Languange
Kinabukasan, maaga akong nagbihis para sa Chandarian day. Naligo at nag nagbihis na ng binigay ni Ma'am Myta na damit sa akin. Tinitigan ko ang aking repleksiyon sa salamin. Napaka ganda ng damit na siyang nagbigay kulay sa maputi kong balat. Sinuklay ko na ang aking buhok.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Jalaneel sa pader, nakasandal ang ulo at nakapamulsa.
Nang makita niya na lumabas na ako, tumuwid siya sa pagkakatayo. Tinitigan niya ako, iniwas ko ang ang mga tingin, dahil nahihiya ako.
Habang papalapit siya ay mas lalong lumalakas ang kalabog ng aking dibdib. Ang buhok niya ang naka-ayos ng mabuti. Sa nga normal na araw ay magulo ito. Kahit anong ayos ng buhok ay nababagay sa kaniya.
"Bagay sa iyo ang buhok mo." I complimented him.
"Mas bagay ka sa akin." sabi niya walang ekspresyon parin ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso siya. Kinilig ako sa sinabi niya, slight lang.
"Ang ganda mo, Azurine." sabi ni Neelu, nasa tabi niya si Aika at Fizureh.
"Thank you!" nahihiya kong sagot.
"Mas maganda kung ititikom mo ang bibig mo,Neelu. " sabi ni Aika sa kaniya.
"Selos kalang eh!" panunukso ni Neel lu sa kaniya.
"Nakakadiri ka naman,Neelu." nandidiring sambit ni Aika.
"Asus kunyaring nandidiri, kinikilig naman." sabay kindat kay Aika.
"Alam mo, Aika. I need a map the moment I saw you." hirit ni Neelu sa kaniya.
"Are you sure that you only need a map? Not me?" hindi nagpatalo si Aika kay Neelu.
"I needed a map, because I got lost in your eyes. " hirit ulit ni Neelu sa kaniya.Namula ang mukha ni Aika, ngunit hindi ito ngumiti.
"I don't care." inirapan niya lang si Neelu. Natawa naman si Neelu, nasanay na siguro sa pagiging mataray ni Aika.
"Kumapit na kayo sa akin, gagamitin ko nalang ang Chandra ko, upang mas mabilis tayong makarating sa Nabhendu." sabi ni Fizureh.
"Nabhendu?" nagugulahan kong tanong.
"May lugar pa sa ilalim ng kaharian na ito. Dito ginaganap ang lahat ng mga pagtitipon, parte parin ito ng Chandraneel. Yun nga lang sa ilalim ng lupa ito makikita." namangha ako sa sina ni Fizureh.
Kumapit na ang lahat upang makasabay kami sa Chandra ni Fizureh.
Nang makarating kami sa Nabhendu ay hindj ako makapaniwala sa aking nakita. Ang ganda! Sobrang ganda! Ang mga upuan ay kumikinang, gawa ito sa mga blue gem. Ganon rin ang mga lamesa. Ang ilaw ay kumikinang rin. Napakaganda. Ilang minuto siguro nakanganga lang ako sa aking nakikita.
"Tara! Dito raw ang lamesa ng Blusette. " sabi ni Fizureh, itinuro niya ang magandang lamesa. Nasa sentro ito.
Sumunod kami sa kaniya at umupo na rin. Marami ng Chandraneelens ang nasa loob ng Nabhendu.
Makikita ang kagalakan sa bawat isa. Sama-sama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ilang sandali pa, nakita ko si Ma'am Myta pupunta sa direksiyon namin. Agad akong ngumiti sa kaniya, nang makita niya ako ay ngumiti rin siya.
"Are you guys enjoying here?" she asked and smiled.
" Yes, Maam" we happily answered.
"Good to know, maiwan ko na muna kayo." paalam niya at tumango lang kami bilang sagot.
Malaki ang naging papel ni Ma'am Myta sa akin. Palagi niya akong kinakamusta at kung minsan ay pinupuntahan ako; tinatanong kung may kailangan ba ako.
Dahil sa kaniya, nabawasan ang lungkot na aking nararamdaman. Nahanap ko sa kaniya ang kalinga at pagmamahal ng isang ina.
"Good day everyone! Today, we celebrates the Chandarian day,may mga panauhin tayo mula sa kaharian ng Odeta,Jaibrian,at Oleander. " Marlais said.
"Siguro nandiya mamaya si Linnos,Fizureh." panunukso ni Aika kay Fizureh.
"Tumahimik ka nga Aika." saway ni Fizureh sa kaniya.
"Crush mo nga kapatid non eh," panlaglag ni Fizureh.
"Huh? Hindi ah." tanggi ni Aika, habang tinitignan si Neelu. Matalim ang titig ni Neelu sa kaniya.
"Kaya pa ilang oras ang paghahanda mo, dahil may pinaghahandaan ka talaga. Aba! Matindi." malamig na tugon Neelu kay Aika.
"Past na iyon no" pagtatanggi ni Aika.
"Tsss..." naiinis na sabi ni Neelu.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang pagtatanghal. My mouth opened in awe. Ang mga taga-tanghal mula sa Odetta ay nagpakita ng iba't ibang mahika gamit ang tubig. Ang mga taga Jaibrian ay nagpakitang gilas gamit ang apoy; may isang lumunok ng apoy at nang iluwa niya uto ay naging hugis puso. Nagpalak-pakan ang lahat sa nasaksihan. Ang mga taga Oleander naman ay nagtanghal ng iba't ibang advantages ng kadiliman.
"Ang ganda!" sabi ko habang nagtatanghal ang mga taga-Oleander.
"Kingdom of Oleander made us realized not to be-little and disparge darkness: even silhoutte can make a captivating view." Jalaneel said, lahat ng kasamahan namin ay napatingin sa kaniya.
"Iba ka talaga mag-isip,Jal." namamanghang sabi ni Neelu. Hindi siya sinagot ni Jalaneel at nagpatuloy lang kami sa panonood.
"Let's Go." ikinabigla ko ang sinabi ni Jalaneel.
"Huh? Hindi pa tapos." naguguluhan kong sabi sa kaniya.
"Patapos narin yan." sabi niya at hinila na ako.
"Saan kayo puntal, Jal?" Neelu asked Jalaneel.
"Azraq." Jalaneel simply answered.
Umalis na kami at sumunod lang ako kay Jalaneel.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Azraq" sinagot niya ako ng gaya sa sagot niya kanina kay Neelu.
Ilang minuto na kaming naglakad at wala paring nagsasalita sa aming dalawa. Sa hindi kalayuan, natanaw ko ang kulay asul na bundok.
Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami gitna ay pagod na pagod na ako. Pinunasan niya ang mga pawis ko ang hindi ako makagalaw sa ginagawa niya.
Nakarating kami isang napaka gandang puno may naka-ukit na pangalan dito, AZRAQ. We sat down under the blue tree.
"Palagi kaba dito?" I asked him. Nanatili parin ang seryoso niyang mukha.
"Dito ako pumupunta t'wing nalulungkot ako. Ang punong iyan ay tinanim namin ng aking ina. You know what, I didn't believe in love when my mom left me." panimula niya, nakinig lang ako sa kwento niya.
"For me, she's my great love. How can you believe in love when your greatest love left you?" he said, nakatingin lang siya sa malayo, habang nakikinig ako sa bawat kwento niya.
"Paano mo paniniwalaan ang isang bagay, kung ang taong nagpaniwala sa iyo nito iniwan ka at hindi pinanidigan ang pangakong binitawan?" tumawa siya, ngunit mababakas ang lungkot sa kaniyang boses.
"Kaya simula non, hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Until one day, I saw you. Noong una kitang makita bata ka palang non, nitong nakaraang buwan sa inyo ay naghihintay nalang ang kaharian ng Chandraneel ng wastong pagkakataon upang tuparin ang pinag usapan namin ng iyong ina." pagpapatuloy niya.
"Siguro, matatakot ka kung sasabihin kong palagi kitang sinusundan. Don't get me wrong, I just wanted you to be safe. Para akong tanga na tumatawa habang tinatawaw ka. I don't know I smiled every time clock strikes at 5-6, alam ko kasi na oras na iyon ng pag-uwi mo." hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Gusto ko man na sundan ka hanggang sa paaralan niyo, hindi ko magawa. Hindi kami pwedeng makalayo sa puno ng Ossaiwa ng isang kilometro. Kasi, sa oras na makalayo kami ng isang kilometro ay hindi na namin mahahanap ang daang pabalik ng Ossaiwa. All I can do is to sent you home and comeback here." he said.
"Bakit hindi ka nagpakita sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"Normal humans can't see us." sabi niya.
"I keep on lying to myself what I've felt for you is just an infatuation. Hanggang ngayon, sinasabi ko parin yan sa sarili ko." dagdag niya.
"I d-don't k-know what to say." nauutal kong sagot sa kaniya.
"You don't need to speak, I just want you to listen to me." yinakap niya ako sa likod at ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Hindi ako maka galaw sa kaniyang ginawa.
" For some, languange of love is going on a date; for other, giving a lot of gifts. I am willing to learn all those languages to show what I've feel for you." he said and kissed my forehead.