15

2788 Words
SIF 15 ASTIN’s pov Kaaga kong nagising o mas maiging sabihin nating hindi ako nakatulog. Pabaling-baling lang ako sa kama ko. “ma..alis na ako…” “uuwi ka na?’ “kung makauwi naman mama e noh?parang dun ang bahay ko..”I sarcastically said. Nagkibit-balikat lang siya. “nga pala….nag-skype kami ni papa mo kagabi..uuwi na raw siya sa may…” “exact date?’ “25….” Binilang ko sa isip ko kung ilang linggo pa ang lilipas bago siya dumating. Limang linggo pa naman. ako naman dalawang linggo na lang at babalik na ako ulit sa trabaho. Palabas na rin ako ng gate nang may tumigil na putung kotse. kotse ni Sachiko to ah. Ibinaba niya ang bintana and flashed her dazzling smile. “hey…just on time I guess?” “for what?” Bumaba siya at naglean pa sa kotse.”let’s hang out..im bored…” “you’re bored…the bar is about to open tomorrow night..am I right?” “yeah..and?” “and you are supposed to keep yourself busy checking on the staffs…” “they can handle themselves…”she smiled.”let’s hang out….i’ll be having sleepless nights after tomorrow…”puppy eyes pa ang komag e. At dahil naging mabait naman siya sa akin nung isang gabi pumayag na rin ako. goodluck na lang sa English powers ko diba? “where you wanna go?”tanong niya. “it’s up to you...” She grinned.”anywhere?” Oh gago lang to makangiti ahy.bigla lang ako kinilabutan sa mga ngiti niya.”stop that p*****t thoughts Sachiko…”I said bluntly.”okei..i wanna go and eat some cakes…” “roger that maam…”saludo pa niya sa akin. Napapailing lang ako. angkulit rin kasi ng personality ni Sachiko e. namimis-understood lang siya ng karamihan. “uhm..by the way…DiD you sleep with Takeo?” Sabi na nga ba magtatanong niya e. “we slept in my bed…”kaswal kong tugon. TOTOO NAMAN E. SA KAMA KO KAMI NATULOG. She grinned.”so how did it go?” ANONG HOW DID IT GO NA PINAGSASABI NITO? AHY TEMANG. INIISIP NIYANG MAY NANGYARI SA AMIN NI TAKEO? Psh. “nevermind…”bigla niyang sambit at itinuon na lang ang pansin sa pagdadrive. Napadpad kami sa Mall. Infairness naman sa kanya marami ang naloloko ng anyo niya. flat chested kasi tong si Sachiko or may isinusuot siya para magmukha siyang flatchested. Yung isang babae nga tinitigan pa siya e. “headturner?”biro ko sa kanya. “you haven’t seen how girls react on takeo…”she smirked.”I do look better that her but most of the women find her hotter…” Hotter. Sang banda naman yung hot na yan? “stop that blank stare astin…”palo niya nang marahan sa ulo ko.”we used to have this game when we’re still in Japan..we go to malls like this and try to meet new girls..” “get their numbers..be-friend and eventually have s*x with them?” “yeah…but I don’t know about her…”nagbuntong hininga ito.”she’s so secretive…” Tumango-tango. s*x. Ganun lang yun kadali sa kanya. yung magbilang ng mga naging babae niya. I wonder if ganun rin ang tingin niya sa aking. One of her toys. Psh. Naglibot-libot lang kami at namili siya ng mga damit niya. “im gonna buy some stuffs for our waiters..wanna help?” Umiling ako. pagod na kasi ako e. hintayin ko na lang siya sa may mga benches sa mall. Makiki-wifi na rin. Kaya na niya yun noh. hindi ako ganun kabait ngayon kasi nabobored narin ako dito. ano na kayang gingawa ni rann ngayon. unattended pa rin ang phone niya e. Nagbabrowse lang ako ng may lalaking tumabi sa akin. anglakas ng hangin na dala niya.”hi miss… ako nga pala si xander…”inilahad niya ang kamay niya. Tiningnan ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa pagba-browse ko sa net. “ah nga pala..may kasama ka ba dito??” Hindi ulit ako umimik. “angsungit naman miss… pwede tayong maging friends?” Pissed off. Hinarap ko siya.”sorry..may magagalit e…” “sino?” Sinong sasabihin ko? boyfriend? Girlfriend? nanaya ko? psh.. “me…”pagtingin ko sa likuran niya ay sa Sachiko na nag-aabot ang kilay at matamang nakatitig sa lalaki.”back off…” “syota mo? Grabe na talaga ang nangyayari ngayon..kaganda mong babae pumapatol ka sa tomboy..anong mahihita mo diyan?!” SABOG ANG BP KO SA LALAKING TO.papatulan ko pa sana siya pero lumapit sa akin si Sachiko at inakbayan ako.”you talk more like a gay does…and what’s your problem with lesbians? Insecure? Ah… we look better that you I guess...”hinawakan niya ako sa kaliwang kamay ko.”let’s go…” Holding hands lang ang peg namin sa mall. Hindi raw niya matiis na wala akong kasama kaya binalikan niya ako. hindi rin naman siya ganun kasama pala. “I’ll drive you to takeo’s house…”alok niya sa akin. Hindi na rin ako tumutol dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa init ng panahon. Nakaidlip na nga ako sa byahe e. halos isang oras rin kasi yun idagdag pa ang traffic. Nasa garahe ang kotse niya. himala namang hindi niya naisipang gumala. Kumatok si Sachiko at pinagbuksan siya ng pinto ni Rann. “hi cuz…”bati ni Sachiko sa kanya. Tinanguan lang siya nito at tinapunan ako ng tingin saka muling bumalik sa sofa at nanood. “cuz we need to discuss things about the bar…”bungad ni sachiko sa kanya. Pumanhik ako sa kwarto ko. at agad na chineck yung phone ko. napabuntong hininga ako nang Makita ko ito sa dating kinalalagyan. Naka-silent pala ito. buti na lang. Hinayaan ko lang silang mag-usap. Business matter yun e anong karapatang kong makialam diba? hidi ko na rin namalayan nag pagtulog ko. Naalimpungatan na lang ako sa pagtunog ng phone ko. tinext kasi ako ng katrabaho ko at nag-iimbita sa birthday niya ngayon. Pagbaba ko ay nanonood pa rin si rann. tatlong oras nang nanonood to hindi pa sumasakit ang mga mata?   “hindi pa ba napapagod yung tv?”kaswal kong tanong sa kanya. “ewan…ikaw? Napagod sa date niyo?” “it isn’t a date….we just hang out…” tumayo siya at pinatay ang tv.”date…hang out..pareho lang yun sa bokabolaryo ni Sachiko!!’matalim siyang tumingin sa akin.”I’m so pissed off!”saka niya ako nilampasan at nagpunta sa labas. Pissed off saan na naman ba? sinundan ko siya sa labas at hayun nakaupo lang sa gilid ng kalsada at nakatanaw lang sa malayo. I came over and sat beside her. “anong tingin mo kay Sachiko?” Ano namang klaseng bungad yun. tungkol na naman kay Sachiko ang topic.”mabait siya. ipinagtanggol niya ako kanina...” “ganun.dapat pa pala akong magpasalamat sa kanya noh…”she said weakly.”astin…” “hmm?” “galit ka ba sa akin?” “bakit? Anong klaseng tanong yan?” She sighed.”dahil hindi kita maalala… gaano ba kita nasasaktan ngayon?” “hmmm…hayaan mo na…maalala mo rin siguro ako…”tugon ko lang sa kanya. “kailan pa pag nahulog na ang loob mo kay Sachiko? Parang umiiksi ang panahon ko astin. bakit ganito? Kinakabahan ako…” Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. kahit ako ay kinakabahan na rin. uuwi na si papa  pero hindi mo pa rin maalala na mahal mo ako. “walang gamot ang amnesia rann…” “sorry talaga…” “huwag mo munang isipin yun…saka huwag kang magagalit kay Sachiko…” “hindi ko mapigilan…” Psh. Hindi mapigilan kasi mahal mo ako noon sabi ko sa sarili ko. “opening na ng bar bukas ah…diba dapat tumutulong ka dun?”napaayos ako ng upo. “oo…bukas…presensya ko lang naman ang kailangan dun.tapos dadami na ang cotsumers e..yun nga lang…mas maraming babae…”ismid niya. “angyabang mo..”suntok ko sa braso niya.”as if angganda mo…” Sumilay naman ang mga ngiti sa mukha niya.”hindi man singganda ni Sachiko..mas malakas naman appeal ko dun no..” “ganyan rin ang sinabi niya kanina…” “huh?” “wala..sabi ko pareho lang kayo na malakas ang bilib sa sarili..” “magpinsan nga kami diba?” Nabalot ulit kami ng katahimikan. “hmm.rann….tumawag si sir Piero…birthday niya..nag-invite…” “gusto mong pumunta?” Bago yun ah. Hindi man lang nakipag-argumento. “sana?...miss ko na rin sila e…” “saan ba??” “rock island daw…8 pm...magkikita-kita…” Hindi siya agad umimik. She just stood at tumingin sa relo niya. “it’s almost 5:00..pahinga ka muna…aalis tayo at about 7:00…”sabay pagpag niya sa shorts niya. “pupunta tayo??talaga?” She smiled. Yung mysterious smile niya na matagal kong hindi nakita. Hindi ko kasi mawari kung ngiti or smirk yun. then she nodded.”namimiss mo sila diba?de puntahan na tin..mag-start  na rin pala ako sa sa susunod na Monday….” “talagaaa?” “yap…”tipid niyang sagot.”class starts at 8:00 am….ewan ko kung ano pang ibang sched ko…” “celebrate tayo…”hila ko sa braso niya.”bili tayo ice cream…” “huwag na..parang hindi naman masaya yun…busy busy…gusto ko ng bakasyon before mag-start…” “naku rann…angtagal na ng bakasyon mo…” “kahit na…”nagyaya na siyang pumasok.”magpahinga ka na lang…” Umakyat naman siya patungo sa kwarto niya. moody naman siya. pero atleast makakapunta ako sa party ni sir piero. My partner in crime sa hospital. Hoho. --- TAKEO’s pov Ok lang naman yung may work e. pero mas gusto ko pa sanang kilalanin si Astin. now na alam ko nang hindi lang kami magkaibigan noon based on the pictures I saw. Hindi man malinaw sa akin kung ano kami dati isa lang ang tumatakbo ngayon sa isip ko, iba yung nararamdaman ko pag kasama siya. parang kumpleto ang pagkatao ko. Sunod sunod na katok at pagtawag sa akin ni astin ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. “takeo…” Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumungad sa akin ang mga ngiti niya. ”gusto ko noodin to…”inabot niya sa akin yung dvd collection niya ng ANYONE BUT ME.”dinownload ni aryana to e..hindi ko pa kasi napanood lahat…boring pag ako lang manonood…” “bukas nay an…may pupuntahan pa tayo mamaya e…”saway ko sa kanya. She pouted. “dalawang episode lang e…” I eyed her.”ikaw pa? maniwala akong dalawang episode lang…”kinuha ko yung dvd.”go take a bath…bukas na lang to…” Sumimangot man siya ay alam kong hindi naman yung magtatampo. At the party. Hindi ako agad bumaba ng kotse. nag-retouch pa kasi siya. “uhm….3 hours lang tayo dito…”saad niya. “sigurado ka?? Maeenjoy mo ba yun?” Tumango siya.”mapupuyat Ka rin bukas..kahiya naman e…” Pinagbuksan ko na rin siya ng pitno. Ngingiti-ngiti pa siya. nakakapanibago naman daw ang  ikinikilod ko ngayon.”ok ka lang?” I nodded. Hinawi niya yung ilang buhok ko.”you need a new haircut…” “huwag na…pahahabain ko na lang ulit…”saka ko isinuot yung eyeglasses ko. “no more contact lens?” Tumango ako ulit.”malakas pa rin naman ang appeal ko kahit ganito suot ko diba?” Tinapik niya ako sa balikat at umirap.”singlakas ng kompiyansa mo sa sarili mo takeo jhi!!”sabay talikod sa akin. Pinigilan ko siya sa kaliwang braso.”you can call me RAnn if you want…” Ngiti lang ang naging tugon niya at tumango. Saka na siya pumasok sa bar. Madali rin niyang nakita ang mga kaibigan niya. siguro mga labing-lima silang andito. Malugod siyang niyakap ng mga kaibigan niyang babae. Yakap dito.yakap diyang. Beso dito beso diyan. “who’s is she?”baling sa akin nung isang singkit na babae at hinawi ang buhok niya. ”halla angbagal mong maglakad kasi…” Hinila ako ni astin.”she’s rann…” Iba yung ngiti nung babae nang malaman ang pangalan ko.”siya si rann? gurl! Di nga?” Sinenyasan siya ni astin na tumahimik. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko. parang kilala ako nung babae. Nakiapgkamay ako sa kanila. Mukha namang mababait. “happy birthday….”bati ko dun kay sir piero. “thank you…buti at nakapunta kayo…” “miss na daw kasi niya kayo…” Sir piero eyed her.”oh kumokorni ka na namang bata ka…”pi-nat niya ito sa ulo.”so anong gift mo sa akin?” Napakamot sa ulo si astin.”napagod na nga kaming nagbyahe hahanap ka pa ngregalo.tsk tsk.” Angsaya ng bonding nila. lagi nilang binibiro si astin tungkol sa mga pasyente ng nagkakacrush daw sa kanya. (=_=) I feel out of place here. Pero sige lang basta nakikita kong masaya si astin. nasayaw na rin yung iba naiwan kami ni sir pierro. “matagal ka ng kaibigan ni astin?” “siguro po…” “bakit siguro?”gulat niyang tanong. “uhm…may amnesia kasi ako…hindi ko siya talaga maalala pero…sabi ng ilang kabigan namin matagal na kaming magkaibigan..” “ah I see… lam mo si astin?ang-jolly niyang tao… halos lahat ng pasyente sa ospital gusto siya ang maghandle sa kanila… malapit kasi sa mga bata yan… nalungkot nga kami nung biglang nagleave e… stress out na rin kasi… “ “baka sa love life niya…”fine.  I AM FISHING THIS TIME. Umiling si sir piero.”wala siyang boyfriend… though nakwento niya about PJ..nameet ko na rin yun..pero may gusto raw siyang makita…yung long lost gf niya…”bahagya itong napangiti.”nakakatuwa nga siya e… bukambibig niya kaya yun…” “anong pangalan?” Nagkibit-balikat lang siya.”ewan..kasi hon lang tawag niya e. angkorni niyan…bawat mcdo na madaanan namin pag may gala bibili at bibili kahit yung fries or float lang.” Pinagmasdan ko lang na sumayaw sina astin. “huwag mong sabihing naikwento ko sayo ha? baka sabunutan ako niyan e…” Tumango lang ako at lumagok ng alak. I went to the mini bar nang pumunta na rin sa dance floor si sir piero. Dito ko unang nakita si astin. nung may kahalikan akong babae. Her face that time keeps hunting me in my dreams. Gulat sa nakita niya at parang may galit sa kanyang mga mata. Then a woman came over at stood beside me giving a seductive smile. Hinawi niya ang buhok niya at ask me for a drink. “no thanks…”tipid kong tugon sa kanya. “im leina…”lahad niya ng kamay niya. “takeo…”nakapagkamay naman ako para hindi niya sabihing bastos ako diba? “are you with someone?”dumadamoves naman tong si leina. Hindi yata niya kinaya ang  lakas ng appeal ko ah. Yobong lang takeo. I nodded. “ah..sayang naman..i just thought if you could keep me company…”hinaplos niya ng back of her fingers ang pisngi ko. Goosebumps. Baka ipakidnap ako nito ah. I smield weakly and stood.”sorry..i’m with my girl…” Saka ako bumalik sa table nina sir piero. Napapailing na lang ako. oh damn. I hate it when these things happen. Bottoms up yung beer. Siya ring pag-upo ni astin sa tabi ko.”oh nilapitan ka na naman ng palay..tinaggihan mo ulit?”she said sarcastically. Hindi ko siya pinansin bagkus ay itinuloy ko ang pag-inom. Kinuha niya yung panto niya at pinunasan yung pisngi ko na hinaplos nung babae kanina. Nagitla ako sa gesture niya. “kanina mo pa kami pinapanood?” She nodded.”baka kasi may kamandag ang kamay nung babaeng yun.”ismid niya. Adik rin tong babaeng to talaga e. “girl!!! Bakit tumigil ka na?!”said bien. Yung singkit na babae kanina. “pagod na e…”tugon ni astin. “sus…pagod daw…gusto mo lang landiin tong si takeo ahy….” Ganito lang talaga sila mag-usap? I find it offensive kasi on astin;s part.wala naman siyang ginagawa e. napatingin ako kay astin. “oh? hindi ka na naman sanay sa naririnig mo?” Tumango ako. “ahy sorry….”hingi ng tawad ni bien. Saka siya naupo sa tapat ko.”you’re ray anne jhi right?” “yeap…” “ah okei…malakas nga pala talaga ang appeal mo..muntikan ka nang iuwi nung babae kanina e..”natatawang sabi nito. Kwentuhan lang nang habangbuhay. then nagyaya si sir piero na umuwi na. afternoon shift daw kasi ang ilagn sa kanila at kailangan rin nilang magpahinga. Astin and I stayed for a while. Hilo pa kasi ako at ayokong isapalaran