CHAPTER 13

1077 Words
Rachel’s POV. Sobrang pagod na ako sa work at wala na akong nagin pahinga eversince. Siguro, maituturing ko nanngang pahinga noong pumunta ako ng Cebu nitong nakaraan. Hindi kailangang bumangon nang maaga, dahil mayroonb magluluto ng agahan. Chill chill lang. Ilang taon akong nanirahan sa isang condo unit. Ako lang mag-isa. Ako lahat ang gumagaqa ng gawaing bahay. Mula sa pagluluto, paglilinis, paglalaba. Umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. Alas sais pa lang ng gabi pero tila iniimbita na ako ng malambot na kama mula sa kwarto ko. Tama, matutulog na lang muna ako dahil sobrang pagod na ako. Kaso yung tyan ko, tila ng aalboroto na sa loob. Gutom na gutom! Kahit naman maganda ang kita ng Blushing Bride, hindi ko naman ugali na laging nagpapa-deliver. Pero dahil gutom na talaga ako ay naisip ko magpa-deliver na lang. Magda-dial na sana ako kaso biglang nag ring ang cellphone ko. Unknown number. Kinabahan tuloy ako bigla. Sino kaya ang tumatawag? Kung client man ito, paano niya nakuha ang personal number ko? Eh mayroon naman kaming companh number. Well paano ko naman malalaman kung hindi ko subukan hindi ba? Kaya pinindot ko na ang green button. “Hello?” “Hello? Rachel?” sagot naman ng nasa kabilang linya. “Yes?” “Si Ciara ‘to!” “Hi, kumusta? Napatawag ka?” Masyado na ba akong cold sa lagay na iyon? Wala kasi talaga akong masabi. Kailangan ba may reason para tawagan ka? No need naman kasi kaibigan mo siya. Kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Binara ko talaga ang sarili ko. “Free ka ba ngayon? Punta ka naman dito sa BGC. Dinner lang then chill. Hindi kasi tayo gaano nagkausap nung kasal ko, nag disappear ka na lang bigla. At saka busy din ako no’n.” Sa totoo lang, Wala akong ganoong life. Trabaho, bahay lang talaga ako. I was too busy working my butt out. Ang boring ng life ko para sa isang twenty six years old. Dinaig ko pa ang matandang dalaga sa peg ko. Pero, na miss ko rin kasi ang kaibigan kong si Ciara kaya napagpasyahan kong pagbigyan siya. “Sige, punta ako diyan,” tugon ko naman. “Aasahan kita Rach. See you.” Ibinaba na niya ang tawag at ako naman ay naghanda, Nagsuot ako ng simpleng puffed sleeve dress na kulay black. No make up look naman ang ginawa ko sa mukha ko na gaya ng lagi ko namang ginagawa, pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako ng building at sumakay na ng taxi papunta roon. Sa Cork wine bar ang kinaroroonan nina Ciara. Pagkarating ko roon ay nadatnan ko si Ciara at ang asawa niyang si Xavier at yung lalaking kasama ni Mr. Alonzo no’ng nasa reception. Huwag naman sana itong magmukang blind date set-up ano? “Rach!” Tawag ni Ciara sa akin saka kinampay ako na lumapit sa kanila. Lumakad naman ako patungo sa kanila na nakaupo sa isang mahabang table na 8 seater. Magkatabing nakaupo si Ciara at Xavier habang nasa tapat nila yung lalaki. Hindi muna ako naupo at nanatili akong nakatayo sa harap nila. “Hi Rachel. By the way, this is my friend Niccolo,” pagpapakilala ni Xavier sa kanya. “Hello.” Isang tipid na ngiti at bati lamang ang ibinigay ko at naupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Ciara. Mas gusto ko na lang magmukhang third wheel kaysa maging double date ang labas nito. “Bakit wala pa yung isang mokong?” biglang sabi ni Xavier. Napatingin ako kay Ciara. “Haynaku, ma o-OP ako sa kanila kung hindi ka pumunta rito,” Aniya sabay napanguso. Biglang kumabog ang dibdib ko. Napalunok na lamang ako dahil hindi ko makontrol ang t***k ng puso ko. Si Mr. Alonzo ba ang tinatawag na mokong ni Xavier? “O, nandito na pala!” ani Niccolo na kumampay pa sa paparating na nasa likuran namin. Nanigas bigla ang katawan ko. Hindi ko magawang lumingon. Hanggang sa makalapit nga ang taong iyon sa table namin. “Hi guys. Sinong may birthday?” anang isang pamilyar na boses. At sure ako na si Cali Alonzo iyon. “Hi Ms. Rachel, nandito ka pala?” pagpansin niya sa akin nang makaupo sa upuan sa tapat ko. Napatikhim ako bago makasagot. “Hmm. Yes, Ciara asked me to come,” matipid kong sagot. He was wearing a white long-sleeve polo and it complimented his white teeth. Nakangiti siya nang napakalawak. Kulang na lang mapunit yung bibig niya. Masaya yorn? Sa itsura niya, mukha namang okay siya. Walang bakas noong nangyari sa kanya sa isla. gusto ko sana siyang kumustahin pero huwag na lang. Hindi kami close. “Ahm, guys excuse me lang ha. Punta muna akong washroom,” paalam ni Ciara. Nag-ring naman ang cellphone ni Niccolo. “Excuse me lang, sagutin ko muna ‘to,” anito saka tumayo. Si Xavier naman ay tumayo rin. “I forgot my wallet in the car. Kunin ko lang saglit ah.” Hanggang sa kami na lang ni Cali ang natira sa table. SPELL AWKWARD. Alam ko na man na coincidence lang ito. Pero why naman gano’n tadhana? Yung sa isla. Isang araw lang naman iyon, hindi enough para sabihin na na attach ako sa kanya. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya noong nawalan siya ng malay. Iyon lang. Hindi talaga ako sanay mag initiate ng conversation pero sinubukan ko ang makakaya ko. “Kumusta na pala Mr. Alonzo? Ayos ka naman ba simula no’ng...” napatigil ako dahil feeling ko ang awkward ko na talaga. Yung feeling na, nag-eexpect ka ng explanation? Ganoon ang nararamdaman ko. At ikinaiinis ko iyon. Hindi naman kami close para i-update niya ako kung okay lang siya. I am not a part of his life. It just happened that we were there for each other when we were stuck and hepless. Nothing more like friendship and the like. “I’m fine. That day nagkamalay din naman ako. I was so glad na pagkagising ko, wala na ako sa isla.” Hindi mo man lang ba tinanong kung nasaan ako? Pero sa loob-loob ko lang iyon. Hindi ko kayang i- voice out. “I asked the rescuers if you are fine. And they said, ayos ka na man daw na nakabalik sa Manila,” biglang sabi niya na ikinalaki ng mata ko nang bahagya. Bakit parang nabaliktad ang sitwasyon? Ako pala itong hindi nagparamdam at nag assume?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD