Nang marating ni Shawn ang lugar ay nagkakagulo ang kaniyang mga tauhan. Bakas sa mga mukha nito ang galit lalong higit sa grupo ng mga bihasa sa boksing. "Ano'ng nangyayari rito? Bakit kayo nagtitipon sa isang lugar? Ganito ba palagi ang ginagawa niyo sa tuwing wala ako?!" malakas niyang sigaw. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Mabilis na nagsibalikan ang mga ito sa lugar kung saan sila nararapat ngunit ang mga boksingero ay nanatili sa kaniyang harapan. "Mabuti at nakabalik na kayo, Lord. Kanina pa hindi nagkakasundo ang ating mga tauhan," pagbabalita nang nasa kan'yang gilid na si Zeus. Namulsa siya sa harapan ng mga ito at isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga lalaki. Mga tagasunod ito ni Toper. Marahil ay tungkol ito sa kanilang amo. "Ano ang problema? May gusto ba kayong

