Cali’s POV
BACK in Manila. Time to face the reality. Time to face my problems again. Ang huling update ni Sam ay nakausap miya raw ang pamilya ng batang naaksidente. Wala na raw itong balak na idemanda ang APH. Total ay naibigay naman ng kumpanya ang lahat ng kailangan nito.
Binigyan ko rin ito ng Scholarship para makapagpatuloy sa pag-aaral.
At yung attempt na patalsikin ako ni Kuya Henry sa pwesto?
Hindi siya nagtagumpay dahil nasilip ng board members ang mga pangungurakot niya sa kumpanya.
Simula nang maupo ako sa pwesto ay sinimulan kong pa imbestigahan siya.
At hindi mga kami nabigo dahil nagbunga ang masusing pag iimbestiga namin.
Napag-alam namin na may ibang account pala itong si Kuya Henry na connected sa labas ng bansa.
At ngayon ay umikot rin ang mesa.
Siya na tuloy ngayon ang ginigisa.
First day ko pa nga lang dito ay nami-miss ko na agad si Athena.
Bago ako umalis, alam kong nagtatampo iyon sa akin. Dahil ayaw niyang bumalik ako ng Manila.
Gusto ko nga siyang pasamahin pero ayaw naman niya dahil marami siyang ginagawa doon sa Cebu.
Sinubukan ko siyang tawagan pero ayaw niya akong sagutin kanina pa.
Ang hirap tuloy magtrabaho kapagka ganito ang sitwasyon namin.
I just can’t let the day pass without being okay with her. Para akong mababaliw kaiisip.
“But Kuya, isn’t she supposed to understand you?”
It was Savanna, and yes she is in the office again. Tumatambay. Na-miss niya raw ako noong nasa Cebu ako kaya gagawin niyang tambayan ang office ko ngayong araw. Nakaupo lang siya sa couch na nakataas ang paa. Napakarami ding pagkain siyang kinuha sa pantry ng office ko at inilagay sa coffee table.
Nagbaon din siya ng maraming libro para basahin.
“You should come with me in Cebu next time.”
“Yeah sure. But kuya ask ko lang, paano na lang kapag kinasal na kayo? Nandito ka sa company natin tapos siya nasa Cebu ang life? Lagi kayong mag-aaway gano’n?”
Naisingit pa rin talaga iyon.
“Then, you will take over the company,” I sadi to her.
Nanlaki ang mga mata niya. “Seriously? You’ll gonna give up the company for her?”
“Why not? I love her,” sagot ko naman.
“Love? No thanks.”
She rolled her eyes like a spoiled brat.
“You don’t like her?” I asked.
“If I say yes, will you cancel your wedding?” sagot naman niya.
“No.”
“And why not?”
“You tell me first why you don’t like her.”
She paused as if she was thinking deep. She crossed her arms.
“You know what kuya, I just can’t figure it out but. I can feel something off with her. Parang iba, I mean, I can sense that she is not what she said she is.”
Natawa naman ako. I understand her naman, though I knew Athena since we were young, sila Savanna at Dad naman ay ngayon palang nila ito nakilala.
“Trust me baby, she is a good woman,” pagpapanatag ko sa loob niya.
She rolled her eyes again. “Convince me more.”
“Well you should bond with her so that you will know her more.”
“No thanks,” she answered again.
Napailing-iling na lang ako at hinayaan na muna siya sa couch saka bumalik na ako sa seat ko para gawin ang iilang trabaho.
Lumipas ang maghapon. 5 P.M. na nang eksaktong mag beep ang phone ko.
I received a text message coming from Athena for the first time of the day.
I’m here in Manila. Let’s talk. Meet me at Marriot Hotel.
Napabalikwas ako sa kinauupuan at bumaling kay Savanna.
“Vanns, will you go gome now?” I asked her.
“Why would you force me to leave kuya huh?” taas-kilay niyang tanong.
“It’s not like that, I just had an urgent matter to do. Okay?” I explained.
“Yeah sure,” sagot naman niya saka nagligpit ng mga gamit.
“Good girl. Thank you.”
Hilaw na ngiti ang tinugon niya sa akin.
Nagpaalam na nga ako at pumunta na sa Marriot kung saan naroon si Athena.
I’m glad she made a way for us to communicate.
Pagkarating ko at pagkapasok sa room, ay nadatnan ko siyang nakaupo sa couch.
“Hi,” I greeted and kissed her in the forehead and seated next to her.
Her aura seemed so cold, and I can sense that there is a problem with her facial expressions.
I hugged her immediately. “Nagtatampo ka pa rin ba? I’m so sorry.”
Naramdaman kong mahina niyang kinalas ang mga bisig ko mula sa pagkakayakap sa kanya.
“I’m sorry Cali, but I can’t do this anymore.”
Ikinagulat ko ang sinabi niya. At the same time ay na-confuse ako. “What do you mean?”
“Let’s cancel the wedding.”
“Why? What’s the problem?”
Nanginginig ako habang sinasabi iyon. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko.
“I just don’t think that we will work out.”
“Why? Is it our set up? Sabihin mo lang. I am willing to give up my position and the company for you. If you want to settle in Cebu, I will do that for you. Please, let's settle this.”
I am willing to do everything, huwag lang siyang mawala sa’kin.
“I’m sorry,” she said and stood up.
And she totally left the place.
Halos malugmok ako. Napahagulhol na lamang ako sa kinauupuan ko.
Parang biglaan naman. At parang ang babaw ng dahilan. Pwede namang gawan ng paraan hindi ba?
Pero sa ngayon. Wala akong matinong maisip. Gusto ko man siyang habulin pero walang lakas ang mga paa ko para gawin iyon.