Chapter 2

1271 Words
"Bilisan mo, Lea at tayo na lamang ang hinihintay ng lantsa," nagmamadaling yakag sa akin ni Nanay. Dadalo kasi kami ng kasal ng kanyang paboritong apo sa Lucena. Ayaw ko sanang sumama ngunit mapilit ang nanay. Ano raw ba ang gagawin ko sa bahay kapag naiwan ako? Gusto ko sana siyang sagutin na matutulog ako, o kaya ay titingin ng trabaho na puwede kong pagkakitaan sa araw na iyon. Maglalako o kaya ay mamumulot ng kalakal. Pero alam kong hindi ako papayagan kaya heto, napilitan na sumama. Inisip ko na lamang na mamamasyal at mag-eenjoy ang gagawin ko roon. Kahit alam kong hindi. Hindi nila ako kapamilya para makapag-enjoy lamang. Kapag kasi nakikita ko ang panganay na anak ng umampon sa akin ay bumabalik ang mga pangyayari noong kasama ko pa ito sa bahay. Hindi kapamilya ang turing niya sa akin kundi isang taong mapagsamantala sa kabaitan mg kanilang ina. Naalala ko tuloy na kapag hindi nakaharap si nanay Asuncion ay talagang pinagmamalupitan niya ako. Ayaw niya akong kaharap sa hapag kainan kasabay ng kanyang mga anak at asawa. Kaya kapag kainan at naroon sila, sa may lababo ako kumakain na mag-isa. Mabait siya sa harapan ni Nanay ngunit malupit siya kapag wala na ito. Ipinapamukhang ampon ako at walang lugar sa kanilang pamilya. Buti na lamang at ang bunso ni nanay Asuncion ay mabait sa akin kahit papaano. Kasama namin si ate Evelyn patungo roon. Pinapakitunguhan niya ako at tinuring na bunsong kapatid. Hindi lamang talaga maalis sa akin ang matakot at isiping isa lamang akong sampid at hindi nila kadugo. Iyon kasi ng itinatak ng panganay n anak ni nanay sa isip ko. Mabait si Nanay sa akin. Iyon nga lamang, minsan talaga ay mas pinapaniwalaan niya ang kanyang anak. Ano nga naman ang laban ng tubig sa sariling dugo? Mas matimbang nga naman ang sariling anak kesa sa akin na anak-anakan lamang. Kahit na mas nakikitang ako ang may labis na pag-aalala sa kalagayan ng nanay. Pagkasakay sa lantsa ay tinanaw ko ang malawak na karagatan. Bahagi ng tubig na tila walang katapusan. Ninais kong huwag ng matapos ng biyaheng iyon, gusto kong manatili na lamang kami roon. Pagdating sa siyudad ay agad kaming sumakay para magtungo na sa simbahan. Maaga-aga pa kami kaya may oras pa kami upang makapag-ayos ng kaunti. Lalo na si nanay Asuncion. Masaya itong makitang ikakasal ang apo kahit sa dami ng aberyang nangyari. Buntis na si ate Aiza na ikakasal. Ayon kay nanay ay halos ayaw pang ipakasal ng magulang ng pakakasalan niya kay ate Aiza. Hindi raw kasi boto ang mga ito kay ate. Napanguso ako. Kilala ko si kuya Lito--ang mapapangasawa ni ate. Iisang barangay lamang kami noon--sa tunay kong pamilya. Kilala niya rin ako dahil halos kalaro ko ang kanyang mga pinsan. Nagkagulatan pa nga kami lalo na noong nalaman kong siya pala ang kasintahan ni ate Aiza. Medyo marami ng tao sa simbahan nang dumating kami kahit hindi pa oras. Agad kaming sinalubong ng anak niyang panganay na si Ate Delia. "Nay, dito po kayo sa harap. Lea, Evelyn," tawag niya sa amin. Ngumiti pa sa gawi ko. Pilit ko rin siyang nginitian, ngunit agad rin naman napawi iyon dahil nakita ko siyang umirap sa gawi ko. Lalo na noong nakatalikod na si nanay Asuncion. "Hayaan mo na si Ate, Lea," pampalubag loob sa akin ni Ate Evelyn at hinaplos ang aking braso. Ngumiti ako sa gawi niya at sumunod na lamang para maupo. Nag-umpisa ang kasal na halos mangiyak-ngiyak ang pamilya ni nanay Asuncion. Hinatid ng anak niya at manugang ang kanyang apo. Nakangiti ako habang pinapanood ang bride kasama ang magulang palapit sa groom. Nang madako ang mga mata ko sa harap. Hindi maiwasang magtama ang mga mata namin ni kuya Lito. Ewan ko lang kung sadya ba na nakatingin siya sa gawi ko o guni-guni ko lamang iyon. Agad na lamang akong nagbaba ng tingin. Mula sa simbahan ay sumunod kaming lahat sa isang banquet hall para doon naman ganapin ang reception. Nagpa-cater na lamang din sila para hindi na kailangan pang magpagod sa paghahanda. "Lea, isabit mo ito sa bride," utos sa akin ni nanay Asuncion nang nagsasayaw na ang bride at groom. Ang mga sponsors at ibang kapamilya ay nagsasabit ng pera sa mga damit ng mga ikinasal. Kinuha ko ang inabot sa akin ni Nanay. Limang libo na rin iyon sa bilang ko. Lumapit ako kay Ate Aiza at isa-isang sinabit ang pera. Sa huling sabit ko sa kanyang tagiliran biglang gumalaw ang kamay ni kuya Lito dahilan upang masagi niya ang kamay ko. Nabitiwan ko tuloy ang pera sa gulat at nahulog iyon. Kagat labi kong pinulot iyon habang pasimpleng tinapunan ng tingin si kuya Lito. Naipinid ko ang aking mga labi nang matantong nakasulyap siya sa akin. Isinabit ko na lamang ang pera sa likod ni Ate kung nasaan ang ibang pera bago dali-daling umalis. Halos inabot ng maghapon ang ginanap sa reception area. Gumabi na nang makauwi kami sa bahay ng anak ni nanay Asuncion. Kasama na namin ang mag-asawang bagong kasal at ang ilang kamag-anak. Nagpatuloy pa sila at nag-inuman ang mga kalalakihan kasama si kuya Lito. Maaga kaming natulog ni nanay Asuncion dahil pagod na siya. Sa isang maliit na silid kami pinatulog. May double deck na naroon. Sa paligid ay tambak rin doon ng mga regalong natanggap ng mga ikinasal. "Pasensiya na, lola. Dito lang namin puwedeng ilagay ang mga regalo," hinging paumanhin ni ate Aiza. "Naku, apo. Ayos lang. Sige, magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka," malambing na ika ni nanay sa kanyang apo. Hinaplos ang tiyan ni ate. Pinili ni Nanay na sa taas na lamang pumuwesto at bakantehin ang ibaba ng double deck para sa gustong matulog na kamag-anak. Tumabi ako kay nanay. Ako ang nasa gawi ng pinto. Dahil sa pagod ay agad kaming nakatulog. Hindi na namalayan na may pumasok sa loob ng kuwarto na gagawa sa akin ng kahalayan. Sa una, akala ko ay nananaginip ako. Ngunit talagang naalimpungatan ako at dinagundong nang matinding kaba nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking hita papunta sa aking kaselanan. Hindi guni-guni o panaginip iyon dahil ramdam na ramdam ko ang mainit na palad sa aking balat. Tuloy ay muling bumalik ang takot ko na pilit kinakalimutan sa nagawa noon ni lolo Juancho. Muli akong sinalakay ng matinding takot. Kahit takot na takot ay gumalaw ako para iparating sa mapangahas na kung sinoman na gising ako. Umalis ang kamay na iyon sa hita ko at nagkunwaring may hinahanap. Gusto ko man lingonin ay talagang mas nanaig ang takot sa sistema ko. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang lalaking iyon sa loob ng kuwarto. Sobrang nginig ng aking katawan at hindi na magawang makatulog pa. Naiisip na baka muli akong balikan ng lalaki. Hindi nga ako nagkamali dahil muli, may pumasok sa kuwarto. Ang mapangahas na taong iyon ay nagkunwari na namang may hinahanap, gaya ng pagkukunwari kong natutulog. Nang muli ay maramdaman ko ang mga kamay na humahaplos sa aking hita. Sa pagkakataong iyon ay gumalaw ako at nagmulat ng mga mata. Kinilabutan ako noong mapagsino kung sino ang lalaking iyon. Pilit itinatanggi ng isip ko na nagkakamali lamang ako ng nakikita. Ngunit hindi! Totoo ang nakita ko. Ang lalaking mapangahas na iyon ay walang iba kundi si kuya Lito. Gusto kong maiyak at napatanong na lamang sa sarili kung bakit lagi na lamang akong namomolestiya ng kung sinong mapangahas. Wala akong ginagawang masama. Maingat ako sa mga kilos ko. Nang malaman niyang gising ako ay walang imik siyang umalis. Habang ako ay nilamon pa rin ng takot at gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD