"Nakahanda na ang lahat, Lord. Ang hudyat mo na lang ang hinihintay namin," ani Zeus na nakatayo sa kaniyang harapan na kargado na ng armas. Ito ang araw na bubuwagin nila ang grupo nina Connor Fuentes na siyang isa sa pinakamalalaki nilang katunggali sa negosyo. "Kung nagdadalwang-isip ka'y si Toper na ang uutusan kong mamuno sa pag-atake. Matagal na niyang gawain ito't ni minsa'y hindi siya sumablay. Ipagkatiwala mo na 'to sa'ting mga tauhan," wika naman ng kaniyang ama na naroon din sa lihim na silid na kung saan limitado ang pupuwedeng pumasok. Kinuha niya ang baril na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ikinasa niya 'yon kasunod na isinuksok sa kaniyang baywang. "Ako ang siyang nagplano sa pag-atake na 'to ngayong gabi. Ito rin ang pinakaunang pagkakataon na papatunayan ko sa'yo na hin

