"Nasaan ang ibang mga tauhan?" aniya ng makarating sa hide-out. Lumingap siya sa paligid at napagtanto na wala ang grupo nina Topher. "Ipinagkatiwala ni Senyor ang isang transaksyon kina Topher dahil nabigo tayo no'ng huling delivery Lord," sagot ni Zeus sa kaniya na nakabuntot habang nililibot niya ang paligid. Nagkiskisan ang kaniyang mga bagang, naungusan nanaman siya ni Topher dahil sa kapalpakan na nangyari. "Kasalanan ito ng Axel na 'yon. Sa susunod na magkrus ang landas namin, papatayin ko talaga siya." Wala siyang narinig na kahit anong salita kay Zeus. Hindi na lingid sa kaniyang kaalaman na nagkaroon na dati ng ugnayan ang dalawa kung kaya't tiyak na marami itong alam kay Axel. Tumigil siya sa paglakad at pumihit paharap dito. Tumigil din ito sa paglakad at walang emosyon na

