Cali’s POV
Ang daming problema sa office ngayon. Pero nandito ako ngayon sa Cebu. Tatlong linggo na lang ay gaganapin na ang kasal, at nagrereklamo na si Athena na lagi na lang daw akong wala sa tabi niya habang nag-o-organize ng wedding namin.
Maiintindihan naman siguro ni Dad kung bakit pansamantala kong iniwan ang kumpanya.
I wanted to stay here unti the wedding is done.
Mas lalo lang akong nai-stress sa mga pangyayari. Anyway, na settle naman na sa korte ang kasong isinampa ng mga magulang ng teenager na nadisgrasya sa escalator noong nakaraan. Nabisita ko na rin ito sa ospital. Medyo hindi maganda ang unang pagkikita dahil galit na galit ang mga magulang nito sa akin.
Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako titigil sa pagsuporta sa pangangailangan nito hanggang sa paggaling.
We are willing to pay the damages naman, kawawa rin kasi ang bata dahil kailangan niyang maipagamot at masuportahan hanggang sa gumaling.
Si Henry at Winston, galit na galit. Imbes magkampihan kami sa ganitong mga pagkakataon ay mas umiiral pa rin talaga ang pagkaganid nila sa pera kaysa sa dugo at laman. Sila pa ang nangungunang naninira sa akin sa TV.
Kung pwede lang sana mamili ng kapatid ano?
Pagkalapag pa lang namin sa Airport ay siya namang pag ring ng cellphone ko.
Tawag iyon mula da sekretarya ko.
“Sam? Didn’t I told you that I don’t want to be disturbed?” bungad ko sa kanya bago pa man siya nakapagsalita.
“Sir, nagpatawag ho kasi ng boar meeting si Sir Henry. Tungkol ho sa pagpalatalsik sa inyo sa pwesto—”
“Gano’n eh di ipatanggal nila kung gusto nila. Nakakapagod sila,” medyo naiirita ko nang sagot kay Samantha.
“Hayaan mo sila. Wala rin silang magagawa kapag si Dad ang mag-decide.”
I dropped the call and I don’t have plans to cancel my plans for the coming days.
Dad wanted to pursue this wedding because it will somehow benefit the company. Kaya kampante akong sasanggain niya kung anuman ang maging usapan ng board ngayon.
Isa pa, may pinaiimbestigahan ako kay Sam sa ngayon. Iyon ay tungkol sa mga unexplained expenses ng company.
Pinapa-trace ko kung saan napunta ang mga iyon. Malakas ang kutob ko na si Kuya Henry ng may kagagawan niyon.
Kailangan ko lang talaga ng proof.
Pagkaalis ko ng airport ay sumakay ako ng taxi papunta ng Hotel.
Habang binabaybay ang syudad ng Cebu ay sumasagi sa isip ko ang gunita ng kabataan ko.
Noong simple lang ang buhay at magkasama kami ng aking ina.
Nakatira kami sa isang simpleng barong-barong sa isang kumunidad kung saan simple lamang ang buhay ng mga tao.
“Calixto!”
Maririnig sa buong kapit bahay ang boses ng mama ko sa tuwing hahanapin niya ako halos dikit-dikit lang kasi ang mga bahay doon at agi kasi akong nasa bahay nina Pochollo, halos hindi na ako umuwi maghapon.
“Maaaa!” ganito lagi ang sagot ko kapag maririnig kong tinatawag niya ako.
“Unsa man, dili na ka mukaon?”
Kakaripas na agad ako ng takbo kapagka nagsimula na siyang maging armalite sa kakatalak.
Kasi, kapag hindi pa ako umuwi sa unang tawag niya, pupuntahan na niya ako na may dalang hanger o di kaya ay
Sinturon.
At sa tuwing papasok ako doon sa bahay namin, nakahanda na ang pagkain sa mesa at kakain na kami.
Lagi pa nga niyang sinasabi. Umuwi daw ako kapag oras ng pagkain, huwag daw ako makikisalo sa ibang bahay dahil mayroon naman daw akong ina na naghahanda ng pagkain. Ayaw niyang isipin ng mga taong pinababayaan niya ako.
Pipitikin niya ang kamay ko kapag kukuha na ako ng pagkain.
“Oh, may nakalimutan ka yata?” sita niya.
“Pray first...” masigla ko namang sagot sa kanya.
“Dear God, thank You po sa masarap na pagkain namin. Amen.”
Lagi kong sinasabing masarap ang pagkain namin kahit tuyo at bagoong lang ang nakahain. Basta magkasama kami ni mama, masaya na kami.
Tinuruan ako ni mama ng tamang asal. Ng tamang pag-uugali at kung paano dapat tratuhin ang isang babae.
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga aral na kanyang itinuro.
“Ang mama ko, ang paborito kong teacher!” iyon ang lagi kong sinasabi sa school kung saan din nagtuturo ang mama ko.
Lumilipas ang mga araw. Napapansin kong unti-unting pumapayat ang mama ko. Tumatamlay ang kanyang mukha at maputla ang kanyang mga labi. Minsan tinatanong ko siya pero lagi niyang sinasabi na okay lang siya.
Pilit pa siyang ngumingiti para lang ipakita sa akin na hindi ako dapat mag-alala.
Araw-araw din ay nakikita kong nalalagas ang kanyang buhok.
Isang araw, habang ako ay aliw sa paglalaro sa bahay nina Pochollo ay hindi ko narinig na tinawag ako ni Mama para mananghalian.
Hindi ko iyon inalintana, sa halip ay itinuloy ko lang ang paglalaro. Nakisalo pa ako sa pagkain nina Pochollo dahil inalok ako ng mama nito.
Lumipas na ang gabi. Hindi pa rin ako tinatawag ni Mama para maghapunan.
Napagpasyahan ko na lang na umuwi.
Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko si mama na nakahandusay sa sahig.
Tumakbo ako patungo sa kanya at inalog siya para gisingin.
“Mama?”
Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Sinlamig ng yelo ang kanyang balat at wala rin akong maramdaman na hininga mula sa kanya.
“Mama, gising! Nandito na po ako!” sabi ko habang inaalog siya.
Ngunit kahit anong tawag ko ay hindi na siya sumasagot. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na magigising ang mahal kong ina.
Kaya pala ay hindi niya ako tinawag para mananghalian. Kaya pala kahit hanggang hapunan ay hindi niya ako hinanap.
Kaya pala hindi na niya mapapatunayang hindi ako pinababayaan. Dahil tuluyan na niya akong iniwan. At kahit kailan hindi ko na maririnig pa ang pagtawag niya sa akin.
Isang butil ng luha ang tumulo sa mga mata ko habang inaalala iyon.
Habang nakaburol ang aking ina. May dumating na isang convoy ng mga sasakyan sa lugar namin.
Isang grupo ng mga nakaitim na lalaki. Kasama ang amo nila na isang lalaki na matikas ang katawan. Lumakad ito na tila ba nakakakilabot sa aking paningin. Nakaitim silang lahat.
Lumapit sa akin ang lalaki at hinawakan ako sa ulo.
“Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng mama mo,” aniya.
“Sino po kayo?” tanong ko.
Sa halip na sumagot ay nginitian niya ako. “Kay tagal kitang hinanap anak.”