CHAPTER 20

2068 Words
Rachel’s POV. “PERO bago ka po kumanta, pwede mo bang i-share sa amin kung para kanino yung kanta?” ani ng Emcee. At, kailangan may gano’n? Hindi ba pwedeng kumanta lang? Tumikhim muna ako bago nagsalita na nakatapat ang mic sa bibig ko. “I dedicate this song to my ex-boyfriend whom I haven’t seen for a long time.” Naghiyawan ang mga taong naroon. At mas lalo tuloy akong na-pressure. Nagsimula nang tumugtog ang banda at mas lalong na-ignite ang mga taong naroon. Handang sumabay sa pagkanta ng isang kantang pamilyar sa lahat. Bisan pa, by Phylum. “Dili sayon, ang hikalimtan ka. Hangtod karon, ako nagpaabot pa.” Sabi ng unang linya, hindi madaling kalimutan ka. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako. Wala naman kasi kaming naging closure sa isa’t isa. And to give him the benefit of the doubt. Maybe he is just somewherr being detained or trapped kaya hindi siya makabalik. Sinubukan ko rin namang hanapin siya, pero sadyang hindi ako nabigyan ng magandang kapalaran. Lagi akong bigo na mahanap siya. Baka naman din siguro, kaya hindi natin mahanap dahil ayaw talagang magpakita. Naitawid ko naman ang kanta so far. “Oh, sino pa dyan ang gustong kumanta?” Tahimik ang lahat at tanging isang boses lamang mula sa likod ang nagsalita. “My friend!” Lahat kami ay napatingin sa kung sinumang taong nagsalita. Napako ang atensiyon naming lahat patungo sa dalawang lalaki na nakaupo sa likurang bahagi na table. Parang matutumba yata ako sa gulat nang mapagsino ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Iyon pala ay si Niccolo na kaibigan ng husband ni Ciara. At ang isa ay si Mr. Alonzo! Paanong nandito siya? Bakit? Why? Tinutulak siya ngayon ni Niccolo patungo sa stage. Dahan-dahan at medyo nahihiya siyang lumapit sa harapan ngunit nananatiling nakangiti. Nang makalapit na siya sa stage ay agad naman akong napaatras at akmang bababa na sa platfrom ngunit... “Karon na gurl. Ayaw sag lakaw!” pagpipigil sa akin ng emcee. Wait lang gurl. Huwag ka munang umalis. Iyon ang sinabi niya. “Uy, parang bagay. Bakit hindi kaya kayo mag duet?” suhestiyon ng emcee na naging dahilan ng hiyawang ng mga taong naroon. Hays OMG! Game na game naman itong si Mr. Alonzo. Lumapit ito sa akin at bumulong. “Ano bang alam mong kanta?” Kung malicious minded akong tao, siguro iisipin kong malandi at pa fall itong si Mr. Alonzo. Pero baka naman friendly lang talaga siya. “Ano, bisaya song,” nate-tense kong sabi. “Balay ni Mayang,” alistong sagot niya. Napatawa ako nang bahagya. “Game!” tugon ko naman. Masaya ang kantang napili niya. Ang cute ng lyrics at sigurado akong ma-eenjoy ng mga tao ang performance. Binulungan niya ang musicians at nagsimula na nga itong magpatugtog. “Akala ko ba nasa Manila ka na.” Chinika niya muna ako habang naghihintay na matapos ang intro. “Ah, ano, na cancel yung flight ko,” pagdadahilan ko na lamang. Agad ko namang pinasukan ng unang linya ng kanta. Anhi-a ko diri sa balay, kay gimingaw na ko nimo gamay. Hindi ko maitago ang ngiti habang kinakanta ang lyrics. Ang kanta kasi ay isang uri ng sagutan mula sa isang babae at lalaki na magkasintahan At nami-miss nila ang isa’t isa. Gusto ng babae na papuntahin ang lalaki sa bahay nila para mag cuddle at magkasama. Ganoon lang kababaw ang kwento ng kanta pero napaka catchy ng tono. Nakiki-jive na rin ang audience sa aming duet. Ang ganda rin pala ng boses ni Mr. Alonzo. Natapos namin nang matiwasay ang kanta. Naghiyawan ang audience at maging ang emcee ay nagsimula na ring manukso. “Ay, bongga! In fairness ha! Bagay jud kaayo sila ba! Noh?” Ang sabi ng emcee, bagay daw talaga kaming dalawa ni Mr. Alonzo. “Basin pa diay no? Magkadayon niya sila puhon tungod lang aning ilang duet.” Baka raw magmatuluyan kami dahil sa duet namin. “Ay hindi! Hindi. Ikakasal na siya ha!” mariin ko namang pagtutol. “Ay, mao ba? Awwww. Sayanga gud!” Bago paman lumayo ang kantiyawan na ‘to ay napagpasyahan ko nang bumaba sa platform. “Sandali Ms. Rachel...” Narinig ko pa ang pagpigil ni Mr. Alonzo sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa at hinila ko na si Anja palabas ng resto. Umuwi na kami ng bahay pagkatapos niyon. KINABUKASAN, Wala namang masyadong ganap para sa kasalan, kailangan ko lang maglista at mag estimate ng budget for them, kaya naging abala naman ako para sa preparations ng 80th Birthday ni Lola. Of course, I have to make it extra special. Para ano pa’t naging wedding planner ako? Matic na event's planner nanrin. Kaya para sa 80th year ng aking lola, I will give the best shot. Tanghali na at abala pa rin kami ni Anja. Sa makalawa na ang party kaya abalang-abala kami, sa katunayan ay isa-isa nang magsisidatingan ang iba ko pang mga pinsan. Hindi ko naman inaasahan na sa mga oras na iyon ay mayroon among mensaheng matatanggap. Binuksan ko iyon at tiningnan ang nilalaman na mensahe. Hi this is Athena Abellana, your client. Can we meet at our home at 7pm? Napakunot-noo ako. Ano bang kailangan niya at gusto niya akong papuntahin sa bahay nila? Para malaman ko ang sagot sa tanong niya, I decided to dial her number and called her. “Hello Ms. Rachel!” she greeted. “Good afternoon Ms. Athena, may I know if there is a problem?” I asked. I heard her laughed softly. “Oh nothing. I just wanted to invite you for a dinner at our home tonight. Are you available?” “Ahm...” Iyon lamang ang nasambit ko. I’m still buying time on what to answer to her. “Okay po. I’ll come.” Ang bilis makapag-decide ha? Eh kasi naman, ako yung tipong minsan hindi makatanggi sa mga ganyang pagyayaya. Ayoko kasing lumabas na bastos or feelingera para tumanggi-tanggi. “Good. See you later. Bye!” Pinatay na nito ang tawag. KINAGABIHAN ay nagtungo nga ako sa mansiyon ng mga Abellana. Napakalaki at napakagara ng bahay nila. Parang palasyo. Well, paano nga bang hindi? Ang ama ni Ms. Athena lang naman ang Gobernador ng Cebu. Si Arturo Abellana. Kilala ko naman ang pangalan ni Ms. Athena, pero hindi ako pamilyar sa mukha niya. Sa gate pa lang, napakahigpit na ng security, pinaiwan pa yung ID ko bago ako papasukin. Kinailangan ko pang ipakita ang text message ni Ms. Athena sa akin dahil inuusisa pa kung ano ang kailangan ko sa bahay na iyon. Nang makapasok na nga ako ay sinalubong ako ni Ms. Athena at giniya patungo sa dinning nila. Para lang talaga akong nasa 5-star hotel ng mga sandaling iyon. Tapos, para pang fancy fine dinning ang set up ng hapag-kainan. I can’t feel that something is off between this dinner set-up. Everything is normal naman so I stopped overthinking. Kanina pa rin paulit-ulit na sinasabi ni Ms. Athena that she is just thankful for my efforts on her wedding preparation. Baka sadyang ganoon lang siya magpasalamat. Mangti-treat ng dinner di ba? Coz why not? Na-eenjoy ko na ang pagsipsip sa masarap na juice na ni-serve sa akin. Ang sarap nga ng mga pagkain, imagine dalawa lang kaming kumakain pero ang nakahain na pagkain ay pang buong pamilya—iba-iba pa ang putahe. Kaya lang ay lugi ako dahil maliit lang talaga ako kumain. Habang kumakain kami ay kung anu-ano lang din ang tinanong sa akin ni Ms. Athena, tungkol sa buhay ko at career. At nagshi-share din siya tungkol sa kanilang dalawa ni Mr. Alonzo. Hindi ko naman maiwasang sumagi sa isip ko ang nasaksihan ko sa hotel noong isang gabi sa tuwing kinikilig siyang nagkukwento sa mga moments nila ni Mr. Alonzo. Mayamaya pa ay naramdaman kong naiihi ako kaya naisipan kong magtanong kung nasaan ang powder room nila. Iyon ang tawag ng mayayaman sa common na CR ng guests. Medyo nararamdaman kong nahihilo ako ng kaunti. “Hmmm. Just go straight there then turn left, then go straight again and turn left for the last time,” ani Ms. Athena na nakalahad ang kamay sa isang gawi. Susmiyo! Baka maabutan pa ako habang naglalakad sa dami ng lilikuan. Sa laki ng bahay nila, baka maligaw nga ang kung sinumang bisita na pupunta rito. Tumayo na nga ako at lumakad patungo sa powder room, dahil baka nga maihi ako kapag hindi pa ako kumilos. Wala na nga akong masabi. Basta maganda lahat kahit hanggang sa CR nila. Nang mag-success na ako ay muli akong lumabas para bumalik sa dinning. Sa hallway na iyon ay mayroong daanan papunta sa kitchen. Napatigil ako nang marinig kong mayroong nagdidiskusyon sa banda roon. “You have to expedite the wedding bago pa mabisto ni Cali iyang dinadala mo!” mahina ngunit galit na galit na sambit ng Ama ni Ms. Athena na si Gov. Arturo. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko. At kung tama ang pagkakaintindi ko, ang ibig sabihin ni Gov. ay buntis si Ms. Athena at hindi si Mr. Alonzo ang ama? Napatakip ako ng bibig sa gulat at napaatras dahilan para masagi ko ang malaking flower vase na nasa gilid ko pala. Nagdala ito ng kaunting ingay at mabuti na lang ay hindi ko nabasag. Agad akong tumakbo at bumalik sa dinning table. Sinubukan kong kumalma at magpatay-malisya. Sumunod na bumalik si Ms. Athena at naupo. Ginawa ko ang makakakaya ko para hindi mahalata ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa natuklasan ko. “Ms. Rachel, I’m sorry. May pinuntahan lang ako. “Ah. Ms. Athena, magpapaalam na ho sana ako. Kailangan ko nang umuwi—” “Hmmm? Uuwi ka na? Hindi mo pa natatapos ang inumin mo.” Nagsimula nang lumabo ang paningin ko. At parang umiikot ang paligid. Nakita kong nakangisi si Ms. Athena. “Anong nilagay niyo—” At tuluyan na nga akong nawalan ng malay. ******* NANG magising akong muli ay nasumpungan ko ang sarili na nakaupo sa isang silya habang nakagapos. Tiningnan ko ang buong paligid at tila ba ay nasa isa akong basement base sa hagdan na nakikita ko. “Nasaan ako?” Takot na takot ako at pilit akong nagpupumiglas. Biglang sumagi sa isip ko ang ininom kong juice kanina. Iyon ba ang dahilan kung bakit ako nahilo at nawalan ng malay? Ibig sabihin ba nito ay kinidnap ako ni Athena Abellana? “Tulong!” Sumigaw ako at pilit nagpumiglas. Hindi ako tumigil hanggang sa maramdaman ko na ang mga kaluskos at bakas ng yapak na nanggagaling sa itaas. “Pakawalan niyo ako dito!” Dahan-dahang iniluwa nang kadiliman ng hagdanan ang mga taong nanggaling sa itaas. Limang kalalakihan na may malalaki ang katawan at huling bumaba ang nag-iisang babaeng kasama nila. Si Athena Abellana. “Ms. Athena, bakit mo ginawa sa akin ‘to?” tanong ko. She gave me an evil grin before she answered. Lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko. “Huwag ka nang magkaila sa akin Ms. Rachel. Alam kong alam mo na ang sekreto ko.” Marahas niyang binitawan ang pisngi ko at naghalikipkip. “Ikaw yung nakakita sa amin sa Hotel kung saan yung venue ng bridal shower hindi ba?” Natigilan ako at hindi nakasagot. “At ngayon, narinig mo pa ang pinag-uusapan namin ng Daddy ko.” Muli siyang pumantay sa mukha ko at tinitigan ako ng mata sa mata. “Kung gugustuhin ko, pwedeng pwede kitang ipapatay dito sa lugar na ito. At walang makakadiskubre ng nabubulok mong katawan.” Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang takot. Gabutil na rin ang pawis na tumutulo sa katawan ko. “Huwag, parang awa mo na Ms. Athena.” “Takot ka ba?” tanong niya saka tumawa nang malakas. Halos hindi na maampat ang pagtawa niya. “Joke lang Ms. Rachel. Wina-warningan lang kita.” Medyo kumalma ako nang kaunti sa sinabi niya. “Kapag nalaman ni Cali ang tungkol sa mga nalaman mo. Pababagsakin kita. Ikaw, ang negosyo mo, ang pagkatao at image mo. Tandaan mo iyan Ms. Rachel. So if I were you, I will spare myself and hindi na ako makikialam okay?” Marahan akong tumango sa kanya. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa kundi ang sumang-ayon na lang sa gusto niya. Nung araw ding iyon ay pinakawalan nila ako at inihatid pa sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD