Maagang gumising si Shawn upang sundin ang utos ni Ernesto na pamunuan ang mga aktibidad na nagaganap sa kanilang hide-out. Pagbaba niya mula sa ikalawang palapag ng bahay ay agad na nahagip ng kaniyang mga mata ang presensiya ni Diana.
"Gising kana pala. Halika na't mag-almusal. Ipinagluto ko kayo ng 'yong ama," malambing na wika nito sa kaniya.
"I'm not hungry," tipid niyang sagot.
"G-Gano'n ba? Kung gayon, ang mabuti pa'y baunin mo na lang para may makain ka kapag nagutom ka mamaya," malumanay nitong suhestiyon.
"I'm not a child anymore!" salubong ang mga kilay niyang sagot sa ina.
Ang kanina'y matamis na ngiti ni Diana ay napalitan ng kalungkutan. Nakakaramdam siya ng habag sa t'wing nakikita niya ang madilim na mukha ng babae.
"Fine! Just hurry up and prepare the worthless thing you cooked. I'm in a hurry! " iritado niyang wika.
Hinubad niya ang suot na jacket at isinampay muna sa balikat. Umaliwalas naman ang mukha ni Diana bago nakangiting tumalikod. Kumuha ito ng dalawang tupperwares at may pagmamadaling inihanda ang kaniyang pagkain. Isinilid nito sa isang bulaklaking lunch basket ang mga 'yon bago matamis na nakangiting iniabot sa kaniya.
"Sana magustuhan mo."
Salubong ang makakapal na kilay ni Shawn na nakatingin sa basket na kaniyang hawak. Nag-aalangan siyang kunin iyon.
"What's wrong with that f*****g thing? Why does the pouch have flowers?" he asked Diana wearing his irritated reaction.
"...ano'ng tingin mo sa'kin, babae?" dugtong pa niya.
Tumawa lang naman nang mahina si Diana sa kaniyang reaksyon. S isang iglap, nawala ang inis niyang nararamdaman kani-kanina lang. Paano'y napatawa niya si Diana kahit hindi naman iyon ang intensyon niya.
"Pagtiyagaan mo na lang 'yan. Wala kasi tayong ibang lunch basket kung 'di ang bulaklaking 'yan," paliwanag ni Diana sa kaniya.
Umangat lang naman ang gilid ng labi ni Shawn bago kinuha mula sa kamay nito ang maliit na basket na 'yon na pambata pa ang style.
"What ever."
Tumalikod na siya at humakbang papalayo ngunit wala pang limang segundo'y muli siyang bumalik.
Takang napatitig si Diana sa anak.
"May... nakalimutan ka ba?" maang na tanong ng ginang.
"Yeah. I forgot to ask you for a kiss," Shawn said while pointing his left side cheek.
Ang magandang mukha ng ginang ay nagusot dahil sa naging request ng binata niyang anak.
"W-What? A k-kiss?" paninigurado nito sa narinig. Baka lang kasi nabingi ito sa sinabi niya.
"Yes. Didn't you always kiss me every time I went to school? Isn't it possible now? Am I not your baby anymore?"
Blangko ang kaniyang mukha kaya hindi malaman ni Diana kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Sa huli, ginawa nito ang hiling niya sapagkat wala naman malisya sa ginang ang bagay na 'yon. Masiyado lang weird para kay Diana dahil matanda na si Shawn para hilingin ang ganitong mga bagay.
Lumakad papalapit sa kaniya si Diana at saka tumingkayad upang abutin ang kaniyang pisngi.
"Take care," usal nito.
Papahalik na ito sa pisngi niya ngunit bigla siyang lumingon kaya naman sa halip na sa pisngi tumama ang labi nito'y sa nguso ni Shawn naglanding ang bibig ni Diana.
"Shawn!" gulat na bulalas nito dahil hindi nito inaasahan ang nangyari.
Umatras si Diana upang makagawa ng distansiya sa pagitan nila ni Shawn.
"Thanks for the food and kiss. I'll see you later mom, " where Shawn emphasizes the word ‘mom’ before he left the house. Diana doesn't know if Shawn is making fun of her or is it just normal for him?
Naiiling na ipinagpatuloy ng ginang ang paghahanda ng almusal para sa kaniyang mahal na asawa.
HIDE OUT
"Narito na pala ang ating mama's boy. Tignan niyo! May bitbit pang bulaklaking lunchbox," tumatawang pang-aasar sa kaniya ni Toper.
Nagsitinginan ang mga taong naroon sa gawi niya at pares ni Toper, natawa ang mga 'to sa kaniyang bitbit.
Tamad niyang tiningnan ang lalaki na hanggang ngayo'y namamaga pa ang mukha ngunit tila hindi pa 'to nadadala sa kaniyang ginawang pangbubugbog. Akmang lalagpasan na niya ang boxing ring kung saan naroon ang mga grupo nito ngunit isang lalaki ang lumundag mula roon at bumagsak sa kaniyang harapan. Isa ang lalaking 'yon sa mga tagasunod ni Toper.
"Ano ba 'yang bibit mo?!" ngising tanong nito sabay hablot sa kaniyang hawak-hawak.
Huminga nang malalim bago napakamot sa kaniyang sintido si Shawn. Alam niyang isang maling galaw lamang niya sa lugar na ito'y gulpi ang kaniyang aabutin. Marami ng koneksyon si Toper sa lugar na 'to at siya na rin ang sinusunod ng karamihan.
"Kung ako sa'yo ay hindi ko pakikialaman ang bagay na hindi sa'kin," may pagbabanta sa kaniyang tinig.
Ngumisi ang lalaki sa kaniyang harapan. Nanonood lang naman si Toper sa isang tabi na nakangisi rin.
"Bakit? Balak mo ba akong isumbong kay Senyor Ernesto?" kasunod no'n ang malulutong na hagalpakan sa paligid.
Ikiniling niya ang ulo at pilit tinantiya ang sariling nararamdaman. Hangga't maaari'y ayaw niyang mapasok sa gulo lalo pa't ito ang unang araw ng kaniyang gagawing pamumuno.
"Ano nga bang laman nito?" sinilip nito ang laman ng mga tupperware.
"Oh, mukhang masarap parang mommy mo, nakakatakam..." mapang-asar na wika nito.
Sa puntong 'yon ay hindi niya kayang magtimpi dahil nadamay sa usapan ang kaniyang ina. Binunot niya ang baril na ibinigay sa kaniya ni Ernesto sabay na ikinasa kasunod ang pagtutok sa noo ng lalaki. Bumakas sa mukha nito ang gulat, ganoon din ang ibang naroon. Maging si Toper ay nawala ang ngisi sa mga labi nang ilabas niya ang nakamamatay sandata.
"S-Shawn... N-Nagbibiro lang naman ako," nauutal na wika nito.
Inayos nitong muli ang kaniyang pananghalian at inilagay muli sa kaniyang kamay.
"I will remind you again one last time, it's Lord Shawn," binigyan diin niya ang kaniyang pangalan.
Mabilis na tumango ang lalaki ngunit kasunod nito ay pumailanglang ang putok ng kaniyang baril sabay ang pagsabog ng dugo sa kaniyang mukha.
"Putang'na ka, Shawn!" galit na sigaw ni Toper dahil sa ginawa niyang pagbaril sa ulo ng lalaking kaniyang kaharap.
Akmang susugod ito kasama ang ilang mga tauhan ngunit sunod-sunod na kasa ng baril ang narinig sa paligid. Napatigil ang mga ito sa balak na gawin. Sa isang kisap ng mga mata, naliligiran na sila ng mga tauhan ni Senyor Ernesto hawak ang kani-kanilang armas at handang pumatay upang proteksyonan si Shawn.
Muli siyang ngumisi habang inaalala ang pinakahuling bilin ng kaniyang ama bago siya umalis,
''Patayin mo sila kung kinakailangan.''
Pinunas niya ang dugong tumalsik sa kaniyang mukha bago nilagpasan ang bangkay. Tumigil siya sa harap ni Toper at malamig na tiningnan ang lalaki.
"Linisin mo ang kalat," bulong niya kay Toper.
Umigkas ang panga nito sanhi ng matinding galit ngunit walang magawa. Isang ngisi ang iniwan ni Shawn sa lalaki bago ito nilagpasan.