CHAPTER 16

890 Words
Cali’s POV “KUYA!” Bukas ang mga bisig na pagbungad ng nakababatang kapatid ko, at nag-iisang babae na si Savanna. Siya ang bunsong anak ni Dad sa kanyang pangatlong asawa na si Tita Claire. Savanna is just 17 years old and she is the only sibling I have na kasundo ko. “What brings you here?” pabiro kong tanong sa kanya. Nakahalukipkip siya at nakanguso habang nakaupo sa chair na nasa harap ng table ko. “Bakit? Bawal ko bang bisitahin ang paborito kong Kuya na hindi na umuuwi sa mansyon?” Palagi niyang sinasabi na ako raw ang paborito niyang kuya. Kaya naman, when I decided to get my own place and lived apart from them ay napahagulhol talaga siya ng iyak. She was my little girl, at hindi pa rin nagbabago iyon hanggang ngayon. “Talaga lang ha, paborito? Paano kung marinig ka ng dalawa pang kuya mo?” Umirap naman siya. “They don’t even care,” aniya at nag-ikot ng mga mata. “Kuya? Are you sure that you’re marrying Ate Athena?” out of the blue, she asked. “Why did you even ask that?” tanong ko naman sa kanya. Ngumuso ulit siya. “Baka kapag may baby na kayo. Hindi mo na ako pansinin.” “Sinong may sabi?” kunot-noo kong tanong. Tumawa ako nang malakas. “Of course not! Hindi mangyayari iyon.” I gave her a comforting smile. “Siyempre, kung baby girl yung magiging anak niyo. Hindi na ako yung baby mo,” reklamo niya ulit. She sound like a spoiled brat. “Then, be a grown up tita,” natatawang sagot ko sa kanya. I laughed hard teasing her. At asar ang itsura niya ngayon. “Why? In just a few months mag-dedebut ka na. You’ll be an adult already.” “I know right!” she snorted. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay biglang pumasok ang sekretarya ko. Pansin sa itsura niya ang pag-aalala. “Sir, may nagra-rally po sa labas ng building.” Napakunot ang noo ko. “Why? What happened?” Savanna asked. “There was an incident that happened in one of the branches ng Mall. A girl got into an accident sa escalator.” After I explained ay hinarap kong muli ang sekretarya kong si Samantha. “Kumusta yung bata? Is she fine?” Tumango naman si Sam. “I’ll visit her, please set an appointment.” “Yes sir.” “But sir. May mga petition pa rin tayong natatanggap na gustong ipasara ang branch.” Napapikit muli ako sa pagkadismaya. Bumaling naman ako kay Savanna. “Vanna, please don’t tell Dad about this. You know he is not in a good state right now. So don’t tell him okay? Let big bro fix this.” Savanna rolled here eyes. “Kuya naman, you know you can always trust me. But remember, may dalawa tayong kapatid na evil.” Vanna has a point. Kahit naman manahimik siya, hindi ko mapipigilan ang dalawang nakatatandang kapatid namin sanpagsusumbong kay Dad. Kasasabi ko pa nga lang ay biglang bumukas ang pinto ng office ko at bumungad nga ang isang bisitang hindi ko inaasahan. “Hi bro!” bati ni Kuya Winston saka naupo sa couch na nasa receiving area ng opisina ko. “Have you watch the news?” tanong niya saka kinuha ang remote na nasa center table at binuksan ang TV. Napangiwi ako nang makita ko ang binabalita sa TV. Nasasangkot ngayon sa kontrobersya ang Alonzo Prime Holdings kung saan mayroong aksidenteng nangyari sa isa sa napakaraming branches nila. Nitong umaga lamang ay nagprotesta ang iilang mamamayanp para sa petisiyon na ipasara ang nasabing branch ng mall kung saan nangyari ang aksidente. Sa ngayon ay hinihingan pa ng pahayag ang CEO nito na si Mr. Calixto Alonzo Jr. Para sa iba pang mga detalye tumutok lang po mamayang gabi sa Balitang di natutulog. “Kuya Winston, nakikiusap ako. Huwag na sanang makarating kay Dad,” I pleaded to my brother. But he just gave me a mocking laugh. “Huli na ang lahat bro. Alam na ni Daddy.” Naghalukipkip ito at pumusisyon ng naka dekwatro. “Actually, papunta na siya ngayon dito para patalsikin ka sa pwesto dahil sa kapabayaan mo.” Ilang segundo lamang matapos niyang sabihin iyon ay muling nagbukas ang pinto at bumungad nga si Daddy. Napatayo si Kuya Winston at sunod-sunod kaming nagmano kay Daddy. Nauna si Kuya Winston, sumunod si Savanna at ako ang huli. Seryoso ang itsura ng mukha ni Dad. Kung manghuhula ako sa susunod niyang gagawin, sa tingin ko ay sasampalin niya ako kapag hinawakan ko ang kamay niya para magmano. Kinuha ko na nga ang kamay niya at nagmano. Pagkatapos ay agad akong bumitaw nang mailapat ko na ang kamay niya sa noo ko. Dad took a deep breath before he sarted to speak. “I just came here to see you and the office personally.” He patted me on the shoulder. “I know that you can solve this problem. I trust you son.” What he said had me felt relieved. “Seriously Dad?” Kuya Winston reacted. “It’s just a minimal problem Winston,” Dad answered him. “Thank you for trusting me Dad. I promise, hindi ko kayo bibiguin.” Dad just smiled and nodded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD