"'Toy, narito na tayo," tila takot habang lumilingap sa paligid ang driver na naghatid sa kaniya. Maging ang babaeng kaniyang katabi ay hindi mapakali. Pasilip-silip ito sa bintana at panay ang lingon sa plaigid. "What's the f*****g problem with you two?" he asked angrily before opening the taxi door and quickly go out. Akmang papasok na siya sa loob ngunit isang palad ang pumigil sa kaniya. "Teka nga, sandali!" pigil ng babae. Kunot-noo na nilinga niya ito sa loob ng kotse. "What?!" bulyaw niya sabay piksi. "Aba e 'yong bayad mo po mister? Inabala mo lang naman ako, wala akong pangbayad pabalik dito kay manong," ani ng babae. "Naku ineng, huwag mo ng alalahanin. Ihahatid kita pauwi dahil sobra-sobra itong ibinayad nang nobyo mo," malawak ang ngiting wika ng driver. Umaliwalas bigla

