Chapter 2

1089 Words
"Balita ko ay nasipa ka na naman sa unibersidad mong nilipatan?" natatawang tanong ni Wilbert sa kaibigang si Shawn na kasalukuyang sinisipat ang bolang nais tirahin gamit ang billiard stick na hawak. "Akala ko ba nais mong magpulis?" dugtong pa nito. Umigkas ang braso ng binata kasunod ang pagpasok ng kulay pulang bola na target sa billiard basket. Nag-angat ito ng tingin kay Wilbert suot ang walang emosyo na mukha. "It didn't change what I wanted, that's still the profession I wanted to get," malamig niyang saad na sinundan naman nang malakas na pagtawa ng kaibigan na hindi niya pinagtuunan ng pansin bagkus ay muli siyang sumipat ng target na bola na nais niyang tirahin. "Paano mo naman gagawin 'yon kung palagi kang nasisipa sa unibersidad na pinapasukan mo? Nakukunsumi na marahil ang 'yong daddy sa ginagawa mo," naiiling nitong wika na nakatutok ang mga mapang-uyam na mata sa kaniya. "Iyon na nga ang gusto ko, ang kamuhian niya ako. Sa gayon, 'wag na n'ya akong pilitin na hawakan ang kaniyang mga walang kuwentang negosyo. At isa pa, hindi ko siya ama," "Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Siya ang kumupkop at nagpalaki sa'yo. Utang na loob mo iyon sa kaniya. Kumusta naman si Tita Diana? Ano'ng reaksyon niya sa kalokohan mo na namang pinasok?" pag-iiba nito sa usapan. "As usual, I failed her again," tipid niyang tugon kasunod ang muling pag-igkas ng kaniyang braso. Sa pagkakataong 'yon, hindi niya natantiya ang kaniyang lakas kung kaya't lumabas ang bola mula sa billiard table. "Tsk, kailan mo naman balak na bumawi sa mommy mo?" natigilan siya sa tanong ni Wilbert. Saglit na naglaro sa kaniyang isip ang imahe ng magandang mukha ng kaniyang mommy na siyang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Ang babaeng nagmahal sa kaniya ng walang hinihinging kapalit. "She's not my mom." Muling nailing ang kabigan niyang si Wilbert sa salitang kaniyang binigkas. Ngunit kahit na ganoon ang lumalabas sa kaniyang bibig, mahal niya ang babaeng tumatayong kaniyang ina. Ito na lamang ang mayroon siya at ayaw niyang maging ito ay mawala pa. "I need to go, baka hinihintay na niya ako." Pabagsak niyang inilapag ang stick sa billiard table. Napabuntong-hininga na lamang ang kaniyang kaibigan na tinanaw siya papalayo sa lugar na 'yon. Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan patungo sa tahanan na kan'yang kinalakhan. Nang marating niya ang harapan ng malaking gate nito ay awtomatikong napatingala siya sa mataas na bahay. Nasa kaniya na ang lahat. Pamilya, kayamanan at kapangyarihan ngunit mayroon siyang hinahanap na hindi niya matukoy kung ano. Nang makapasok sa mala-palasyong bahay na 'yon, napatigil s'ya sa kaniyang paghakbang nang marinig niya ang tinig ng kaniyang ama, si Ernesto Jackson. "Hindi ba't sabi ko na ayaw ko ng kahit na anong aberya sa malaking transaksyon na 'to? Ano'ng nangyari? Bakit walang abisong natanggap mula kay major?" galit nitong tanong sa kausap. Mapait na napangiti ang binata at napailing. Hindi na lingid sa kaniyang kaalaman ang mga illegal na transaksyon sa mga negosyo ng kaniyang ama na nais ipamana sa kaniya. Kaya naman nang malaman nitong nais niyang magpulis ay labis ang galak nito dahil magkakaroon ito ng mata sa kapulisan na magsisilbing taga balita kung mayroon mang pagtutugis na isasagawa. Ang kaniyang kinilala na ama ay lider ng isang malaking samahan ng mga sindikato at siya ang nag-iisang tagapagmana nito. Malaking biyaya siya para sa mag-asawa sapagkat hindi ito makabuo ng anak dahil may deperensya sa obaryo ang kaniyang ina. Walang alam ang ginang tungkol sa negosyo nito at sa mga palihim na pagsama niya sa amang si Ernesto sa lugar kung saan tinatawag nilang hide-out noong siya ay nasa edad trese pa lamang. "Shawn!" akmang papasok na siya sa kaniyang silid nang marinig niya mula sa likod ang tinig ng kaniyang ama. Pumihit siya paharap dito at malamig ang mga matang nakipaglaban s'ya ng titig sa ginoo. "Ano na naman itong kinasangkutan mong kalokohan? Paano ka magiging pulis kung lahat ng paaralan ay sinisipa ka?" Tumawa siya nang mapakla kaya naman nangunot ang noo ng kaniyang ama. "Kailangan pa ba 'yon sa mundong aking ginagalawan? Mayaman na ako, hindi ba? Salamat sa'yo," sarkastiko niyang tugon. Umaliwalas naman ang mukha ng lalaki kasunod ang paghakbang nito palapit sa kaniya. Sa isang iglap, bumulagta siya sa sahig dahil sa malakas na suntok na tumama sa kaniyang mukha. "Manang-mana ka talaga sa akin. Anak nga talaga kita," nakangisi nitong turan habang pinagmamasdan siyang nakasalampak sa sahig. Pasimple niyang pinahi ang dugo mula sa kaniyang bibig gamit ang likod ng kaniyang palad. Inangat n'ya ang kaniyang mukha upang tignan ang demonyong mukha ng kaniyang ama-amahan. "Hindi mo ako anak!!!" malakas na sigaw niya na pumailanlang sa kabuuan ng mala-palasyong bahay na 'yon. Humalakhak naman ito ng tawa kasunod ang pag-upo sa kaniyang harapan. "Ganiyan nga. Nais kong makita ang pagkamuhi sa mukha mo. Nakakasawa na ang malamig mong ekspresyon. Nagagalak ako sa t'wing nakikita ko ang galit sa'yong mga mata na tila nais mong pumatay," muli itong ngumisi. "Sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang magmamana ng bibitawan kong trono. Walang ibang karapat-dapat dahil ikaw ang nag-iisa kong anak." Ang kanina'y malawak nitong ngisi ay napalitan ng nakakatakot na ekspresyon. "E-Ernesto? A-Ano'ng nangyayari?" Namilog ang mga mata ng ginang nang makita ang kaniyang itsura. Ngumiti naman nang matamis rito ang asawa. "Tinuruan ko lang ng leksyon ang anak natin." Tumayo na ito at umalis sa kaniyang harapan. Matatalim na tingin ang kaniyang ipinukol sa likod ng lalaki nang simulan nitong humakbang palayo sa kanila. "A-Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Diana sa anak ngunit iniwaksi lang nito ang kamay kasunod ang mabilis na pagtayo sa sahig. "S-Shawn..." tawag nito ngunit hindi s'ya nag-aksaya ng oras na lingunin ito bagkus ay inihakbang n'ya ang kan'yang paa papalayo rito. "S-Shawn, anak..." muling usal ng ginang. Napatigil s'ya sa paglakad nang maramdaman niya ang mga braso nitong pumulupot sa kaniyang baywang mula sa kaniyang likuran. "S-Sana bumalik ka na sa dati. 'Y-Yong katulad ng dati na Shawn na masayahin... Noong hindi mo pa alam ang totoong h-hindi kita tunay na anak. Miss na miss ko na ang mga ngiti mo, anak." Napapikit s'ya nang mariin bago baklasin ang mga braso ng kaniyang ina sa kaniyang baywang. "Not gonna happen." Mabilis na mga hakbang ang kaniyang ginawa papasok sa silid kasunod ang marahas na pagsara ng pintuan. Muli siyang napapikit habang nakaharap pa rin sa pintuang kaniyang isinara. Bumalik sa kaniyang gunita kung gaano sila kasaya ng mga panahong hindi pa niya alam na isa lamang siyang ampon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD