"Ang pinapagawa ko sa'yo? May balita na ba?" tanong ni Shawn sa kaniyang tagapaglingkod na si Zeus. "Patawad Lord, nabigo ko kayo. Wala akong mahanap na kahit na anong bakas ng babaeng umiwan sa'yo, dalawampung taon na ang nakalilipas. Ang mga gusaling kalapit ng inyong mansyon ay hiningian ko na ng kopya ng CCTV footage mula sa panahong 'yon ngunit ang lahat raw ng data ay burado na lalo pa't may katagalan na rin na nangyari," wika ni Zeus na nakatingin sa sahig na tila ayaw salubungin ang kaniyang tingin. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Shawn dahil sa narinig. Mukhang mahihirapan siyang tuklasin kung sino nga ba ang kaniyang tunay na mga magulang. "Sa mga police station? Sinubukan mo na bang magtanong sa mga koneksyon natin doon tungkol sa kaso ng mga batang nawawala o kaya'y

