CHAPTER 26

1074 Words
Rachel's POV. GRABE ang epekto noong chat ng tita ko. Nagising nang tuluyan ang utak at kalamnan ko. Inilapag ko na sa side table ang phone ko at sinubukan kung makakaya ko bang matulog. For Pete’ sake! Road to 1 A.M. na, I really need to sleep. May event pa bukas. Ay mamaya na pala iyon! Sinubukan ko na mang ipikit ang mga mata. At saktong-sakto naman ang pag ring ng phone ko. Sino ba itong tumatawag ng ganitong oras? Sana naman ay hindi emergency. Kinuha ko ang phone ko pero tumigil na agad ito sa pagri-ring. Ni-check ko kung sino ang tumawag na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang pangalan ng caller. Si Mr. Alonzo? Ano bang kailangan niya sa ganitong oras. Pagcheck ko naman ng messages ay nakita ko roon ang follow up text niya. If you are still awake please come and save me. Nataranta ako bigla. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Nireplyan ko siya at tinanong kung nasaan siya at anong nangyari. I’m at Marriot Hotel. Bumilis ang t***k ng puso ko. Yung pakiramdam na parang nahihirapan akong huminga. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong lumabas at nagmaneho papunta sa Marriot Hotel. Nag-aalala lang talaga ako kay Mr. Alonzo. Sana ay ayos lang siya. Finally ay narating ko rin ang hotel. Pinatawagan ko mula sa reception si Mr. Alonzo to confirm na pinapapunta nga niya ako. At nang makumpirma nga nila ay pinapanhik na ako sa taas. Halos takbuhin ko ang hallway para lang mapabilis ako sa pagpunta roon. Narating ko na nga ang room na kinaroroonan ni Mr. Alonzo. Nadatnan ko siyang nakaupo nang patihaya habang nakadandal sa couch. May bote ng alak na nakalapag sa coffee table kung saan nakataas ang paa niya. Miserable rin amg istura niya, nakayabingunna ang necktie at may bukas nang tatlong butones sa polo niya. Lasing na ba siya? Finally, napansin niya rin na naroon ako. Napalingon siya sa akin na nakatayo sa pintuan. “I’m glad you came here.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Dumiretso na nga ako sa loob at isinarado ang pinto ngunit nanatili akong nakatayo. Conservative akong tao, pero ewan ko ba kung bakit inilagay ko ang sarili sa isang lugar kung saan ay may lalaking lasing at kasama ko sa iisang kwarto. Paki-explain nga ang kabobohang ‘to Rachel? Naparito lang naman talaga ako dahil sa labis na pag-aalala sa kanya. Sabi kasi niya save him daw! Tapos madadatnan ko siyang nagwawalwal lang pala rito. Hindi ko pa kaya makakalimutan yung ni confront niya ako noong gabi bago siya umalis sa bahay noong birthday ni Nanay Lucing. “Anong problema mo Mr. Alonzo?” masungit kong tanong. Nakatayo pa rin akonsanharap ng pinto at nakahalukipkip. “Have a seat first.” “Lasing ka na—” “Wala akong gagawin sa’yong masama.” Natigilan ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng awa. “Hindi porke sinabi kong ma—” Natigilan ako dahil nag alangan ako sa sinabi ko. “You think pwede mo nang gawin sa akin to dahil nasabi kong—” “I just needed somebody to talk to,” he cut me off and faced me. “I called everbody. But it’s only you who responded.” Natameme tuloy ako. So paano kung in-ignore ko rin siya. Anong gagawin niya? “Walang kasalang mangyayari. We broke up,” panumulang kwento niya. “Ano?” Napapitlag pa ako sa sinabi niya. “Paano nangyari?” “I hope you could sit down so that I could tell you.” Napaikot na lamang ako ng mga mata. May tiwala ako sa kanya base sa pagkakakilala ko sa kanya. Pero hindi kung may espiritu ng alak. Pero nagawa ko pa ring umupo. Ewan ko ba, pero parang natakam ako doon sa alak na nasa harapan ko. Imagine, galing ako sa isang nakakapagod na araw kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang alak at tinungga ang bote mismo. Mga tatlong segundo yata nang ibinaba ko na ang bote. Napakunot pa ang mukha ko dahil sa reaksiyon ko sa mapait nitong lasa. Namangha si Mr. Alonzo sa ginawa ko. Napangisi ako at doon ay nagsimula kaming magtawanan. Ikinuwento niya ang pangyayari sa pagitan nila ni Ms. Athena. Kaya pala panay emote siya dahil nakipahhiwalay ito sa kanya. Napasarap yata ang inuman at kwentuhan namin kaya’t hindi na namin namalayan na halos maubos na ang isang bote ng alak. Kung anu-ano na lang pinag-usapan namin. Hanggang sa nalihis na kami sa totoong dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Ms. Athena. Nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko, at ramdam kong tipsy na ako. Tuloy-tuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa napatigil kaming dalawa sa harapan ng kaniya-kaniyang mukha ng isa’t isa. Sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo nang mapako ang aming mga mata sa isa’t isa. Mayamaya pa ay hindi ko inasahan ang dahan-dahang paglapit ng mga labi niya sa akin. Hindi ko magawang iwasan iyon. Ayaw man ng utak ko ay gusto naman ng puso ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at saka inilapit ang mukha ko sa kanya. At nangyari na nga, inilapat niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang patuloy niyang inaangkin ang mga labi ko. Lumulundang ang puso ko sa tuwa. Habang tumatagal ay parang nagugustuhan ko na ito at para bang ayaw kong tigilan. Napapaganti na rin ako sa mga halik niya. Ramdam ko rin ang paghaplos niya sa buhok ko. Sandali kaming tumigil sa pagitan ng paghinga at agad ding bumalik sa sa pagkakaisang labi. Ngunit may katiting na pagtutol ang nanaig sa katawan ko. Naitulak ko siya nang mapagtanto kong mali ang aming ginagawa. Alam kong bagong hiwalay siya. Pero mali naman na makisawsaw ako para lang makuha ko siya. O magpapansin. Napasapo ako ng noo, at siya naman ay tila wala na sa huwisyo. Napasandal ang ulo niya sa balikat ko. Nakapikit ang mga mata ngunit kalaunan ay niyakap ako nang mahigpit. “Thank you for being here. You have no idea how happy I am to be with you.” Kung kasalanan man ito. Patawad po pero hindi ko mapigilan ang kaunting saya na nararamdaman ko. “I love you Athena,” sambit niya saka hinalikan ako sa pisngi. Kung anong bilis ng ligaya, ay ganoon din kabilis ang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD