CHAPTER 14

1047 Words
Cali’s POV. “I asked the rescuers if you are fine. And they said, ayos ka na man daw na nakabalik sa Manila.” And you didn’t even check on me if I was fine. Sa loob-loob ko na lamang ang huli. Nakakahiya lang, baka kasi ako lang ang nag assume na friends na kami. Mayamaya din ay nagsibalikan na sina Niccolo at ang mag-asawa. Nagsimula nang umorder at nag-dinner. After ng dinner, ay nagkainuman nang kaunti. At dahil hindi nga ako umiinom, napa order na lang ako ng ibang drink. “Pre, ano ba yan. Bakla ka ba? Shot ka naman oh!” Ayan na naman si Niccolo sa pangungulit niyang uminom ako. But I am standing firm with my values. Ayoko talagang uminom. “Huwag mo nang pilitin pare,” ani naman ni Xavier sa kanya. “Ikaw ba Rachel, wala ka pa bang jowa?” narinig kong tinanong ni Ciara si Ms. Rachel. Awkward na napatingin naman si Ms. Rachel sa aming lahat bago sinagot si Ciara. “Ah, eh. Wala pa.” Tumikhim naman si Niccolo na tila nagpapahiwatig kaya agad dumugtong si Xavier. “Pareho pala kayo nitong kaibigan namin.” Tinapik nito ang balikat ni Niccolo. At nagpapogi naman ang huli. “Dapat sinama mo rito yung Fiancee mo Cali para naman by pairs tayo lahat,” gatong naman ni Ciara. “Sa ngayon, wala pa akong plano na magka jowa.” Binasag ni Ms. Rachel ang katahimikan. “Tama ‘yan!” Napatingin silang lahat sa akin. “Banaero kasi ‘tong kaibigan namin,” pagdugtong konagad saka ginulo ang buhok ni Niccolo. “Hayop ka pre, nilalaglag mo ako,” pagre-react naman ni Niccolo. Pero alam naman niya na biro lang yung sinabi ko kaya nagkatawanan kaming lahat. “Mabalik tayo kay Athena, saan siya ngayon? Bakit hindi mo kasama?” pag-uusisa ni Ciara. “Nasa Cebu. Busy sa Art Exhibit niya.” “Oh, so kapag ba kinasal na kayo, sa Cebu kayo titira?” follow-up na tanong niya. “Well, depende. Kung saan niya gusto. I can adjust. Pwede naman akong mag-uwian from Manila to Cebu.” “Sabagay, wala din namang problema kung doon kayo sa Cebu mag-stay. Marunong ka naman magsalita ng bisaya pare,” ani naman ni Xavier. “Marunong siyang magbisaya?” hindi makapaniwalang tanong ni Ms. Rachel. Humalakhak naman si Xavier. “Ay sus! Bisayang dako ni si Cali ah.” Makahulugang titig ang ipinukol sa akin ni Ms. Rachel. Ngayon ay alam na niya na naiintindihan ko lahat ng maling bisayang pinagtuturo niya sa akin nung nasa Isla kami. She gave me that you-betrayed-me look. And I just can’t help but laugh about it. *************** PAGPASOK ko sa opisina kinabukasan, bumungad agad ang nakasimangot kong sikretarya na nakatayo sa harap ng office table ko. “Sir. About po sa nangyari kahapon...” Alam ko na ang tungkol sa masamang balita dahil itinawag na iyon sa akin kagabi pa. May nangyaring aksidente sa Alonzo Mall Makati kagabi. Naipit daw ang isang teenager na babae na mall goer sa escalator. Buti na lang at napatigil agad ang pag andar ng escalator, kung hindi ay baka naging giniling na ito. Napasapo ako ng noo. Inilalahad ni Yvonne ngayon ang papel na naglalaman ng Notice na dapat daw ipasara ang Mall at magbayad ng danyos sa biktima. “Paano nangyaring nagkaroon ng ganoong aksidente? Hindi ba muna na check nang maayos bago paandarin?” Medyo may kasamang inis na ang tono ng pagsasalita ko. “Bakit hinayaan nilang nakatiwangwang ng ganoon amg escalator? “Iniimbestigahan na ho nila ang nangyari sa Technical Department sir.” “Kumusta yung biktima? Ano nang nganyari sa kanya?” tanong ko. Mas lalo namang lumamlam ang mukha ng sekretarya kong si Yvonne. “What happened?” “Sabi ho kasi, baka maputulan ng paa yung dalagita...” Napa face palm ako sa narinig kong masamang balita. Just because of recklessness, may isang buhay na masasayang. May isang musmos na maaaring mahadlangan sa pag-abot sa kanyang mga pangarap. Napabuntong-hininga ako at umiikot na ang pwet ko ngayon, pilit kinakalma ang sarili upang makapag-isip ng tamang gagawin. Nakasalalay dto ang bugay ng dalagita at ng Kapalaran ng mall. Kawawa naman din ang mga empleyadong umaasa sa kita ng mall. “Do everything to assist her in her hospitalization. At humanap ka rin ng doktor na makakatulong sa kanya, kung maaari sana ay hindi maging option ang amputation. I am willing to pay just to make her well.” Tumango lamang si Yvonne sa sinabi ko. “Thank you.” “What about the notice sir?” Napasulyap akong muli sa papel na nakalapag na sa table ko. “Kung kinakailangan, we have to follow and close the mall—we will do it.” “Nahihibang ka ba Cali?” Biglang singit ng kung sinumang bagong dating. Napasulyap ako sa pinto ag nakita ko ang kapatid kong si Henry. “Sinasabi ko na nga ba eh. Wala ka talagang alam sa pagpapatakbo ng kumpanya. What did you just say? Ipapasara mo yung Alonzo Makati dahil lang sa pagiging pabaya mo?” He sound angry but his face was mocking me. “Masyadong nahahati ang atensiyon mo sa kasal mo. Bakit hindi kanmag resign at ipaubaya sa akin ang pagpapatakbo ng kumpanya? Tanggapin mo na na wala kang alam!” “Kuya, just leave. Bago—” “Before what? Ano? Ha?” Mukhang nanghahamon talaga itong si Henry. “Bago ko makalimutan na kapatid kita.” Tumawa siya nang sarkastiko. “I don’t even recognize you as my brother.” Maangas pa itong lumapit at nakipag tagisan ng tingin. “Gumising ka na sa katotohanan, wala kang alam sa mundo ng Alonzo Prime Homdings, pababagsakin kita. At sinisiguro kong mababawi ko rin sa’yo ang position mo.” “Kahit kailan, Hinding-hindi ko hahayaan na mapunta ang kumpanya sa inyong mga gahaman.” “Sumasagot ka na?” bulyaw ni Kuya Henry saka kinuwelyuhan ako. Mga bata pa lang kami ay sanay na sanay na sila ni Kuya Winston na sinasaktan ako at pinagmumukhang mahina. Ilang taon rin na hinayaan kong kaya-kayahin nila ako. But now, I will never let them stomp on my dignity and right as a person. Never again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD