"Nariyan na ho pala kayo senyorito," bati ni Marites kay Shawn pagkadating nila ni Karla mula sa presinto. Nagkatinginan ang dalawang babae at huling-huli niya si Marites na pinagtaasan ito ng kilay saka inirapan. Marahil ay naiinggit nanaman ang matandang kawani. "Ah sir, saan naman kayo galing nitong bagong kasamahan namin?" angat ang sulok ng labi nitong tanong sa kaniya. Nakaguhit sa matambok nitong mukha ang inis sa babaeng kasama niya. "Bago lang siya?" aniya sabay turo kay Karla. Matamis lang namang ngumiti ang dalaga sa kanilang dalawa ni Marites sabay ang bahagyang pagyuko. "Oo senyorito, bago lang 'yan kaya 'wag kang magtitiwala agad sa pagmumukha ng isang 'yan. Isang linggo pa lang marahil 'yan ditong namamasukan." Bumaling siya ng tingin sa babae. Wala naman siyang mabakas

