Blue
Pinunasan ko ang aking mga luha, ngunit may mga bumabadya na namang tumulo. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Patay na ba ako?Binabangungot? Hindi ko alam. Gulong gulo na ako. Panaginip lang ba ito? Kasi gusto ko nang gumising. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Gayunpaman, parang may tumutulak sa akin na pumunta at buksan ang gate na pula.
Binuksan ko ang gate, napakaganda ang kaharian na ito. Ang hindi ko kang mainitindihan ay kung bakit ang nga halaman ay kulay asul, halos lahat ng makikita ay kulay asul. Ang buwan ay kulay asul din.
"Pumasok ka," nagulat ako nang magsalita ang lalaki. Medyo may katandaan na ito, makikita ang ang kulubot sa kaniyang mga mukha.
"Nasaan po ako?" naiiyak kong tanong.
"Maligayang pagdating, ito ang mundo ng Chandraneel, ang mundo na matagal nang naghihintay sa pagdating mo." gulong-gulo ang isip ko sa tinuran ng matanda.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" pinilit kong maging normal ang boses ko, ngunit mababakas ang takot at kaba rito.
"Malalaman mo rin, hindi pa ito ang tamang panahon. Sa ngayon, pumunta tayo kay Marlais, alam kong ikagagalak niya ang iyong pagdating." kahit kinakabahan, sumunod parin ako sa matanda.
"Sino po si Marlais?" tanong ko sa matanda.
" Si Marlais ang pinaka mataas na pinuno ng kahariang ito." sagot sa akin ng matanda. Marami akong gustong itanong,dahil gulong-gulo na ako.
Mas pinili ko na lamang na itikom ang aking mga bibig. Habang naglakakad ay tinatanaw ko ang bawat pasilyo, durungawan, at mga mwebles na kulay asul ang lahat. Maraming mata ang nakatingin sa akin. Ang kanilang mga anyo ay katulad rin sa anyo nating mga normal na tao. Iba-iba ang kulang ng kanilang mga buhok, mayroong kahel, mayroong berde at mayroong kayumanggi.
Nakapalawak at napakataas ng kaharian na ito.
Ang bawat pinto ang may numerong naka-ukit. Mula sa pinaka baba na nag uumpisa sa 1. Ngayon, nasa ikatlong hagdanan na kami, may numerong naka-ukit sa pinto sa pinaka dulo na 79. Marahil, sa dami ng nakatira sa lugar na ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pag akyat ng hagdanan. Sumunod lamang ako sa matanda. Nang makarating kami sa pinakataas ng kaharian ay binuksan ng matanda ang nakapa laking pintuan sa gitna.
" Maligayang pagdating, Azurine." wika ng isang babae. Napaka ganda ng kaniyang mukha, mapupula ang kaniyang mga labi, mapupungay ang kaniyang mga mata, at ang kulay kahel niyang mga buhok ay tumitingkad.
"Paano mo po ako nakilala?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ako si Marlais," wika nito,ngunit hindi sinagot ang aking katanungan.
"Nais ko na pong maka-alis sa lugar na ito," kinakabahan man, pinilit kong maging matapang sa harap nito.
Tinitigan niya ako na para bang isa maling salita pa ang aking sasabihin ay kayang kaya niya akong paslangin sa pamamagitan lamang ng kaniyang mga mata.
"Ito na ang mundo na nakatadhana sa iyo, hindi mo matatakasan ang kapalaran na ito. Ito ang usapan namin ng iyong ina," hindi ako maka galaw sa aking narinig. Bakit ako hahayan ni Mama na mapunta sa lugar na ito?
"Bakit ako hahayaan ng aking ina na mapunta dito? Paki-usap 'wag niyong dumihan ang aking ina sa aking harapan," nagulat ako nang humalakhak si Marlais.
"Ang tanong, siya ba ang iyong...ina?" naka ngisi niyang tanong.
"Mawalang galang na ho, ngunit wala ho kayo sa lugar para sabihin ang nga salitang iyon," pinilit kong pakalmahin ang aking sarili.
"Bakit wala? Hindi ba't ikaw ang naririto sa kaharian ko? Kaya't anong karapatan mo upang sabihin sa akin ang mga salitang yan?" naka ngiti niyang sagot.
"Pinalaki ako ng mga magulang ko ng may respeto po, kaya hangga't maari ay ayokong masagot kayo ng hindi tama," nakuyo kong sagot.
"Mainam, isang magandang desisyon ang pagpili ni Jalaneel sa iyong ina. Magpahinga ka na, bring this dress,wear it tomorrow. This is your schedule," sabay abot sa aking ang kulay asul na dress at isang papel na may nakasulat na schedule.
"Para saan po ito?" naguguluhan kong tanong.
"Iha, hindi ka namin hinintay dito, upang tumunganga at maging prinsesa. Pakikinabangan ka namin. Now, go," tumalikod na siya at hinila ako ng matanda palabas ng kwarto niya.
Bumaba kami ulit sa pinaka babang parte ng Chandraneel.
Nang tumigil ang matanda sa ika-22 na pintuan ay napatigil rin ako. Normal na kwarto lang ito,ngunut ang kwartong ika-21 ay naiiba sa lahat. Hindi kulay asul, kulay itim ito.
"Ito ang magiging silid mo ngayon, kompleto ang mga gagamitin mo riyan. Hindi sumisikat ang araw sa mundong ito. Ang isang araw rito ay katumbas ng ng isang taon sa inyo." my mouth opened in awe.
"Ibig sabihin po ba, isang taon na akong tulog?" hindi maka paniwala kong tanong.
"Kalahating taon, kalahating araw pa lamang simula nang dumating ka rito." hindi ko lubos maiisip kung bakit nangyari sa akin ito. There are bunch if questions I wanted to ask, but I'm afraid to ask. I'm afraid of the answers I will get. Natatakot ako.
"Alas sais na, matulog kana, bukas mag uumpisa ang iyong klase. Maghanda ka bago sumapit ang alas sais." wika nito bago ako talikuran at tuluyan nang umalis.
Isinarado ko ang pintuan ng aking silid. Napaka ganda, ang kulay asul na kulang nito ay nakakahumaling.
Inilapag ko ang ang nga gamit na ibinigay sa akin.
Ilang sandali, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking pisngi. Sana bukas makawala na ako rito. Hindi ako naniniwala na magagawa iyon ng aking ina. Hinding-hindi ko paniniwalaan ang kahit anong maririnig ko tungkol sa sinasabi nila sa aking ina.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod sa kaiiyak kagabi.
Nang aking tignan ang oras ay alas 5 palamang, nag handa ako kahit labag ito sa aking loob. Ayokong maging pabigat rito, baka kapag sinunod ko ang nais nila ay makaka uwi rin ako.
Bawat patak ng oras dito ay importante sa akin, kinakailangan kong umuwi sa lakong madaling panahon.
Bawat patak ng oras, alam kong may luhang pumapatak sa mata ng aking ina.
I don't know if how and if I can escape this, but I know I will do my very best to leave this place.
Binilisan ko ang aking pag kilos. Isinuot ko ang unipormeng ibinigay sa akin. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin, ngunit nanindog ang aking balahibo nang makita ko ang kulay itim kong buhok, ngayo'y naging kahel.
Ipinikit ko uli ang aking mga mata, dahil baka guni guni ko lang iyon, ngunit hindi.
I locked my room. Hindi ko alam kung saan hapuhapin ang eskwelahan sa kahariang ito.
Magtatanong tanong nalang siguro ako.
Nahihiya man ay pinilit ko ang aking sarili na magtanong.
"Miss, saan ka ba dito nag a-aral?" tanong ko sa babaeng may kulay berdeng buhok.
Tinitigan niya lamang ako " Marahil ay bago ka rito, ang mga nabibigyan lamang ng pagkakataong mag aral at mahubog ang kapangyarihan ay ang may mga kulay kahel na buhok." tama ba ang aking narinig? Anong kababalaghan pa ang nakabalot sa mundong ito?
"Sa pinaka dulo ng kaharian na ito, may makikita kang puno, lumiko ka at doon mo matatagpuan ang iyong hinahanap." nagpasalamat ako sa kaniya at sinunod ang kaniyang sinabi.
Binilisan ko ang aking paglalakad. Nang makita ko ang puno na kaniyang sinasabi, halos mangilabot ako. Ito ang puno na palagi kong nakikita sa daan. Iyong nawawala.
Nag aagam- agam ako kung liliko ba ako, dahil baka ito ang susi upang makabalik ako sa mundo ko.
My knees and hands are trembling. Despite of it, I still try my best.
Lumapit ako rito. May naka ukit na salita rito. Nang binasa ko iyon. OWAISSA.
Nang marinig ko ang tunog ng kampana ay dumiretso ako sa paraalan na sinabi ng babae kanina.
I-isa lang ang pintuan, gaya ng kaharian ay kulay asul din ito. Pumasakok na ako, may 4 na pares ng mata ang naka tingin sa akin.
"To complete your group, please welcome, Azurine Nilakshi." hindi ko alam na may mas ikakagulat pa sa aking nakita.
Ma'am Myta is the one who is standing in front. Ma'am Myta, our school teacher. This is something I couldn't believe to.
When will this mysteries will end?
"Azurine, please take your sit, beside Jalaneel." itinuro niya ang lalaking may kulay na kahel ring buhok.
Umupo ako rito, walang ekspresyon sa mukha niya. Perpekto ang hubog ng kaniyang mukha.
" Magpakilala ka muna, Azurine." Ma'am Myta said. With my trembling knees, I stand up.
"I'm Azurine Nilakshi, nice to meet you all" matapos non, umupo narin ako.
"It's not nice seeing you here." mataray na sagot nga babae na katabi ng isa rin babae.
"Aika, wag mong sungitan." rinig kong bulong ng kaniyang katabing babae.
"We don't need your opinion if you do and don't like her, Aika." the other guy said.
"Hindi mo kailangang sabihin, alam ko." mataray na sagot ni Aika.
"Alam mo naman pala eh, why don't you shut your mouth?" malamig na sabi ng lalaki.
"Class, that's enough." pagalit na sabi ni Ma'am Myta na nag patahimik sa kanila.
"We need to find out what enigma you posseses, Azurine." enigma? My mind is in chaos, right now.
"What do you mean, Ma'am?" naguguluhan kong tanong.
"Top 1 ba talaga to sa school niyo ma'am? Ba't ang tanga?" mataray na sabi ni Aika, hindi ko pinansin iyon dahil sa sobrang gulo ng utak ko.
" Sa mundo nating mga tao, alam kong napapansin mo na may kakaibang pinaparating sa iyo ang hangin. " bigla kong naalala ang ang pakiraramdam na parang pinapagalaw ng hangin ang nga halaman at tila bumabati ito sa akin.
" You have a special role in this world, did you noticed that you love blue? This kingdom of Chandraneel, the kingdom of blue, needs you."