ang pagdadrive. ASTIN’s POV Medyo nahihilo daw si Rann. kaya nagpaiwan muna kami sa may kotse niya. “kung magpasundo na lang tayo kay sachiko?” I suggested. Glare look lang ang itinugon niya sa akin. Sorry naman. psh. Mukhang nanghinayang siya dun sa babae kanina oh. ---flashback--- “gurl..siya yung kinukwento mo palagi?”said bien “yeah… pero hindi niya ako maalala gurl…” Tumango-tango lagn ito.”lakas ng appeal niya oh..tingnan mo…” Tinuro nia yung mini bar. Kung saan ko siya nakitang nakikiapghalikag noon. May babae na naman siyang kasama. Hinaplos pa nung babae ang pisngi niya. psh. Flirty. Pero parang natuwa ako nang iniwan niya yung babae at bumalik sa table namin. “good girl rin pala siya…”ismid ni bien. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. ----end of flashback--- Sumandal rin ako sa gilid ng kotse niya.”kaya mo na??” Umiling siya.”astin…iuntog mo nga ako?” “huh???”baliw ba to? Gusto niya ulit mabagok ang ulo niya? “gaano na ba kita nasasaktan? Gusto ko nang maalala kung ano tayo dati… sa mga kwento ng kaibigan mo parang angdami kong sakit na binigay sayo…”she said worriedly. Ginagap ko ang pisngi niya.”don’t think too much..makakasama sa kalagayan mo..baka mas hindi mo maalala…”ngiti ko sa kanya. She held on my hand on her face.”sorry….” “you don’t need to…” Rann turns into ang angelic face. Baka sa kagustuhan niyang maalala ako ay mas mapasama pa sa kalagayan niya. Nung nahimasmasan na siya ay umuwi na rin kami. pinagtimpla ko siya ng kape at niyayang manood ng anyone but me. nagpromise naman siya diba? kaya ito tuparin niya dahil hindi ap ako inaantok noh. Sa may sala kami nanonood. Nakataas ang mga paa namin sa maliit na mesa. “anong favorite line mo diyan?”tanong ko sa kanya. “nung naghiwalay sila ni Vivian…tapos may nakilalang ibang babae si aster… babasahin sana nung babae yung book na hawak ni aster…and she saw this note from viv.,.” Parang nakalimutan ko na yung ha..”anong note?” “wait mo na lang….” Yung scene ng pinapanood namin. parang interesado yung nakilala ni aster sa book na binaba niya. then she got it and saw this note. Biglang sinabayan ni rann yung dialog nung babae.”now look up…if I’m not here…just read our story backwards and you’ll find me…” Nabalot kami ulit na katahimikan. If I am going to relate to he how we met maalala niya kaya ako ng tuluyan not just by my name? nakatuon lang ang pansin niya sa pinapanood namin.”astin….” “hmmm?’ “can you write our story???”tingin niya sa akin. “hindi ako marunong…” “ok….”saka niya ulit ibinalik ang pansin sa panonood niya. Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.”matulog na tayo….” Tumingala lang siya sa akin.”tabi tayo?” I pouted. “niyaya lang kitang matulog mgtatabi na tayo?” Inabot niya ang kamay ko. she stood but grinned at me. bigla niya akong hinila sa yakap niya. “pipilitin kong maalala ka…”and kissed my forehead.”sorry….pinakialaman ko yung cellphone sa drawer mo…” Sa narinig ko ay kumalas ako sa pagkakayakap niya.”bakit mo ginawa yun?”simangot ko. “ang-ingay e…’kaswal niyang tugon.”sorry ha? angganda ko dun…” Nakuha pa niyang magyabang! Grabe to. She pinched my nose.”so??? matulog na tayo….”she turned off the tv and led me upstairs still holding on my right hand. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kwrto ko para sa akin.”you need to sleep… bukas dito ka lang.hindi ka sasama sa opening ng bar…” I pouted.”angsama mo….gusto ko makita si Sachiko…” I smirked. Pang-asar lang e. She eyed me.”ms. Eva Justine Borja..hindi ko man maalala kung sino ka sa buhay ko…aaminin kong nagseselos ako pag magkasama kayo ng pinsan ko.” O_o---me She then smiled.”goodnight….”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD