Cali's POV
HINDI ako talagang umiinom pero naisipan ko lang daanan ang kababata ko noon na si Pocholo. Dati naming kapit-bahay noong naninirahan pa kami ng namayapa kong ina dito sa Cebu.
May-ari na siya ng isang high-end bar ngayon. Honestly, hindi talaga ako mapapapasok sa mga ganitong lugar, kaya lang ay mahirap tanggihan ang imbitasyon mula sa isang kaibigan na matagal nang hindi nakikita. Well, the place is still decent though. Maingay nga lang at puro nag-iinuman ang mga tao rito.
“Inom ka lang diyan bai. Sagot ko lahat ng drinks mo,” pag-aalok ni Pocholo sa akin. Nakaupo kami ngayon sa isang couch na may maliit na table at nakalapag na iba’t ibang klase ng inumin. May wine, champagne, whisky at vodka. Meron pang tequila.
“Hindi talaga ako umiinom bai.”
Maybe a root beer will do, kaya iyon na lamang ang pinaorder ko.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Goodboy image ka pa rin hanggang ngayon.”
Napabungisngis ako at naalala ko ang nakaraan. Totoo nga naman, sobrang bait ko dati at si Pocholo naman ay pasaway. Lagi akong napapalo kapag kasama ko siya dahil lagi ako nitong sinasama sa kalokohan.
But my mom didn’t let me become barumbado.
She was a disciplinarian. Teacher kasi siya noon.
I just suddenly missed my mom.
Iginala ko ang paningin sa paligid.
Wala namang kakaiba kundi halos lahat ng naroon ay nag-iinuman at lango sa alak.
I was about to get back my attention to talking to Pochollo when somebody caught my attention from the bar table.
I saw a familiar face, wearing a pink short sleeved dress and has a ribbon headband on her hair.
At hindi ako pwedeng magkamali.
It was Ms. Rachel Hermosa. Napatayo ako at nilapitan siya.
“Ms. Rachel? What are you doing here?”
Naaalala ko kanina, ang sabi ni Anja ay natuloy na siya papuntang Manila. Pero bakit nandito siya ngayon?
Pilit iniiwas ni Ms. Rachel ang tingin sa akin. Naupo naman ako sa katabi niyang bakanteng high chair.
“Ah, wala. Nagchi-chill lang ako rito.”
“Mag-isa?”
“Of course not! I’m boy hunting!”
Napa wow ang reaction ko. “for real? I didn’t know na mahilig ka pala sa ganito.”
“Ano ngayon? May problema ka?”
Biglang mataray na siya ngayon, ibang-iba sa Ms. Rachel na Wedding planner namin at sa nakilala kong Ms. Rachel sa isla.
“Ah, wala naman. But seriously...”
I looked around first before I continued what I was saying. The place isn’t just safe for a lady like her. This place has many devourers just waiting for their prey. “But can I just be your date tonight?” I asked her.
Napakunot ang noo niya at napatingin sa akin. “Pwede ba? Huwag mo akong landiin. Ikakasal ka na di ba?”
I think the reason why she is blunt is because she is a little bit tipsy. Naaamoy ko na ang alcohol sa hininga niya.
“Don’t get me wrong but, I am just concerned about your—”
“You don’t have to act concerned okay?” she cut me off.
Walang anu-ano ay tumayo siya sa kinauupuan at akmang aalis na.
“Iniiwasan mo ba ako Ms. Rachel?” I finally had the guts to ask. Because I can sense lately na tila umiiwas nga siya sa akin.
“Mr. Alonzo, just leave me alone,” aniya at tunalikod na.
“May problema ba? Tell me!”
Hindi na ito lumingon at patuloy nang lumakad palayo. Nilamon na siya ng kumpulan ng mga tao at hindi ko na nakita kung saan siya pumunta.
I went back to where Pocholo was and seated. We continued chatting. Pero hindi mawala-wala ang isip ko sa kung nasaan si Ms. Rachel.
I am hoping that she is just fine in the corner, or much better if she just went home.
Lumipas na ang isang oras. I felt that I needed to pee so I went to the comfort room.
Nagtungo ako sa men’s CR at ako lamang mag-isa roon.
Sa kalagitnaan ng pag-ihi ko ay may grupo ng mga kalalakihan ang pumasok sa loob. Mga nasa lima katao yata sila. Tila mga nasa late 20s na rin ang mga edad.
“Pare, there is a girl over there, Luis is taming her right now,” sabi ng isang lalaki.
“Yo, pare. Ulam na this.”
“Ano itsura pare?”
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Nagsimula nang ilarawan ng isang lalaki ang sinasabing babae.
“Maganda, makinis, yung naka pink na dress taspos may ribbon sa ulo.”
Agad akong naalarma nang maalala ko ang suot na damit ni Ms. Rachel.
Doon na ako nag interrupt. “Excuse me? What are you trying to do?” tanong ko.
Tinapunan nila akong lahat ng masamang tingin. “Bakit ha? Anong pakialam mo?”
“Pare, gusto yatang makatikim!”
Inunahan ako ng suntok ng isang lalaki at nagawa kong ilagan iyon.
Hindi ako umaatake, bagkus ay umiilag lang ako sa sunod-sunod na pag-atake ng limang lalaking iyon.
This time ay ako naman ang gumaganti.
Nakipagbardagulan ako sa limang lalaki na iyon at napatumba ko sila.
If there is one thing na natutunan ko kay Pocholo. Iyon ay ang pakikipag-basag ulo niya na nadadamay ako. And I have no choice but to defend myself.
Isa-isa nang nakahiga ang mga kumag sa sahig. Nagpatawag na rin ako ng bouncer at dali-daling hinanap si Ms. Rachel. I need to find her real soon dahil baka kung ano na ang ginagawa ng mga lalaking iyon sa kanya.
I have search around and it was real hard dahil sa dami ng tao. Para akong naghahanap ng karayom sa malawak na dagat.
Matapos ang ilang minutong pagsuyod sa buong lugar ay natagpuan ko siya sa isang couch sa dulong pwesto ng bar.
The woman leaning on the couch who is now dizzy and is about do be devoured by a predator is non other than.
Ms. Rachel.
Agad akong napatakbo palapit sa kinaroroonan niya.
“May problema ka ba?” sita ko sa lalaki saka hinawi ang pagkakahawak sa balikat ni Ms. Rachel.
“Sino ka ba ha? Pakialamero ka ah!” asik nito. Ipinorma pa nito ang kamay na tila ba ay gusto akong suntukin.
“I’m her boyfriend. May problema ka do’n?” I replied with full authority.
I need to say it for me to have the consent over her. Para tuluyan na rin siyang lubayan ng lalaki.
At sa tingin ko ay effective naman dahil nag back-off siya. Good thing, at hindi ko na kailangan pang gumamit ng dahas.
“Sorry pare,” he said raising his hand.
Lumayas na ang lalaki at bumaling naman ako kay Ms. Rachel.
“Ms. Rachel? Ms. Rachel can you hear me?” I called her out. And she was slepping like a log.
“Rachel, wake up.”
Hinahaplos ko pa ang pisngi niya pero walang response.
“Bai, anong nangyayari? You need help?”
Lumapit na si Pocholo sa amin. “Hindi bai, kaya ko na ‘to. Could you just let me use your personal CR here?”
Pocholo was quick to direct me to his personal comfort room right inside his office.
I carried her like a bride all the way to the comfort room and laid her in the bath thub.
“Rachel, gumising ka please!”
Tumakbo ulit ako palabas at kumuha ng isang bucket ng yelo. Dali-dali akong bumalik at pinaliguan ko siya ng malamug na tubig na may kasamang yelo.
At doon nga ay nahimasmasan na siya.
Naghahabol siya ng hininga.
Sa tingin ko ay nahimasmasan siya nang kaunti. Ngunit lasing pa rin.
“Cali?” aniya nang mapagsino ako.
Pagkatapos ay humagolhol siya ng iyak.
“Cali....” she called my name then sobbed. “Cali I’m sorry!”
“No, it’s okay. Just fixed yourself.”
“No. I’m sorry Cali,” she kept on insisting.
“I’m sorry kasi minahal kita!”
Napapitlag ako sa sinabi niya. “I’m sorry Cali kasi mahal kita! Mahal kita Cali!”
She cried so hard and she kept on saying those words repeatedly.