CHAPTER 24

1154 Words
Rachel’s POV BACK to Manila. Natapos na ang birthday ni Nanay Lucing kaya heto grind ulit sa Maynila para naman asikasuhin ang mga upcoming events. Inalis ko muna ang isip ko doon sa Abellana-Alonzo Nuptials. Masyado na kasing naiinvest ang emotion ko sa couple na iyon. At ayoko na ring lumalim pa itong infatuation na nararamdaman ko kay Mr. Alonzo. Tama, infatuation lang ‘to day! Pagpasok ko sa office namin ay nadatnan ko ang mga staff ko na aligaga. “Good morning Ms. R,” bati nila sa akin saka bumalik na sa mga kanya-kanyang pwesto. Actually, kaunti lang naman ang staff ko. Mga nasa 6. Si Anja, si Helga, Si Moana, si Kaila at si Ate Melanie. Isa lang ang lalaki sa amin. Si Benj. Naroon sila maliban kay Ate Melanie na siyang responsable sa aming finance. “Ms. R! May problema ho tayo.” Tumatakbo papunta sa akin si Moana. “Ano iyon?” sagot ko. “Si Ate Melanie hindi pumasok. Tapos walang laman ang vault.” “Ano?” reaksiyon ko at halos maluwa ang mga mata ko. “Paanong nangyari iyon?” Ang vault ay naglalaman ng ilang pera na kinita ng Blushing Bride. Itinago ko lamang iyon bilang ipon para sa future or emegency use. Si Ate Melanie, napakabait na tao iyon. Nagsisimula pa lang ako ay kasama ko na siya, at ilang beses na niyang napatunayan na mapagkakatiwalaan siya. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa akin iyon. “B-baka may problema lang.” For the benefit of the doubt. “Actually Ms. R, may nabanggit nga si Ate Melanie na problema sa amin noong isang araw,” nabanggit ni Moana. “Ano iyon?” Kumunot muna ng noo si Moana na tila ba nag-iisip. “Ang sabi niya, na-scam daw yung kapatid niya ng isang agency na in-apply-an nito papuntang ibang bansa.” “Agency?” “Ano nga ba ulit pangalan no’n....” Pinipilit alalahanin ni Moana ang pangalan ng agency. Hindi ko mawari at kinabahan ako bigla. At sumagi sa isip ko ang kaklase at kaibigan ko noong highschool. Si Hiraya Manawari. Three months ago ay nagkausap kami at nagtanong siya sa akin kung may kakilala raw ba akong contact nanpwedeng makatulong sa kanya para makapag-apply abroad. Nai-rec “Hindi pala agency, recruiter lang pala!” “Sino bang recruiter? Mas lalo akong kinabahan.” Halos mabitawan ko ang hawak kong coffee mug nang marinig ko ang binanggit niyang pangalan. My Gosh! This means Hiraya is in trouble all this time? Agad kong kinuha ang cellphone at hinanap ang contact number ni Hiraya. Nang mahanap ko na ay ni dial konito agad. Ngunit nabigo ako dahil hindi na ito nagri-ring. Ano na kaya ang nangyari? Natuloy ba kaya ang pag-apply niya? Sa totoo lang, mas na-stress ako sa kung ano ang update kay Hiraya kaysa sa nawalang pera ng Blushing Bride. Kasalanan ko rin naman dahil hanggang recommend lang ang nagawa ko at hindi ko man lang siya in-update kung naaalis ba siya. Hindi ko rin naman inakala na scammer pala ang recruiter na iyon! Ka-klase rin namin iyon noong highschool kaya hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Ika nga sa mga lagi kong naririnig. Hindi lahat ng inakala mong mapagkakatiwalaan mo ay mapagkakatiwalaan mo talaga, minsan ang mga taong pinagkatiwalaan mo ay siya palang magta-traydor sa’yo sa bandang huli. Sobrang guilty ako, sana ay okay lang si Hiraya. Sana walang mangyaring masama sa kanya. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Paano ko kaya siya maco-contact? Sinubukan kong hanapin siya sa f*******:, i********: at twitter ngunit hindi ko naman siya mahanap. Marahil wala siyang social media o di kaya ay ibang pangalan ang ginagamit niya sa account. I am just hoping for the best. “Ano nang update para sa event bukas?” “Ms. R,” mahina at nag-aalangang sambit ni benj. Nababasa ko sa mukha niya na may masamang balita siyang dala. “Ano, kasi yung sa event bukas. Wala pang decoration sa venue ng church at reception.” “Ano? Paano nangyari iyon?” “Nagloko po yung supplier. Hanggang ngayon wala po akong mahanap.” “Paano na iyan? Bukas na ang event. Gusto niyo bang masira tayo?” Sumakit ang ulo ko. Halos lahat ay problema ang salubong sa akin pagkarating ko ng Maynila. “Bakit hindi mo sinabi ng maaga Benj!” Hindi ko rin inakala na gagantsuhin kami ng supplier namin. Ang tagal na naming kumukuha sa kanila ng materials, ngayon lang nagkaproblema ng ganito. “Akala ko po kasi makakahanap ako eh.” For the first time in history ay nagtatalak ako. Pero hindi naman umabot ng isang oras. Mga thirty minutes lang. Imbes na sayangin ko ang oras sa kakasatsat. Ginawan na lang namin mg paraan. Agad kaming nagtungo sa venue at sa reception. Kumuha kami ng mga extra na tao para tumulong. Kahit wala na akong kitain, huwag lang masira sa kliyente ko. Nakakapagod maghabol inabot na kami ng hatinggabi masiguro lang na ayos na ang decoration. At exactly 2:00 Midnight ay natapos kami. Sobrang pagod ang lahat. Naghalo na amg puyat, pagod at gutom. Nagsipag-uwian na kami sa aming mga kanya-kanyang tahanan. Kahit pagod na ako at puyat, hindi ko magawang matulog o ipikit man lang ang mga mata. Iniisip ko pa rin si Hiraya. Kung ano na ang nangyari sa kanya. Nag scroll akong muli sa sss ko at sinubukang hanapin siya ulit. Nabigo lang ako. Dahil wala talaga akong mahanap. Habang panay scroll ako ay biglang nag pop up ang messenger chat head ko. Isang mensahe ang natanggap ko galing sa Tita ko sa father side. Kapatid siya ng Papa ko na taga Bohol. Nagtaka ako dahil hindi naman iyon nagpaparamdam sa akin. “Magandang gabi pamangkin, si Tita Erlinda mo ito. Kumusta ka?” Nowadays, nakakakaba na ang salitang 'kumusta' lalo na kapag hindi mo close at laging nakakausap ang magchachat ng ganyan sa’yo. Hindi muna ako nag-reply, bagkos ay hinintay ko ang karugtong ng message niya. “Balita ko ay may sarili ka nang kumpanya. Mayaman ka na raw ngayon. Baka pwede naman makahingi diyan pantalpak lang sa online sabong.” Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo sa nabasa ko. Hindi pa nga humuhupa ang inis ko sa nangyari kanina, tila ginatungan pa nitong tita ko. Doon na ako nakapag-reply. “Tita, magandang gabi. Kumusta po kayo? Maayos naman ako at si Mama kahit nagkakaproblema lately. Pasensiya na po sa ngayon, wala po akong maibibigay. Medyo nagkaproblema talaga sa kumpanya ngayon kaya pasensiya na, hindi ko po kayo mapagbibigyan.” Siguro kung emergency pa, baka napagbigyan ko siya. “Napakadamot mo naman, porke ba nakaangat ka na? Hindi mo na kinikilala ang mga kadugo monsa father side mo?” Seriously? Bakit parang kasalanan ko? Napabuntong-hininga na lamang akl at napagpasyahang huwag na lang patulan. I closed my phone and just closed my eyes. What a day indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD