CHAPTER 17

1080 Words
Rachel’s POV KINABUKASAN, pagkatapos ng party ay nagtungo ako sa venue para i-check at ipalinis na rin ang mga decoration. Bago ako umakyat sa room ay tinanong ko muna ang receptionist kung nakapag check out na ang guests sa room 405. “Ma’am, everybody has checked out except the bride and Mr. James Cruz,” pahayag ng receptionist. Napakunot ang noo ko, at kung saan-saan na umabot ang isip ko. Paanong hindi nag check out? Bakit? Medyo hindi maganda ang pumapasok sa isip ko at huwag naman sana akong tamang hinala. Sana mali ako sa iniisip ko. Huwag judgemental kamo! Pagkarating ko sa mismong room ay nakita kong nakabukas ang pinto ng hotel room na mala condo style kung saan ginanap ang bridal shower kagabi. Nasa tapat na ako at napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto. Marahil ay naiwan itong nakabukas ng huling bisita na lumabas. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Dala-dala ang kaba sa puso ko. Pinasok ko na ang room. Bumungad sa akin ang napakaraming kalat. Mga lata ng beer, chips na natapon at confetti. Parang wild party ang naganap kagabi. Napasapo ako ng noo. Mayamaya pa ay tinungo ko ang isang kwarto na naroon sa hotel room. Mas lalong tumindi ang kaba ko sa dibdib. Lumakad ako patungo sa roon at akmang bubuksan ko na ang pinto ngunit napatigil ako sandali. Tama ba ang ginagawa ko? Hindi ba’t nang-iinvade na ako ng privacy? Pero sadyang may nag-uudyok sa akin na buksan ito. And I follwed what my heart says. Binuksan ko na ito nang bahagya at pagkasilip ko ay ikingulat ko ang nakita ko. Agad kong naisara ang pinto at napatakip ako ng bibig. “Who’s there?” narinig kong tanong ng boses ng babae. Agad akong tumakbo palabas ng hotel room at sa kabutihang palad ay hindi naman nila ako naabutan. Hindi ako makahinga, at parang hindi ko kaya ang nakita ko. Nakita ko si Ms. Athena, kasama ang lalaki sa isang kama na natutulog. Tanging ang kumot lamang ang nakabalot sa kanilang mga katawan. Umuwi ako sa bahay noong araw na iyon. Halos hindi ako makakain, nasusuka rin ako at sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit magpapakasal si Ms. Athena kay Mr. Alonzo gayong mayroon naman siyang ibang gusto? Hindi ko kinakaya. Ito na yata ang napaka stressful na Wedding na pinaplano ko. Masyado akong na-iinvolve sa personal na buhay ng mga kliyente ko. Dati wala naman akong pakialam pero bakit ngayon sobrang dinadamdam ko? Yung feeling na nasasaktan ako para kay Cali. Oo Cali, bakit ba? Magpapaka epokrita pa ba ako sa sarili ko? Yung ayaw ko naman pero nararamdaman kong I care for him. “Naku, Achi! Ang gaga gaga mo! Huwag... Huwag mong subukan, masisira ang buhay mo.” Huwag kang ma-i-in love sa taong ikakasal na. Paano nga kapag niloloko siya? Halos magpagulong-gulong na ako sa kama. Minsan para na akong si Sadako na nagkakanda buhol na ang katawan dahil para akong bulateng naasinan. Hindi ko ma kontrol ang emosyon na nararamdaman ko. Feeling ko ay sasabog na ako anytime. “Hindi ako in love okay? Concerned lang ako sa tao kasi... Kasi ang bait niya. Hindi niya deserve na lokohin.” At walang sinuman ang deserve na lokohin. Kahit sa maikling panahon ay nakilala ko rin naman si Cali. Alam kong mabuti siyang tao at mapagmahal. Sobrang sayang lang. Sana naiisip ni Ms. Athena na isang ginto ang kanyang sinasayang. Mabubuang na talaga ako kapag hindi ako makahanap ng kausap, kaya naman naisipan ko nang tawagan si Ate Gracia. My one call away ate na takbuhan konsa tuwing kailangan ko ng advice. “Oh, napatawag ka?” bungad ni Ate Asyang sa akin. “Eh kasi, may chika ako.” “Ano iyon?” At iyon nga. Sinabi ko na ang kwento ko kay Ate Gracia. “Alam mo Achi. Hayaan mo sila na sila ang makadiskubre niyan, huwag ka nang makialam. Kliyente mo lang sila at wala kanna doon sa personal nilang problema.” Iyon ang naging payo ni Ate Asyang sa akin. “Eh ate, paano kung?” “Kung?” “Ah, wala.” Nag hesitate akong sabihin kay Ate. Baka mabatukan ako no’n virtually. “Thank you sa advice te. At least maiibsan ang guilt na nararamdaman ko.” “Just call me anytime kapag may problema ha?” That comforting words coming from my cousin made me feel that the burden had lighten up. “Salamat kaayo te ha.” I said thank you. “Way blema ana dai.” And she said no problem. Natapos na ang tawag namin at ipinagpatuloy ko ang pag gulong sa kama ko. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa kundi ang ipagdasal na lang na sana ay malaman ni Mr. Alonzo ang katotohanan. Sana ay may anghel na magbigay daan sa kanya patungo sa katotohanan. Paano kung ako iyon? “Argh!” Gulong ulit sa kama. But since then, lagi ko nang iniiwasan si Mr. Alonzo. Dahil hindi talaga makaya ng konsensiya ko na niloloko siya ng fiancee niya at ako na nakakaalam ay nananatiling tahimik lang. Kapag may kailangang asikasuhin para sa preparations ng kasal nila, laging si Anja ang inuutusan kong humarap. Nauubusan na nga ako ng alibi minsan. Ayoko ring i-entertain ang nararamdaman ko sa kanya. Mabuti nang putulin habang maaga pa. Pero kahit talaga anong pigil ko sa sarili ay umabot na rin ako sa punto na hindi ko na kaya. Kaya nung isang araw na nagshoot sila para sa prenup video ay naisipan king pumunta. Naabutan ko pa sila na iniinterview para sa isang clip sa prenup video nila. Wala sa lugar pero hindi na talaga kaya ng konsensiya ko. “Why do you love her so much?” tanong ng interviewee. I saw Cali Smiled and look at his fiancee with passionate eyes. “Because I don’t see any other woman that fit to be with me for the rest of my life other than her. And if it's not her, I’d rather not fall in love.” I can see it in his eyes, how much he cherish and adore the traitor woman that is beside him. And I admit, I have no fight against it. Parang nagkalasog-lasog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Hindi ko man sadya, pero kusa na lang tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko. Napaatras ako at tumalikod mula sa kinaroroonan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD