Rachel's POV
“Yung totoo Ms. R? Bakit ka po ba masyadong affected?”
Natigilan ako sa sinabi ni Anja sa akin.
Bakit nga ba ako affected?
Nahuhulog na ba ang puso ko sa kanya?
“Baka hindi mo alam Ms. R, napapansin kong iniiwasan mo siya.”
“Oy, huwag kang imbento Anja ha!” depensa ko naman sa sarili. Napairap pa ako. “Busy lang ako kaya pinapaasikaso ko muna sa’yo ang pagpa-plano sa kasal nina Mr. Alonzo.”
“Busy ka because?” mapang-asar na sabi uli ni Anja.
“It’s a private thing,” sagot ko naman.
At nang-eechos pa talaga ang mukha ni Anja.
Mahinang napa buntong-hininga ako.
Sa totoo lang, kaya ako umiiwas dahil hindi ko siya kayang harapin. Nakokonsensiya ako. Alam kong niloloko lang siya ni Ms. Athena, pero hindi ko kayang sabihin sa kanya.
Wala ako sa lugar para magsabi. Wala akong karapatan, at hindi ako dapat makialam dahil cleint ko lamang sila.
Wedding planner lang nila ako.
Pero sa kabilang banda, Naiinis ako.
Nagagalit ako actually. Walang sinuman ang deserve na lokohin.
At nasasaktan din ako?
Yung pakiramdam na sana hiniwalayan na lang ni Ms. Athena si Mr. Alonzo kung may iba na siyang mahal.
“Ms. R, nandito si Mr. Alonzo,” untag sa akin ni Anja at napatakip ako ng mukha at dali-daling bumalikwas mula sa kinauupuan ko at naghanap ng matataguan.
“It’s a prank!” mayamaya ay sabi ni Anja. Nasa Menu tasting kami ngayon.
Alam ko naman na pupunta si Mr. Alonzo pero sabi, mamayang lunch pa raw ang flight pa Cebu. 8:00 A.M. pa lang ngayon and my plan is by 10, aalis na ako para hindi kami magpang-abot.
“Kapag nagtanong si Mr. Alonzo or si Ms. Athena kung nasaan ako, pakisabi bumalik ako ng Manila ha?” bilin ko kay Anja.
“Because?” Anito na ginaya pa si Kris Aquino.
“Sabihin mo, may importanteng inasikaso okay? O sige na. Ikaw na muna ang bahala rito.”
Nagpaalam ako kay Anja. At nung araw na iyon, umuwi na muna ako sa bahay namin.
Hindi naman talaga ako pupunta ng Manila.
Hindi pa nga sumasapit ang Birthday ni Nanay Lucing kaya ang ginawa ko ay nagmukmok na lang muna sa kwarto ko.
Mabubuang na ako! Hindi ako sanay na walang ginagawa. Hinahanap ng katawan ko ang trabaho.
Malapit nang mag 1pm at hindi pa ako bumababa sa sala para kumain. Kaya naman kinatok na ako ni Mama.
“Nak? Gising ka ba diyan?”
“Opo ma,” sagot ko naman sa kanya.
Pinihit niya ang door knob ng pinto at binuksan iyon. Hindi naman uso ang mag-lock sa bahay namin dahil safe naman kami.
Nanatili lamang akong nakahiga at nilapitan naman ako ni Mama.
“May problema ba?” Nag-aalala niyang tanong.
Naupo naman siya sa gilid ng kama. Bumangon na rin ako at naupo.
“Ma, paano kung nalaman kong nangchi-cheat yung Fiancee ng isang client ko? May karapatan ba akong magsumbong?”
Napakunot ang noo ni Mama. “Oy sino ba iyan ha? Aba. Way batasan pagkatawo na.”
Ang sabi niya, sino daw ang tinutukoy ko. At napaka walang hiya naman daw nito.
Alam ko na talaga kung saan ako nagmana.
“Alam mo kasi anak. Totoo naman na wala kang karapatang makialam dahil personal na buhay iyon ng kliyente mo. Pero alam ko rin na binabagabag ka ng konsensiya mo.”
