Rachel’s POV.
Lumipad na uli ako papuntang Cebu.
Gusto kasi ni Ms. Athena na magpa organize ng Bridal Shower. At hindi pa nagpa abiso nang maaga, talagang ratsada at hindi kami nakapag-ready.
Kaya heto, kara-kara kami ngayon.
“May mga tao din talagang walaang kunsiderasyon para sa iba. Lalo na kapag spoiled brat,” Reklamo ni Anja na halatang stress na. Marami kasi kaming bitbit na gamit.
Pero, hindi nga dapat magreklamo, ganoon talaga ang pagseserbisyo. Kailangan magtiis at makisama sa ugali ng client. That is the key, para ma establish ang business mo.
“Hayaan na, pretty mo pa rin naman!”
Pagka board namin sa eroplano ay inikot ko muna ang paningin ko sa lahat ng pasahero na nakaupo na.
“Uy, si Ms. R, nagbabaka sakaling makakasabay niya si ex!”
Wala talagang preno ang bibig nitong si Anja. Siguro, dahil sa tagal na rin naming magkasama, nagiging kumportable na rin siya sa akin kahit boss niya ako. Kaya kung makapang-asar, wagas. Actually, hindi ko rin naman siya tinuturing na assistant. Parang kapatid ko na nga siya. Sabi ko nga, huwag na akong tawaging Ms. R, kaso nasanay na nga raw siyang tawagin akong ganoon.
Inirapan ko lamang siya at isinalpak ko na ang bluetooth earphones ko sa tainga at nagpatugtog na ng music. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Medyo may kaunting trauma pa ako noong nakaraang sumakay kami sa eroplano, kaya napapikit na lamang ako para hindi ko maramdaman ang takot.
Nakatulog ako at ginising na lamang ako ni Anja nang malapit na kaming makalapag.
Kung dati ay na awkward ako nung bumaba ako ng Cebu, ngayon naman ay parang balewala na lang.
Hindi sa’yo ang Cebu para sakupin mo ito ng alaala, Amiel.
Pero hindi ko naman maikakaila, na may parte sa puso ko ang umaasa pa rin.
Umaasa na balang araw makakaharap ko ulit siya at maitatanong ang lahat ng gusto kong itanong sa kanya.a
Ayan ka na naman momsh! Erase!
Gaya noong nakaraang uwi ko ng Cebu. Doon ulit ako mag stay sa bahay namin. Makikita ko uli ang aking lola at mama.
Pati na rin ang iba ko pang mga pinsan.
Saktong-sakto, 80th Birthday ni Lola sa Sabado. At naisipan kong mag extend hanggang sa araw ng birthday niya.
Pagkalapag namin ay dumiretso agad kami sa bahay, pagkatapos kumain ng lunch ay dumiretso na kami sa venue ng Bachelorette Party ni Ms. Athena.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangang ako pa ang mag organize, pwede naman kasing sila na lang ng kanyang bridesmaids at maid of honor.
But as long as the price is right. I am willing to make an extra effort.
Ala una ng hapon kami nagsimulang mag set-up. 8 p.m. daw ang start ng party.
Hindi rin naman gaanong kalaki ang venue. Isa iyong master type room kung saan ay mayroong living room, kwarto at maliit na kitchen.
Mga 3 hours lang ay natapos na kami. 4.P.M. na nang mga oras na iyon.
“Kapagod Ms. R, baka pwedeng mag milk tea muna tayo. Na stretch masyado muscles ko do’n!” pagyayaya ni Anja sa akin.
Natawa ako at umiling-iling. “Sige. Sige tara.”
Lumabas na kami ng Hotel at naghanap ng malapit na Milk tea shop.
Good thing at may nasumpungan kami sa malapit.
Ang Brew Burst Milk Tea.
Tumawid na agad kami at pumasok sa loob ng shop.
Pagkapasok namin ni Anja sa loob ng milktea shop, ay dumiretso kaming dalawa sa counter para pumili ng oorderin namin.
“Hi Maam, welcome to Brew burst milk tea. What us your order po?”
Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko. Siniguro kong hindi ako nagkakamali sa nakikita ko.
Ang babaeng nasa counter na kumuha ng order ko ay kilala ko.
Hindi siya nakasuot ng uniform, kundi meternity dress kung saan ay mahahalata ang kanyang malaking tiyan.
“Rachel?” aniya nang makilala rin ako.
“Ate Erika, kumusta?” Mahina kong sagot at napatingin uli ako sa baby bump niya. “Kinasal ka na pala,” sabi ko pa.
Hinaplos nito ang tiyan at ngumiti.
“Oo, nakapag-asawa na ako ng seaman din at heto, nakapagpatayo na ng sariling milk tea shop.”
I smiled and nod. “That’s nice.”
Pagkatapos ay tinanong niya rin ako kung ano ang pinagkakaabalahan ko.
“Ang tagal ko nang hindi ka nakikita simula noong...” hindi niya itinuloy ang sasabihin dahil nag-alangan siya.
“Kumusta ka na ba?” sabi na lamang niya.
“I’m a wedding planner, in Manila. I just came here in Cebu kasi may client ako rito,” pagpapaliwanag ko.
Pinutol ko ang kumustahan nang ibinaling ko na ang atensiyon sa order namin ni Anja. Namili kami at nagpa punch in. Si Ate Erika mismo ang nag punch in sa counter. Pansin ko ay napaka hands on niya sa kaniyang business.
Never kong binanggit si Amiel o inisip na itanong kung nasaan siya.
Pinauna ko si Anja na maupo at nang tumalikod na ako ay nagpahabol pa ng salita si Ate Erika.
“Wala pa rin kaming balita kay Amiel hanggang ngayon. Hindi namin alam kung buhay pa ba siya.”
May tono ng lungkot sa boses niya.
I know that she is sincere when she said that. Alam ko rin na hindi ako dapat magalit sa pamilya niya dahil maging sila rin ay walang alam kung nasaan si Amiel.
I can feel the sincerity of how sorry they are for what happened.
“Sana bisitahin mo rin si Mama one time. Na miss ka rin no’n,” she said when I turned to her once again.
I gave her a smile and answered. “I’ll do. If I have free time.”
Tumalikod na muli ako at lumakad papunta sa upuan na kinaroroonan ni Anja.
“Ms. R, sinetch ba yun?” pag-uusisa ni Anja nang makaupo ako.
“Kapatid ng ex ko,” matipid kong sagot.
“Ay.... Oh. Bonggacious. May nasagap ka bang chika Ms. R?” pag-uusisa uli nito.
Umiling ako bilang tugon.
After all, only Amiel knows the answer why everything happened. We may not know where he is, and just like what Ate Erika said, we don’t even know if he is still alive. But still I am hoping that he is fine somewhere.
That is happy somewhere. Happier than when we’re together. Eventhough I don’t know.
But somehow I had at least a little closure from Amiel’s family.
And I’m hoping. I would be happier too soon.
Puhon.