Rachel’s POV
SA sobrang enjoy ng mga kamag-anak ko sa mga pakulo para sa birthday ni Lola. Ngayon na ako nakaramdamn ng pagod. Naupo ako sa isang sulok para magpahinga.
Napasulyap ako kay Mr. Alonzo na abala pa sa pakikipag parlor games sa mga pinsan at tita ko.
Natatawa ako. Para rin siyang bata na inosente lang na naglalaro. Kanina pa siya doon. Lagi akong umiiwas sa kanya sa tuwing may pagkakataon na nagkakaharap kami. I still feel awkward, lalo na at hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko noong nalasing ako.
Si mama kasi, bakit ininvite pa eh!
Pero gaya nga sinabi ko, na maling akala nga at ginatungan naman ng isa.
But I still have to limit myself na maglalapit sa kanya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang banta sa akin ni Athena.
Ayokong masira ang Blushing Bride Wedding Services na siyang bumuhay at sumuporta sa pamilya ko.
At maging sa mga empleyado ng maliit kong kumpanya.
Pero ewan ko ba ha kung talagang nananadya itong si Mr. Alonzo dahil nandito na naman siya para echusin ako kahit todo iwas na nga ako sa kanya.
“Kumusta ang hangover Ms. Rachel?” he asked. At kung makaasta, parang close kami.
“Nang-aasar ka ba Mr. Alonzo?”
He laughed harder instead of apologizing.
“Naaalala mo ba ang nangyari kahabi?” tanong niya.
“Hindi. At ayokong malaman!” mataray ko na namang sagot.
“At saka, bakit ka ho ba narito?”
“Your mom invited me and it’s such a pleasure to get invited here. Your family is so cool,” natutuwang paliwanag niya.
At pumunta ka naman? Di man siguro baga imong nawong!
Pero sa loob-loob ko lamang iyon at hindi ko na sinabi pa.
Biglang nabakas ang lungkot sa mukha niya.
“I never had a family as big as yours, I only had my Mom.”
Ayan na naman tayo eh. Diyan magsisimula sa maaawa ako sa kanya at mafa-fall na na man ako.
“Achi!”
Patakbong sumisigaw ang pinsan kong si Margaret papunta sa amin. “Hali kayo maglaro kayo.”
Hinablot niya kaming dalawa ni Mr. Alonzo. “Anong laro?” kunot-noo kong tanong.
“Paper dance.”
“Ano?”
“Huwag na maarte. Kulang ng players.”
Ang bilis ng pangyayari. The next thing was, nasa gitna na kaming dalawa ni Mr. Alonzo.
Napansin ko pa na yung mga katunggali namin ay mga pinsan kong may mga asawa na. Apat silang magpapares.
Si Ate Kara at Kuya David.
Si Ate Janice at Kuya Bruno.
Si Annie na mas bata lang sa akin ng isang taon at asawa niyang si Gino.
“Binuang na sad ni ba!” angal ko.
Pinagti-trip-an na naman ako ng mga pinsan ko.
Naghiyawan naman ang mga pinsan ko.
Nagsimula na ang larong paper dance.
Isang buong lumang diyaryo ang nakalatag sa sahig.
Nagsimulang magpatugtog ng music. At ang kantang pinatugtog nila ay 'Habang buhay' ni Zack Tabudlo.
Medyo mabilis din naman ang tempo ng kanta pero pang love song talaga ang mensahe nito.
Pangkilig.
At ang pangmalakasang steps namin ay ang sway, clap, sway.
Ngising ngisi si Mr. Alonzo, nahahawa tuloy ako at napapangisi na rin.
Sa unang pagkakataon ay tumigil ang music.
And my body responded to its reflexes. Agad akong umapak sa diyaryo at siya rin. Dahilan para magtagpo kami sa kalagitnaan. Mga nasa 1/4 meter lang ang pagitan ng mga mukha namin.
Muling pinatugtog ang kanta at muli kaming lumabas sa diyaryo. Clap and sway again.
Parang bumabagal ang ikot ng mundo.
Nakatingin lamang ako sa kanya.
Parang humihiwalay na ako sa mundo.
At napabalik lamang ako sa huwisyo nang naramdaman ko ang bisig niya sa baywang ko. Kasunod ay kinabig niya ako palapit sa kanya at napaapak na ako sa kalahating nakatuping diyaro.
Halos 1/3 meter na lang ang pagitan ng mga mukha namin ngayon.
Ang lande mong pisti ka!
Sabi ko sa isip.
I really hate how his eyes flirt with me.
Iniwas ko na lamang ang tingin sa kanya para hindi na ako ma awkward.
Wala pang nai-eliminate sa amin.
Muling tumugtog ang music at sumayaw kami ulit. Tinupi nang muli ang diyaryo.
Same scenario pa rin. Hanggang sa nakatupu na ang diyaro ng tatlong beses.
Isang paa na lang ang pwedeng magkasya, pwedeng dalawa pero dapat ay magkayakap ang magkapares.
Pwede rin tumuntong ang mas magaan sa paa ng mas mabigat at kung halos magpakarga.
At ang napili niya sa choices ay ang kabigin akong muli at ikulong sa malawak niyang bisig. Sa liit ko ay para akong batang mabilis lamang na nakarga niya at nalapag sa magkapatong niyang mga paa. Napaapak na lamang ako sa shiny shoes niya. Shems!
Huwag niya sanang maramdaman ang abnormal na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang dikit ng dibdib ko sa kanya.
Laro lang naman ‘to okay? Walang malisya sa kanya.
Minsan nga ay gusto ko na lang magpatalo para matapos na. Pero napaka competetive din nitong si Mr. Alonzo. Tatlo ang nalagas sa round na ‘to. Tanging sina Ate Janice at kuya Bruno na lang ang natira.
Medyo malaki si Ate Janice kaysa kay Kuya Bruno, kaya I doubt if makakaya siyang kargahin nito.
Not unless, kung ang strategy nila ay si Kuya Bruno ang kakargahin ni Ate Janice.
“Sabi ko kasi sa’yo palangga mag diet ka na!” kumento ni Kuya Bruno kay Ate Janice. Hinampas naman siya ng huli.
Natawa na lang kami.
Kabado tuloy ako. Hindi ko nga mawari.
Napakaliit na lang ng diyaryo. Tanging ang pagtingkayad na lang ang tangin paraan para makatayo ang isa sa diyaryo. Nagulat pa ako nang tanggalin ni Mr. Alonzo ang leather shoes niya at nagpaa na lamang ito.
“Talagang seryoso ka?” kumento ko sa kanya.
“Competitive tayo eh,” sagot niya.
And the moment of truth. Muling pinatugtog ang music. Tapos ay nag clap and sway ulit kami.
Parang gusto ko na nga lang magpatalo hayaan ko na lang. Tama, hindi na ako mag eeffort para madisqualify kami.
“Ahmmmmp!”
Iyon na lamang ang nasambit ko nang muli niya akong hinatak at walang kagatol-gatol na kinargang muli ng bridal carry style.
Nagkatitigan na lamag kaming dalawa ni Cali. Parang tumigil ang mundo nang muli ko siyang tinitigan sa mga mata.
Can I just seize this moment?
“Yuhoo! Panalo na sina Ate Achi!” sigaw ni Margaret.
Saka lang namin nabalingan sina Ate Janice na hindi nakapasok sa diyaryo dahil nabuwal silang dalawa ni Kuya Bruno.
Habang karga-karga ako ni Mr. Alonzo ay pinasabugan nila kami ng confetti.
Para tuloy kaming bagong kasal. Shems! Naka white dress pa man din ako.
“Pwede mo na akong bitawan. Sabi ko sa kanya.” Ewan ko ba pero hindi ko na matanggal yung elemento ng pagsusungit sa tuwing magbibitiw ako ng salita sa kanya.
Kalaunan ay naging abala na ang ibang kamag-anak ko sa pagvi-videoke. Kaya nilubayan na nila ako at si Mr. Alonzo.
Nasa isang sulok lang ako at humihiling na sana ay magkusa na lamang siyang umalis. Ayoko naman siyang itaboy dahil hindi naman din mabuti iyon.
Ayoko lang kasi na malaman ng fiance niya na narito siya sa bahay namin.
Alas sais na yata ng gabi nang magpasya si Mr. Alonzo na magpaalam.
Una ay kay Nanay Lucing at kay Mama.
“Uy, unya ra, kay manihapon usa ta,” pagpipigil ni Mama sa kanya. Sabi niya ay doon na lang din daw maghapunan si Mr. Alonzo.
“Naku hindi ha ho. May aasikasuhin din po kasi ako,” pagtanggi naman ni Cali.
“Ma, hayaan niyo na. Busy na tao kasi si Mr. Alonzo,” paggatong ko pa para lamang mapauwi na nang tuluyan ito.
“O siya sige. Achi, ihatod didto sa gate,” utos ni mama sa akin.
“Ma naman, kaya naman niyang lumabas mag-isa ah?”
“Oy, ayaw pag ingon ana ha. Wala tika gipadako nga walay batasan,” saway sa akin ni mama. Sabi niga huwag daw ganoon ang asal ko dahil hindi niya ako pinalaking ganoon.
Wala akong ibang nagawa kundi sumunod na lamang. Sinamahan ko siya sa gate at doon nga ay nagkaroon muli kami ng pagkakataon na makapag-usap.
Usap tungkol sa kasal nila period.
Nang makarating na kami sa sasakyan niyang naka park ay tumalikod namam ako agad.
“Miss Rachel!” tawag niya sa akin.
Muli ay napaligon ako at hinarap siya.
“Ano iyon?” walang emosyon kong sagot.
“Totoo ba yung sinabi mo kagabi?”
Bigla tuloy lumabas sa paningin ko lahat ng formula sa calculus dahil sa tanong niyang iyon. Hindi ko na talaga maalala.
“Ano bang sinabi ko?” taas-kilay kong tanong.
At wala namang kagatol-gatol na sumagot siya.
“Na mahal mo ako.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Si–sinabi k-ko iyon?” pagkukumpirma ko.
Dear lupa, pls lamunin mo na ako ngayon. As in now na!