Chapter 4

1166 Words
"E-Ernesto? S-Shawn? Saan naman kayo nanggaling na dalawa?" nagtatakang tanong ni Diana sa mag-ama sapagkat bibihira niya lang itong makitang magkasama. Nakaakbay kay Shawn ang asawa niya na tila tuwang-tuwa sa kaniyang anak. "Naglaro lang kami ng anak kong si Shawn," ngiting sagot naman ni Ernesto sa asawa sabay ang mahinang tapik sa balikat ng binata. "N-Naglaro?" palipat-lipat ang ginawa niyang tingin sa dalawa. Si Shawn ay naglihis nang kaniyang mata paiwas sa babae habang si Ernesto nama'y kumaway na rito bago pumasok sa kuwarto. Malaki ang duda ni Diana na hindi simpleng laro lang ang tinutukoy ni Ernesto. Hindi na lingid sa kaniyang kaalaman ang mga itinatagong lihim nito at ayaw niyang maging si Shawn ay bahidan ni Ernesto ng kasamaan. Tumalikod na rin si Shawn sa ina upang tumungo sa kuwarto ngunit pinigil siya ng babae. "Anak, sandali!" Mabilis na hinuli nito ang kaniyang pulso at pagkatapos ay hinila ang ng babae ang kaniyang braso paharap dito. "What?!" paasik niyang tanong. Lumamlam ang mga mata ni Diana kaya mabilis niyang iniiwas ang mata palihis sa mukha nito. Sa tuwing nakikita niya ang mukha nito'y tila may kung anong kumakabog sa kaniyang dibdib. "S-Shawn, anak. K-Kung ano man ang ipinakita o ipinangako sa'yo ng 'yong ama ay kalimutan mo na. Ayaw kong matulad ka sa kaniya," nakikiusap na wika ni Diana sa anak. Mariin na napapikit si Shawn kasabay ang pag-igkas ng kaniyang panga. Pinipigil niya ang sarili na huwag pagtaasan ng boses ang kaharap. Kung siya lang naman ang tatanungi'y ayaw niya ang obligasyon na ipinasa sa kaniya ni Ernesto ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya kung ang buhay na ng babaeng nasa kaniyang harapan ang kapalit? "Para sa'yo rin ang mga sinasabi ko, anak. A-Ayaw kong ikapahamak mo 'yan pagdating ng araw," muling pakiusap ni Diana kay Shawn. Sa pagkakataong 'yon ay may kung ano'ng pumitik sa sintido ng binata. Nawalan siya ng kontrol at malakas na naitulak ang ina sa pader ng kanilang bahay. "S-Shawn," natatakot na tawag ni Diana sa pangalan niya ngunit nanatili ang talim sa mga mata ni Shawn. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng katawan ni Diana at tinitigan nang pailalim sa mga mata ang babae. "How many times I'll tell you that I'm not your child, woman? Itigil mo na ang pagtawag mo sa akin ng anak!" mahina ngunit mariin niyang wika kay Diana. Natigilan ang babae sa kilos ng binata ngunit lakas-loob nitong ini-angat ang kamay at hinaplos ang pisngi niya. Kusa naman napapikit si Shawn nang maramdaman ang init ng palad ni Diana. "A-Are you okay, S-Shawn?" nauutal niyang tanong. Pikit-mata pa rin si Shawn. Hinuli niya ang kamay ng babae. Naninibago si Diana sa ikinikilos ng kaniyang anak nitong mga nakaraang mga araw. "I'm doing this for you, woman. So don't argue with everything I'm doing." Dinala ni Shawn ang kamay ng ina sa kaniyang labi kasunod ang paglapat ng magaan na halik sa likod nito. Mabilis na hinila ni Diana ang kamay mula sa kaniyang pagkakahawak. Sumilay ang isang tagilid na ngisi sa kaniyang labi bago siya nagmulat ng mga mata. "What do you think are you doing, Shawn Jackson?!" Bumalatay ang pagkadismaya sa maamo na mukha ng ginang. Hindi marahil ito natutuwa sa ginawa niya. "I am your mother!" dugtong pa ni Diana. Tumawa ng hilaw ang binata habang umiiling. Muli niya itong tiningnan ng pailalim. "Is it forbidden for a child to kiss the hand of his fake mother?" his sarcastic answer. Itinulak nito ang kaniyang dibdib ngunit nanatili diya sa harapan nito. Bihag pa rin ito ng kaniyang malalaking braso na nakatukod sa magkabilang gilid ni Diana. " Why don't you just call me baby, instead of anak? I'd be happier if you called me like that, " walang kagatol-gatol na wika ng binata na tila hindi na iginalang si Diana bilang ina na nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. "Bastos kang bata ka!" Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kaniyang pisng. Napinid ang mukha niya dahil sa lakas ng sampal na ginawa ng babae sa kaniya. Bumakat din ang kamay nito sa makinis na balat ni Shawn ngunit tila balewala lang sa binata dahil muli lang siyang ng tumawa ng hilaw. "Diana! Why are you still out there ?!" sigaw ni Ernesto mula sa kuwarto nilang mag-asawa. Sabay silang napalingon ni Diana. Buong pwersa na itinulak ng ginang itinulak ang anak upang makawala sa pagkakabilanggo. Lumakad nang ilang hakbang si Diana palayo kay Shawn, ngunit napatigil din pagkatapos. Muli itong humarap sa kaniya na ngayo'y prenteng nakasandal sa pader ng bahay. "I'll forget what you did to me today, Shawn. I hope it won’t happen again whatever happened today," seryoso saad ni Diana. Bumalik ang lamig sa ekspresyon niya bago tinalikuran ang kaniyang ina. Kalmado na pumasok siya sa sariling kuwarto na walang ibinigay na tugon sa sinabi ni Diana. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo ni Diana ang silid nila ni Ernesto. Salubong ang kilay na namaywang siya sa harapan ng ginoo. "Saan mo ba dinadala si Shawn?! Nag-iiba na ang mga kilos niya simula nang tumigil siya sa pag-aaral at sumama-sama sa'yo!" kompronta niya sa asawa. "Sa usaping 'yan ay hindi kana dapat pang makialam, Diana. Gampanan mo na lang ang pagiging ina mo sa kaniya at pagiging asawa sa akin, sa gayon, wala tayong maging problema." Sumenyas si Ernesto sa asawa na lumapit. Labag man sa loob niya'y wala na siyang magagawa. Pagdating sa mansiyon na ito, si Ernesto ang hari. "Come here!" utos niya kay Diana. Bumuntong-hininga muna siya bago sumampa sa kama. Marahan siyang lumapit sa tabi ng asawa at naghihintay sa susunod na utos nito. "Pagdating sa anak natin ay ako ang magdedesisyon kung ano ang nararapat sa kaniya. Ikaw na asawa ko, gawin mo ang trabaho mo," bulong ni Ernesto kay Diana habang hinahaplos ang kaniyang buhok patungo sa balikat kasunod ang pagpatak ng mga maliliit na halik sa kaniyang balat. Kagat-labi na napapikit si Diana dahil sa kiliting ipinalalasap sa kaniya ni Ernesto. Kahit na anong sama nito'y hindi niya maiwan-iwan ang lalaki dahil sa labis na pagmamahal dito. "E-Ernesto..." paungol niyang wika nang pisilin nito ang kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. Isa-isa nilang tinanggal ang kanilang mga saplot kasunod ang pag-iisa ng kanilang katawan. Buong puso niyang tinanggap ang bawat ulos ng asawa hanggang sa maabot nila ang kaluwalhatian. "I love you," bulong niya kay Ernesto matapos nilang gawin ang bagay na 'yon ngunit tulad ng palagi nitong ginagawa, matapos siya nitong gamitin ay tatalikod na ito at tuluyan siyang tutulugan na wala man lang binibitawan na salita. Masakit man mabalewala'y hindi na importante sa kaniya. Ang mahalaga'y siya ang naging asawa nito at siya ang pinakasalan. Diana smiled bitterly as she watched her husband's back as he slept soundly. "Mahal na mahal kita, Ernesto," pabulong na sambit niya kasunod ang pagpatak ng luha galing sa kaniyang mga mata. Hindi na niya namalayan kung gaano katagal siyang nakamasid sa ginoo bago iginupo ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD