo…why?”I casually answered.
“baka kung anong isipin nun!”
“why are you so concern with that?de isipin niya ang gusto niyang isipin…”pabalang kong sagot sa kanya at nagwalk out.
E ano kung iisipin niyang may nangyari sa amin?de maganda. Lalayuan na niya si astin. psh.
Humiga lang ulit ako sa kama ko and tried to get some sleep. REAL SLEEP dahil hindi ako nakatulog kagabi noh. nang kumatok na naman siya.
“Takeo….”tawag niya sa akin.
Pinagbuksan ko siya at inilahad niya ang phone ko.
“Niña is calling..must be important..”she said coldly. Inabot niya sa akin yung phone at umalis na rin siya.
Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
ASTIN’s pov
Walk out queen. Nainis lang naman ako kasi sinagot niya yung tawag e. di na lang niya ako ginising diba? tapos baka isipin pa ni Sachiko may nangyari sa amin. ang malisyoso pa naman ng babaeng yun.
--flashback—
“what’s with that smile?”pansin ko sa kanya pagkarating dito nagkwentuhan muna kami sa may gate..
“nothing? Hey,,,don’t r**e my cousin huh?”biro pa niya.
“gago!!!!”
‘HUH?”big question yung mga mata niya.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at ipinilig-pilig pa ito.”I said you’re so handsome….”
Natahimik ang makulit na Sachiko. Ang-awkward nung feeling na nakatitig siya sa akin.di kaya tama yung sinabi ni aryana.
Bintiwan ko ang pisngi niya.”sorry…”
“it’s okei… can I come in?”
Umiling ako.”you’re cousin will get mad…she’s too stubborn.. she;s nagging at me not to let anyone in…”
“not even me?”
I nodded.
She just sighed.”get in…”turo niya sa may gate.”you’re giving me headache…”
“sorry…”hingi ko ng tawad kahit hindi malinaw kung ano ang ginawa ko.
Pi-nat niya ako sa balikat.”she’s stupid…she cant remember the most precious woman in her life…”
Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya at pumasok na ako ng bahay.
---end of flashback---
Nakainom ako ng konti kagabi kaya siguro angpilya ko rin kay rann. oo naman alam ko yung mga ginawa ko noh. thankful lang ako kasi hindi niya ako pinatulan. Diyos ko naman. hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling kumagat siya pain ko.
Psssh..lalabas na rin sana ako ng kwarto nang may nag-ring sa ulunan ko. naiwan niya ang phone niya.
HB calling….
Nagflaflash ang image ni niña. Para makonsensya naman siya sa ginawa niya hindi koi to sinagot at pinuntahan ko siya sa kwarto niya. I don’t wanan hear anything about their conversation kya umalis na lang ako.
I just prepared breakfast for us. sinangag at yung menudo na ini-init ko lang. tatamad-tamad lang akong nakaupo at nakataas pa ang mga paa. Ganito lang ako sa umaga at pag kulang sa tulog.
Ano kayang pinag-uusapan nila. may Melody na nga..may Niña pa. saan naman niya ako ilulugar? Sa LUNGS niya? tsss. anything is possible. OO NANINIWALA naman ako dun no. PERO KUNG PARE-PAREHO KAMI NG PINAPANIWALAAN NG MGA KARIBAL KO? PSSSH…
Naulinigan ko ang pagbaba niya sa may hagdan at umayo ako ng upo.
“kailangan kong pumunta kena Niña..birthday ni tita…sama ka?”
Sasama ako?suicide lang te? Tsss. tusukin ko kaya ang singkit na mga mata nito. “breakfast ka muna bago umalis…”tugon ko na lang sa kanya.
“wala kang kasama dito,,,sama ka na lang?”pamimilit pa niya.
Umiling ako.”uwi na lang ako sa amin…”
“pero babalik ka pa dito…”
“ewan ko…e patapos naman na tayo oh..konti na lang..kaya mo na yan…”
Naupo siya sa tapat ko at inumpisahang maglagay ng kanin sa plato niya.”uuwi ka dito..susunduin kita mamaya sa bahay niyo…”
‘angtigas ng ulo mo…maghapon ka pang magbibyahe..hindi ka ba napapagod? Mamaya maaksidente ka na naman…”saway ko sa kanya.
“de maganda..baka bumalik na ang alaala ko….”pabalang niyagn sagot at sumubo na.
See? Pag makikipagdiskusyon pa ako sa kaharap ko wala ring patutunguhan. Pareho lang naming ipipilit ang gusto namin.
“bukas na lang ako babalik dito…baka dun ka rin naman matulog e…”
“assuming…”she softly said.
“I heard you…”
“and?”titig niya sa akin.
“and you’re pissing me off…”saka ko itinuloy ang pagkain nang hindi siya pinapansin.
---
11:00 na. Nililigpit ko yung bed ko at ilang mga gamit bago ako aalis. paglabas ko ng kwarto at siya rin paglabas ni Rann mula sa kwarto niya.
“ihahatid na kita?”alok niya sa akin.
“sa terminal na lang…”tugon ko.
“I insist….”
Wala na ring nagawa ang pakikipagtalo ko sa kanya dahil ito we are on our way to my house. Walang imikan. Nagvavibrate ang phone ko pero hindi ko na pinansin dahil it will just create another argument with amnesia girl na nag-aabot na naman ang mga kilay.
“we’re here…”sambit niya pagkarating sa tapat ng bahay namin.
“thank you…”saka ako nagtangkang bumaba.
“susunduin kita mamayang hapon…o kahit gabi pa…”
“huwag na…bukas ako uuwi dun..just enjoy the time with her…”malamalam kong tugon sa kanya. nagseselos? OO. Hindi ko rin naman pwedeng pigilan to e. hindi nga ako maalala diba? psh.
“pero…”
“huwag nang pero… bukas na lang ako uuwi dun..mapapagod ka lang...”
“text na lang tayo mamaya..”dagdag pa niya.
Ginulo ko ang buhok niya.”ayoko… si Sachiko ang itetext ko ei…saka pupunta siya dito mamaya…”
Kumunot na naman ang noo niya.”hindi na ako pupunta sa birthday..”simangot niya.
“joke lang…”make face ko sa kanya^_^v “sige na…bababa na ako…”
“wait lang…”pigil niya sa kaliwang kamay ko.”kagabi…kayo ni Sachiko…” hindi siya makatingin ng deretso sa aking mga mata. “did you….”
Ginagap ko ang kaliwang pisngi niya,”walang nangyari..hindi ko siya pinapasok ng bahay mo…”
Her face enlighten. At hinawakan ang kamay ko sa pisngi niya.”bakit ang-gaan ng loob ko sayo?bakit angselfish ko pagdating sa’yo?”
“tanungin mo yan sa sari mo..”I brush the back of my fingers on her nose.”sige na…naghihintay yung chic mo…”
Saka ako bumaba. Nag-wave goodbye pa siya bago umalis.
---
TAKEO’s pov
Malugod akong tinanggap ng mga magulang ni Ninz kahit medyo gulat si tito sa kagandahan ko ngayon. hoho. Just kidding.
“goodmorning takeo…”yakap sa akin ni tita.
“happy birthday po tita…”
Pagkalas niya sa yakap at parang ewan lang na ginugulo gulo ang buhok ko.”mas maganda ka pa sa anak ko ah…”
Nagblush na naman yata ako at parang ang-init ng pisngi ko. marami na rin silang bisita andito yung ilang kaklase ni ninz. Hi and hello lang ako sa kanila.
“gumaganda tayo ate ah…”sabi nung isa. Pero sa totoo lang hindi ko na siya maalala. Nginitian ko na lang siya.
Sa table na rin nila ako naki-join.”buti nakaratin ka…”said ninz.
“yeah…malakas si tita sa akin e..”ngiti ko dito.”kaso hindi ako nakabili ng regalo…”
“ok lang yan..masaya na yang nakita ka…”
‘ganun??ampon lang?”biro ko dito.
Kinawayan ako ni tita. Sumama rin sa akin si ninz patungo sa table nila. sabay-sabay na raw kaming kumain. NAKS. I BELONG LANG YUNG DRAMA KO DITO. kwenuthan-kwentuhan hanggang na-topic ang lovelifie ni ninz. Ganito sila ka-open dito. yung anak kasi ng isang kumare ni tita BI rin. kaya RELATE-RELATE SILA. pero kinakabahan ako. parang hindi ko nagugustuhan ang simoy ng hangin. Nag-init ang pisngi ko nang tinanong ako kung kami ban i ninz.
Napatingin ako sa kanya.
“hindi po tita…”sagot niya.”may boyfriend po ako e..”
Hay. Nakahinga ako nang maluwag sa bagay na yun.
“kung bakit kasi hindi pa nila inamin noon oh de sana sila pa rin hanggang ngayon…”sabat naman ng papa niya.
LORD PWEDE NA PO AKONG LAMUNIN NG LUPA. Pulang-pula na po ang mukha ko at hindi ko na kakayanin pa ito.
Natahimik lang ako buong oras na kasama ko ang pamilya at ilang kabigan nila. umalis na rin kami ni ninz dahil naawa na yata siya sa itsura ko. nanghihina na kaya ako! psh. Subukan mo kayang maging topic all the time noh?
“may mga damit pa ba ako dito?”tanong ko sa kanya.
“oo..bakit?”
“ang-init…magpapalit lang ako..”
Tinampal niya ako sa noo.”hindi ka lang sanay sa hot seat e…”
Nahihiya akong tumango.
Hinagilap niya yung mga damit ko sa closet niya. masinop kasi sa gamti tong si ninz nakaseparate pa nga yung mga damit ko e. so sweet lang niya ahy. Pssh. Pinapanood ko lang siyang maghagilap nang matuon ang pansin ko sa mga nakasabit na keychains sa gilid ng lampshade niya. “buhay pa to oh…”kinuha ko yung isang chain na isang maliit na bata na may mahabang buhok.
“oo naman…”lingon niya sa akin.”ikaw diyan..winala mo yung partner niyan ahy…”
Naaalala ko na halos lahat ng memories ko with ninz. Bigla-bigla na lang nagfaflash sa isip ko. yung iba kinukwento na lang niya.
“oh ito oh…”yung black baguio shirt.
“lumabas ka muna…”utos ko sa kanya.
“diyos ko?arte mo?ilang beses na ba kitang nakitang hubad ha.nagsabay pa nga tayong naligo..”she grinned.
Natahimik ako sa mga sinabi niya. the heck? Talaga? o_O—AKOOOO….
Lumapit siya.”halla? nagblush agad. hoy..biro lang..pano tayo magsasabay maligo e halos magtalukbong ka ng kumot sa hiya mo..”tawa pa niya at inilapag sa kama yung tshirt. Then she put her arms over my shoulders and stared at me.”hindi ka nakaimik kanina…”she said sexily.
“ninz….”
“siguro gusto mong sabihin kong tayo noh?”
Parang sunod-sunod na maiiksing paghinga lang ang nagagawa ko sa lapit ng labi namin sa isa’t-isa.
Nagkatitigan kami. her eyes are still that hypnotizing. “kiss me….”inilapit niya ang labi niya sa akin. an inch closer. Then she smiled seductively and she close her eyes.
Our lips met. Feeling each other soft lips. Tasting her lower lip like before. She pushed her body towards we and I wrapped my arms around her but it felt awkward.
She pulled her way back and just looked at me.”anong naramdaman mo?”
“ewan ko…”tugon ko lang sa kanya.:”ninz…”
Inaasahan kong sasama ang loob niya pero ngumiti siya. that smile. Yung mga ngiting nagpapakalma sa akin palagi noon. Ginagap niya ako sa magkabilang pisngi.”yung honeybabe ko inlove….”
Saka niya ako binitiwan.”magbihis ka na…tapos umuwi ka na rin…”
“hindi ka magagalit?”tanong ko pa.
Umiling siya.”hb…alam kong naramdaman mo sa halik na yun na hindi ako ang kailangan mo…bueset ka…kailangan pa kitang halikan para marealize mo yun! kung makachansing ka wagas…”biro pa niya. pero ramdam kong ang sensiridad niya. ganyang lang yang magsalita ang-rough.
Napaupo ako sa kama niya.”hb… naguguluhan ako…”
Tinabihan niya ako.”pinalampas ko ang pagkakataong makasama ka noon hb… huwag mong palampasin ang pagkakataong makasama ang totoong mahal mo ngayon…”
“hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya..pakiramdam ko mahalaga siyang parte ng buhay ko noon..pero hindi ko maalala…”
“you don’t have to remember everything…”turo niya sa isip ko.”learn to use this…”saka niya itinuro ang tapat ng puso ko.
---
Hindi ako agad nakaalis dahil nakipagkwentuhan pa ulit ako sa mga magulang niya. this time I am more relax. Pinag-usapan ang mga plano sa buhay buhay.
Ah oo nga pala. Natanggap na ako sa review center mag-uumpisa na ako sa after a week pa.
Hinatid ko ni ninz sa may kotse.”thank you…”
“saan?”tugon niya.
“sa kiss…”I grinned.
“sira!!”palo niya sa braso ko.
“just kidding..thank you talaga..”
Tumango lang siya.”geh na…text ka na lang pag kauwi ka na ha?”
Dumeretso ako na bahay ko. susunduin ko kasi siya pero nakaricib ako ng limang mensahe galing kay astin.
Astin:
HUWAG MO AKONG SUSUNDUIN.
Yan. Yang lang ang laman ng text niya na limang beses kong nareceive. IKAW BA SUSUNDUIN MO PA KUNG GANYAN NA ANG TEXT?
TINEXT KO NA LANG SIYA NA NAKAUWI NA AKO.
Anglungkot ng bahay ko ngayon. walang nakikipagtalo sa akin kung ano ang dapat kung gawin.
Pagbukas ko ng ref ay pinaalala na naman ng mga stock kong beer yung argumento namin. tsss. eee..astin anglungkot ng bahay ko. ano ba to. Pumanhik na ako at itutulog ko na lang. yung kwarto niya hindi niya naipinid mabuti ang pinto.
Parang may kung anong tumulak sa akin para pumasok dito. (JOKE LANG. CURIOUS LANG AKO) naligpit nang lahat ang gamit niya.
Paalis na sana ako nang may nag-alarm sa may drawer. Hindi ko na sana papansinin pero papalakas nang papalakas ang alarm nito. I just check on it.
Callphone? Ang alam ko isa lang ang phonen niya. black ang casing nun phone.
9:00 pm. Paulit-ulit na nag-faflash sa phone na to. Pinindot ko yung stop button.
Napatuon lang ang titig ko sa wallpaper ng phone niya. picture ko?
Hay kahabaan pa ang buhok ko dito. pero yung picture parang naka-focus sa hikaw na suot ko.
Bakit may ganito siyang pictureko. Hindi ko maalala ang mga bagay na to. Dala ng curiosidad ko tiningnan ko yung mga folders niya. angdami naming pictures. pati yung mga picture ko na tulog meron siya.
stalker ba kita astin? ahy malamang hindi may mga pictures kaming nakaakbay ako sa kanya.tapos yung parang ikikiss ko siya pero inilalayo niya ang mukha ko.
napapangiti ako sa mga to. Ganito pala kami ka-close dati?
DO I LOVE HER BEFORE???
ASTIN’S POV
Hindi nga ko nagpasundo sa kanya. mas gusto ko muna mapag-isa ngayon. napupuno lang siguro ako ng selos kaya mas gusto ko munang makalayo sa kanya. anyways nagtext naman na siya na nakauwi na siya bandang 8:30.
Humiga na rin ako at susubukan ko nang matulog. Parang may kulang. Psh.
I check on my phone. 9:00 pm.
Bakit hindi pa nag-aalarm yung phone na rann. hinalungkat ko ang bag ko. hoping na andito lang yun.
Lagi ko kasi yung inaalarm nang alas nuwede. Yung time na madalas magtext si rann na matulog na daw ako kung wala akong gagawin. PERO HINDI RIN NAMAN KAMI NAKAKATULOG AGAD DAHI MATETEXT-SAN LANG KAMI MAGDAMAG.
Damn. maririnig sa buong kabahayan yun pag nag-alarm. Naka-maximum level kasi tapos naka-snooze every 5 minutes.
Sana hindi niya mapansin. Sana hindi niya narinig.pero imposible. Nakauwi na yun.
I dialed her number.
---hello…
@san ka?
---bahay..tinext ko na diba?
@i mean…sa kwarto mo?
---malamang..bakit?
@ah nothing…matulog ka na….
---ok..ikaw rin…
@nyt..
---goonight….HONEY….
Then she cut the call.
Ano daw?honey? bigla akong kinabahan.
---