Hinaplos ni mama ang likod ko at nagdala iyon ng magaan na pakiramdam.
“Sundin mo ang puso mo. Oo nga, lalabas na hilabtanon ka. Pero at least di ba nasabi mo doon sa tao yung totoo? Na save mo pa siya.”
Napabuntong-hininga ako. Tama naman si Mama pero ewan ko ba. Parang wala kong lakas ng loob para gawin iyon.
It's easier said than done. Ika nga.
Kinagabihan, dahil nga hindi ako mapakali sa bahay at mas lalo ko lamang naiisip iyon kapag nagmumukmok sa kwarto at nakatitig lang sa kisame. Naisipan kong maghanap sa google ng pwedeng mapuntahan dito sa Cebu para makapag unwind.
Shems! Turista lang ang peg.
Matagal na rin kasi simula nang umuwi ako rito at marami nang nagbago sa loob ng maraming taon.
Hindi nankagaya ng dati. May mga nawala at nagsara. At may bago namang nagbukas.
Parang love ba!
Hay naku! Kaya nga ito ang kumuha sa atensiyon ko sa kaka search ko nang ilang minuto.
Ang Bistro Bisgo.
Ang lugar para sa mga emotero at emotera.
Isa raw iyong Resto kung saan ay may live performances gaya ng kanta at Spoken word poetry. Kadalasan ay doon pumupunta ang mga brokenhearted at mga single na mahilig humugot.
Pwede rin kumanta doon ang mga costumer o di kaya ay magrecite ng spoken word poem.
Hindi naman ako brokenhearted pero gusto ko lang talagang mag maoy!
Alas siete ng gabi. Nagbihis ako at nag-ayos. Isang simpleng white crop top T-shirt at high waist jeans ang isinuot ko. Nagsuot naman ako ng white sneakers at sling bag. Nagsuot din ako ng cap na old rose ang kulay.
Niyaya ko si Anja para may kasama ako. At game na game namang sumama ang huli. Pagkapunta namin doon, swerte kami dahil kaunti lamang ang mga taong naroon.
Mga nasa sampu lang yata. At maliit lang din talaga ang lugar.
Ang ganda ng lugar. Nakaka-relax. Napaka aesthetic ng ambiance. It was a Nordic style interior.
Agad namang nag-take ng picture si Anja at ipinost pa ito sa i********: niya.
Nang dumating kami ay mayroong nagpe-perform sa platform na nasa center ng lahat ng tables. Parang mga singer iyon na nagtatrabaho roon.
Ang kinakanta nila ay mga Visayan Pop songs.
Manghang-mangha si Anja habang linapanuod at pinapakinggan ang mga bisaya songs na kinakanta ng performers.
“Ms. R, turuan mo talaga akong magbisaya. Ang ganda talaga promise.”
Sobrang mangha talaga siya, at napapatawa na lang ako.
Naka limang set sila bago tumigil at pagkatapos ay nagsalita sa madla.
“Meron ba dyan gustong kumanta?”
“Ay meron po!” Sigaw ni Anja na tumayo pa at kumaway-kaway para lang mapansin.
At nagtagumpay nga siya.
“Please come on stage Miss,” ani ng host.
“Ay, hindi ho ako! Ito hong kaibihan ko.”
Nanlaki ang mga mata ko. At gusto king lamunin na lang nang lupa nang ma-realize ko na nakatingin na pala lahat ng tao sa akin.
Parang na corner yata ako ah. At wala king choice kundi pumunta na lamang sa harapan.
“Go! go Ms. R! Wohoo!” ni-cheer pa talaga ako ng bruha.
Hindi naman ako mapapahiya kapag kumanta ako. Masasabi ko naman na may angking talento ako sa pagkanta.
Mayabang man pakinggan pero masasabi kong. I was born a singer.
But I was just joking though, never pa akong kumanta sa ganito karaming tao. Sa banyo lang, at kahit naman nagvi-videoke kami noon ay hindi talaga ako mapapakanta. So heto na nga magagamit ko na ngayon ang skill ko na itinago sa baul.
Napabuntong-hininga pa ako. Humarap sa mga taong nakatingin sa akin ngayon.