"Sino si Uno?" tanong niya kay Zeus na nasa kaniyang tabi sapo ang balikat na may tama. Siya ang nagmamaneho nang kotse palayo sa lugar kung saan naganap ang engkwentro. Pumikit ito ng mariin na tila ayaw sagutin ang kaniyang katanungan. Umigkas ang kaniyang mga panga sabay tapak sa break ng kotse na naging dahilan ng pagsalya nito sa unahan ng sasakyan. "What the hell?!" reklamo ni Zeus habang sapo ang noo na nauntog sa dashboard ng kotse. Kunot-noo itong tumingin sa kaniya. "Hindi mo ba narinig ang tanong ko? Sino si Uno?" ulit ni Shawn sa sinabi. Muli itong kumamot sa ulo sabay na umayos sa kaniyang pagkakaupo at sumandal sa upuan. "Walang nakakaalam kung sino si Uno," nakatingin sa bintana nitong tugon. Lalong nagsalubong ang kaniyang kilay sa naging sagot ng kaniyang tagapaglingko

