CHAPTER 11- FRIENDS

4134 Words
Sabay kaming naglunch nila Thea at Julianna, nabigla pa nga ako ng kasabay pala namin si sir Rage. Kaya pinagtitinginan tuloy kami ng ibang empleyado na pumapasok sa fast food na kinainan namin. Mabilis kong natapos yung trabaho ko na hindi ko na ikinabigla, pakiramdam ko kasi ay wala akong magawa kaya pinagtuunan ko talaga ng pansin yung mga gagawin ko. Nang makauwi naman ako dito sa condo ay naglinis ako,nang matapos ay kumain ako ng konti at natulog na. Araw-araw na ganon lang ang routine ko, nasanay na nga yata ako. Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng makita ko si Azrael sa office,simula non ay wala nakong balita sa kanya. Wala naman din akong balak magtanong,maingat din naman sa pagkekwento si thea at julianna,tingin ko ay iniiwasan talaga nilang mapagkwentuhan si Azi. Speaking of Julianna, Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at talagang hindi nya na tinago yung relasyon nila ni Sir rage na dati naman ay halos iwasan nyang mangyari, Sabi nya ay kailangan na daw kasing malaman ng lahat na merong sila ni Sir. Naalala ko tuloy yung offer ni sir rage nung minsang pinatawag nya ko sa office nya,gagawin nya daw akong manager pero hindi dito. sa Ilocus Sur daw, may branch kase sila don. Kaya lang ay tinanggihan ko,ayokong umalis dito sa Manila. Alam ko naman na ginagawa nya lang yon para mapalayo ako kay Azrael Birthday ngayon ni Sir Rage, nagpaplano sila na magpunta daw sa Tagaytay kung san may vacation house si sir rage,inaaya nila ko kaya lang baka kasama si Azrael dun. Sigurado naman yon kasi kaibigan nya si Azi, Ang alam ko pa naman family and friends ang invited. Kinuha ko ang phone ko ng mag ring ulit ito "Hello?" "Kate,sumama kana. On the way na kami sa condo mo. baba kana lang agad ah?" "Ha? Julianna,ayoko kasi. may gagawin ako ngayon" "Anong gagawin mo? Dont lie to me,iniiwasan mo lang si Azrael kaya ayaw mong sumama" Natahimik ako sa sinabi nito kaya tumikhim nalang ako "Kate, show him that its ok to live without him. Your Azrael is been partying and hanging out with his friends these past few days,kaya anong minumukmok mo dyan?--Ano ba thea,balik mo nga yan!" Nadinig ko pang nag agawan sila sa phone ni thea. "Hello?You still there?" "Kate" Nanlaki ang mata ko "Sir Rage?" "Mag ayos kana kagad,pack your clothes for two days. I'll hang up now" "Pero si.." Napatingin ako sa phone ko ng mamatay na tawag. Damn! Napapikit ako at agad na ding bumangon sa pagkakahiga, naghilamos lang ako at nag toothbrush. I bun my hair and put a lip gloss in my lips, nag crop top ako at maong shorts,i wear my sneakers too. Kinuha ko yung bag ko at naglagay ng ilang damit,hindi ko na nga alam kung anong pinagsisilid ko. Hinablot ko lang yung charger at headset ko at bumaba nako. Damn,ni hindi ko na nakuhang maligo. Nag antay nalang ako sa baba nitong condo na tinutuluyan ko Napabuntong hininga ko ng maalalang may posibilidad na kasama si Azi,anong gagawin ko pag ganon? at talaga bang sa ilang araw na umiyak ako at nag mukmok nagpaparty lang si Azi? Hindi ba sya affected sa nangyari? Napangiti ako ng mapait, tanga kaba kate? Tingin mo iiyakan ka din nya? You hurt him. Nang may bumusinang montero sa harapan ko ay kumaway ako dito at naglakad na palapit,pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay muntik nakong tumakbo pabalik sa loob ng condominium. Awkward na ngumiti sakin si Thea"Hi kate, sakay na" Fuck! parang may dumagan na kung ano sa puso ko. Ngumiti nalang din ako dito at sumakay na sa tabi ng babaeng hindi ko pa kailanman nakita "Lets go rage" mahinang sabi naman ni Julianna Hindi ko alam kung panong galaw ang gagawin ko dito sa upuan ko,hindi din ako makatingin sa kanila. "I ask Josiah to use your car instead pagsunod nya sa Tagaytay,maaayos naman agad yon" Napatingin nalang tuloy ako kay sir rage ng magsalita ito. "Yeah,para pag uwi ay komportable na sa sasakyan si Kiara" Napakagat ako sa labi ko ng makita ang paglapat ng kamay ni Azi sa umbok ng tiyan ng babaeng katabi ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng mag bivrate ito Thea Nasiraan sila on the way here, wala kaming nagawa kundi isakay sila. were actually surprised that he brings her! We dont know kate,were sorry. Nilingon ko nalang ito at ngumiti, she apologetically smile. What can i do? Nandito na,theres no turning back. Tahimik lang kami sa biyahe,maya't maya ay nadidinig ko ang pag tatanong ni azrael kay kiara kung ayos lang ba ito o may kailangan. Im jealous alright, But i did my best to compose myself. Kinuha ko nalang ang headset ko at nakinig sa tugtog dito,humilig nalang ako sa gilid nitong inuupuan ko at pumikit,susubukan kong matulog nalang. Pero ilang minuto palang akong nakapikit ng may nadaanan yatang lubak kaya nauntog ang ulo ko sa sinasandalan ko. Napahawak kagad ako sa ulo ko,natanggal nga din yung headset sa kanang tenga ko. "Are you ok?" Napabaling ako ng tingin kay kiara ng ngumiti ito sakin. Parang kinurot naman bigla ang puso ko at ngumiti pabalik dito at tumango, tumingin na ito sa harapan kaya malaya ko syang napagmasdan. Curly ang buhok nito at lagpas balikat, sexy ang katawan nito kahit na buntis pa. Nakasuot ito ng floral na bestida,naka flat sandals din ito. Napansin ko din ang natural na pamumula ng pisngi nito at ganon din yung labi nya, she has a chinky eyes and pointed nose. Pag natatamaan ng araw ang buhok nya ay nakikita ang highlights nito. may pagka tan yung kutis nya na lalong bumagay sa kanya Shes perfect, hindi nako magtataka kung magustuhan nga agad sya ni azrael. Napabaling ng tingin sakin si Azrael at kumunot ang noo ng mapansing tinitigan ko si kiara,napahiya naman ako at nag iwas na ng tingin. Pagkadating namin sa Tagaytay ay sinalubong agad kami ng hangin,maganda ang vacation house nila sir rage. Kita mula dito ang kabuuan ng Tagaytay! Malaki din ang bahay at halata ang mga mahahaling gamit dito, punong-puno din ng mga bulaklak yung paligid ng bakuran,may nakita pakong dalawang table at mga upuan sa garden,may swing din dito. Nang pumasok kami sa loob ay wala kang mapapansin kung hindi black and white, mula sa pintura at mga gamit. Nilibot nya din kami sa taas kung nasan ang swimming pool nila, nung una akala ko ay kwarto ang papasukan namin. pero ng buksan nito ang glass door at hinawi ang makapal na kurtina ay agad naming nakita ang may kahabaan ng swimming pool pero ang ikinamangha ko ay napapalibutan ito ng thick glass wall kung san makikita mo padin yung buong tagaytay. "Wow rage. you own this?" namamahanga ding sabi ni kiara Tumango naman dito si Rage "You like it?" Umiwas nako agad sa mga ito ng madinig kong magsalita si Azi. Nagkunwari nalang akong nalilibang sa mga paintings sa labas nito Naabutan ko naman dito si Julianna na kakababa lang ng phone nya. "Oh,bakit dika pumasok?" tanong nito "Nakita ko na yung pool,gusto ko lang makita pa tong mga paintings" Nagtaas ito ng kilay "I didnt know that you have a thing on paintings dapat pala ay masabi kay rage na regaluhan ka ng isa" Napanguso ako "Hindi na kailangan,tyaka wala pala kong dala na regalo kay sir rage. hindi ko na kasi napaghandaan" Umiling ito "Wag mo na regaluhan yon,lahat yata kaya namang bilin non" Natawa nalang ako dahil totoo naman,kahit anong iregalo kay sir rage mukang meron na sya o di kaya naman ay kaya nyang bilin. "May apat pa kaming kwarto dito, san ba kayo Azrael?" Sabay naming nilingon ni Julianna sila sir rage ng lumabas ito. "Kahit saan nalang" Tumango naman si sir rage "Ok sige,dyan nalang kayo sa unang kwarto." "Alright,ok lang ba pumasok na kami don para mababa na din namin tong mga gamit?" tanong nito kay sir rage "Sure." Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa makapasok sila ng kwarto "How about you Kate?" "Ok lang ba na magkasama nalang kami ni Thea sa isang kwarto?" Napalingon naman sakin si thea "Ha?" Tumawa si Julianna "Magtatabi kasi sila ni Josiah,tyaka drop the formality kate. pansin ko sir ka ng sir kay rage" Ngumiti naman si sir rage at umakbay kay Julianna "Exactly kate,wala naman tayo sa office. You can call me Rage" Nahihiyang tumango ako dito "Ok" Sinamahan ako ni Thea sa magiging kwarto ko,im sure tabi nga sila ni Josiah mamaya pagdating non.Hindi manlang nagkekwento sakin tong babae na to kung ano nabang meron sa kanila ng josiah na yon. Tulad ng nakagawian ay nilagay ko nalang sa isang tabi yung bag ko at hindi na nag aksaya pang ayusin ito "Ano kayang naisip ni Azrael at sinama nya yung kiara na yon?" Bumuntong hininga nalang ako"Hayaan mo na" Umirap ito "Mamaya dadating yung ibang pinsan ni rage,yung mommy at daddy nya kasi hindi naman daw pupunta" Tumango nalang ako dito at naupo sa kama,nilibot ko ang paningin ko. Maaliwalas ang buong kwarto, nakahawi ng maayos ang makapal na kurtina. Kulay dilaw ito na para bang kakulay ng sinag ng araw na tumatama sa kwarto, nakaayos ang isang maliit na book shelf sa may gilid ng glass wall,may sofa din dito at coffee table sa harap. "Lalabas lang ako,tutulungan ko si julianna maghanda ng mga pagkain. Ikaw ba?" Napatingin ako kay thea na palabas na ng pintuan,ang akala ko nga ay lumabas na ito. "Susunod ako" "Sige" lumabas ito at sinarado ang pinto Napapikit ako at nakahinga ng maluwag,kanina ko pa gustong mapag isa. Masyado kong nakakaramdam ng tensyon dahil kay Azrael, parang hindi talaga kami magkakilala na dalawa kung umakto sya. Kahit tingin nga hindi nya ko magawang tignan Nang kahit papano ay maayos na ang pakiramdam ko ay tumayo nako at lumabas, nakarinig pako ng tawanan pagbaba ko. Lumingon naman sakin si Kiara na kumakain ng strawberry. "Hi kate,kain ka" nakangiti ito ngumiti nalang din ako "Sige,busog ako." Katabi nito si Azrael na tahimik lang na nakaharap sa cellphone nya. Tinignan ko nalang yung hinahandang pagkain nila Julianna. "Kate, you know how to make grahams diba?" Napalingon ako kay thea at nakitang may hawak itong mga manggang hinog. "Medyo matagal na kasi nung huli kong gumawa nyan,pero tanda ko pa naman kung pano" Inabot nito sakin yung mangga "Ikaw na nga gumawa nito oh, i dont know how to make that." Tumango ako dito "Sige" Naihanda na naman pala nya yung mga gagamitin kaya hindi nadin ako nahirapan, naghihiwa ako ng mangga ng lumapit sakin si kiara. "Can i have one? nag kecrave ako" ngiti nito sakin She's always smiling at me. Kumuha ko ng isang mangga at hiniwa ito tyaka binigay sa kanya "Thankyou kate" agad nitong kinain yung mangga at tumabi ng upo kay Azrael Inaayos ko yung grahams sa Tupperware ng madinig kong pinipilit ni kate na kumain ng mangga si Azi,napapasulyap tuloy ako sa kanila. "You should try this Az. Masarap kaya"Tinapat nito sa bibig ni azrael yung mangga pero umiwas lang ito "Just eat that" kunot noong sabi nito at tinuon na ulit ang tingin sa phone nya "Lagi mo naman akong tinatanggihan,why are you like that?" Binaba ni kiara ang hawak nyang mangga. Tumikhim ako "May allergy sya sa mangga" Sabay pa silang napa tingin sakin. C'mon, its just a piece of information. Nang mapatingin ako kila Julianna at Thea ay mukang natigilan din sila, si Rage naman ay nagpipigil ng tawa. Lumingon ulit ako kila Azi at nakitang nakatitig lang ito sakin,nagbaba nalang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Dapat ba hindi nalang ako nagsalita? Nakatapos na kami lahat sa ginagawa namin, pagkatapos nga kumain ay nag ayang mag gala sila Julianna at Thea. Hindi sumama si Azi at Kiara,mas gusto daw nilang magpahinga muna. Nagpapagasolina si Rage, uh seriously. Im not comfortable calling him rage,mas gusto ko pa ang sir "Nakita mo kanina yung muka ni kiara nung sabihin mo na may allergy sa mangga si Azrael? mygod,kala ko iiyak sya" Nilingon pa ko ni Julianna na syang nakaupo sa tabi ni rage. "I did not see her face,nagsisi din ako na sinabi ko pa" Naguilty naman tuloy ako. Umismid si Julianna "Ok lang yon,nag s*x sila ni Azi tapos wala syang alam dun sa isa?" "Julianna dont be so hard on kiara" Saway dito ni rage Sinamaan ito ng tingin ni julianna "Im not being hard on her,sinasabi ko lang yung totoo right thea?" Thea is busy in her phone,kanina pa sya pindot ng pindot dito sa tabi ko. "Josiah is on his way thea,will you stop texting him?" Kunot noong sabi ni Julianna. Natawa nalang ako ng ngumuso si thea at tinago ang phone nya "Youre being clingy,kayo ba?" Tukso ko dito Ngumisi ito at umiling Napansin kong naiiba na yung dinadaanan namin. "Where are we going?" "Taal lake" ngiti ni Julianna "Wow. Really? ngayon ko lang makikita yon" Im excited. Tumikhim si rage "Azrael texted me earlier. Susunod daw sya satin sa Taal lake" Napaiwas kagad ako ng tingin kay Rage ng sumulyap ito sakin. "How about kiara?" Thea ask her "Naiwan daw, ayaw sumama. wala yata sa mood" Napakunot noo ako "Iiwan nya si Kiara?" Tumango si Rage "Dumating naman daw yung nagbabantay nung bahay kaya may kasama si kiara" "Cant blame azi, he wants to have fun too" Nagtaas ng kilay sakin si Julianna "Hindi kaba magkaka stiff neck nyan? Lingon ka ng lingon sakin" Biro ko dito Tumawa ito "Hayy kate" at umayos na ito ng upo If i am kiara tapos buntis ako at ganon ako itrato ni Azi, baka mabaliw nako. ano nga ba ang trato sa kanya ni Azrael? Parang ok naman,maalaga nga sya. Im thinking nonsense Huminto ang sasakyan namin at nagpark si Rage kung saan madami ding sasakyan. "Dito nalang tayo,maglalakad na tayo papuntang Taal lake, pero aantayin natin muna si Azi." Bumaba na kami ng sasakyan, napahawak kagad ako sa braso ko ng lamigin ako. "San sumakay si Azi?" Takang tanong ko. Wala naman syang dalang sasakyan Ngumisi si Julianna at tinignan si Thea "Kasabay nya si Josiah" Nanlaki ang mata ni thea at natuon ang atensyon kay Julianna "Totoo?" "Oo, surprise dapat yon ni josiah. kala mo nasa manila pa sya diba? Well its not a surprise anymore." Humalakhak si Julianna Hinapit sya sa bewang ni rage "You spoiled the surprise" Ngumiti lamang si Julianna "Just act that youre surprise thea" she wink at her. Napailing si sir rage at ngumisi "Your friend is crazy" nguso nito kay Julianna We just laugh. Hindi naman kami masyado matagal nag antay dahil dumating naman agad sila Josiah at Azi. Pagkababa ni Josiah ng sasakyan ay agad syang ngumiti kay thea at niyakap ito. "Wow, wala manlang hi samin? Yakap agad ay thea?" Tawa ni Julianna Nang humiwalay ng yakap si Josiah ay nilingon nito si Julianna. "Sorry jul, i just miss your friend" Pinindot pa nito ang pisngi ni Thea. Bumaba na din si Azrael,nang magtama ang tingin namin ay napa iwas naman kagad ako. Naramdaman naman yata nila yung awkwardness kaya napatikhim nalang sila "Tara na?" Aya ni rage. "Lets go" Magkahawak kamay si Thea at Josiah ng kamay habang naglalakad,nasa unahan naman namin si Julianna at Rage na maglakad. Sumabay ako ng lakad kila Thea dahil ayokong makasabay si Azi na nasa likudan ko lang,pero nananadya yata tong dalawa dahil nung medyo paakyat yung dinadaanan namin ay nagmadali sila. Si thea feel na feel pano nay tumutulong sa kanya sa pag akyat,pinilit ko pa ding humabol sa kanila kahit medyo iwan nako. "Dont walk too fast, you might get hurt" His cold voice made me stop from walking, yes. Ganyan ang epekto nya sakin, napalingon tuloy ako dito at ng nakitang nakatingin sya ay naglakad na ulit ako. Panay kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba sa presensya nya o dahil sa kinausap nya ko? O baka dahil sobrang gwapo nya? Napairap ako. Seriously Kate? Gwapo? K! "Youre not wearing jacket, immune kaba talaga sa malamig?" Muntik na naman akong mapahinto sa paglakad buti nalang ay napigilan ko,kung kanina ay kumakabog lang ang dibdib ko. Ngayon nanginginig na yata ako,nanlalambot nga tuhod ko. Baka madapa pa ko Napatingin ako sa gilid ko ng sumabay sya sa paglakad sakin, Hes wearing a black long sleeves and khaki shorts, napalunok ako ng makitang suot nito yung sapatos na binigay ko sa kanya. Nang mag angat ako ng tingin ay lumingon ito sakin at kumunot ang noo "If you keep on staring at me you will fall" Napanguso ako at nag iwas ng tingin. "Baka madapa ka pa at ako pa ang sisihin mo" Nauna itong maglakad sakin Napakagat ako sa labi ko,gaga ka talaga kate. Damn! Akala ko ay fall talaga sa kanya. Yun pala ay fall na literal na hulog. Pano yung dinadaanan namin may bangin pala sa gilid pero medyo malaki naman yung daan at malayo kami don. Tumama yung sinag ng araw sa muka ko kaya napapikit ako,nagulat pako ng may humatak sakin "Azi!" saway ko dito dahil sa gulat Umangat ang labi nito "I thought you lose your voice" Sinamaan ko ito ng tingin "What?" Tanong nito. "Wear this cap" Hinubad nito ang cap na suot nya at sinuot sakin "and this" Sinuot nya din yung jacket na hawak nya kanina Aangal sana ko pero naunahan nako nito "Atleast dont say no to me this time Kate" bumuntong hininga ito at inalalayan ako sa paglakad pataas Hindi nako nakapag salita matapos nyang sabihin yon,tahimik nalang kaming dalawa. Nang makakita ko ng buntis na naglalakad ay naalala ko si Kiara, naglahong parang bula yung kahit papanong pag asa sa sistema ko na baka eto na ulit yung simula. Kaya nga pala ko tumanggi sa kanya at kaya kami nagkaganto dahil buntis si Kiara Tinignan ko si Azi na diretso ang tingin "Bakit mo iniwan si Kiara?" Mukang nagtaka ito sa pagtatanong ko kaya ng lumingon ito ay hindi na kagad mapinta ang itsura. "She doesnt want to come" Simpleng sabi nito,akala ko ay may idudugtong pa sya pero nanahimik na ulit sya. "Bakit hindi mo sya pinilit?" Hindi ito sumagot, ayaw nya ba na pag usapan namin si Kiara? "I ask her twice, pero ayaw nya talaga. Ayoko ng mamilit pa" Parang may tumusok sa puso ko at literal na kumirot ito. Bakit parang may iba sa sagot nya? Bakit masakit para sakin yung sagot nya. "T-then sana nag stay kana lang din, kawawa naman sya walang kasama. At tyaka malay mo gusto nyang mag stay lang kayo don?" Huminto ito kaya napatigil din ako,tumitig ito sakin "Do you hate me that much na gusto mong mag stay ako don? I get that you dont love me but will you stop showing that you dont like me?" Nanlaki ang mata ko, No.no. nagkakamali sya, iba yata ang naging dating sa kanya ng tanong ko. "N-no Its not like that Azi" "Stop it kate, sawang-sawa nako sa mga reasons mo" Hinawakan nito ang braso ko at sinabay pa din ako sa paglakad. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko, he's hurt. But he's still here with me, maybe he's mad at me but why he's holding me like this? Why he still cares? Why are you doing this Azrael? Tumulo ang luha ko kaya agad kong pinunasan yung nasa pisngi ko. Siguro kung sa ibang pagkakataon to,siguro kung ayos kami ni Azi ay mas maaappreaciate ko yung mga tanawin habang paakyat ang lakad namin. Siguro hindi ako makakaramdam ng pagod "Are you tired?" tanong nito ng medyo malayo na ang nalakad namin Umiling ako "Are you?" Pagod itong ngumiti "Yes,but i cant let you go on your own" My heart fell again for the nth time,but its still not strong enough because its still can easily broke "Malayo pa ba tayo?" napatingin ako sa paligid. "I think so" Pinitas nito yung Tulip na nadaanan namin "This is your favorite flower right?" lingon nito sakin "Yup" tipid akong ngumiti dito Inabot nito sakin yung tulip "Its for you" Nag alangan akong kunin ito "Thanks" Tumango ito "Kate" "Hmm?" "I hope youre not regretting knowing me" Mapait itong ngumiti Agad akong umiling dito "Ofcourse not,masaya ko na nakilala kita Azi" "Yeah." Nang makarating kami sa taas ay agad naming nakita ang Taal lake,nawala ang kaninag pagod na nararamdaman ko, i smiled. Nilabas ko yung cellphone ko at pinicturan ito, ang ganda ng tubig. kung hindi mo nga iisipin na taal lake ito ay baka maisipan mo nalang maligo don. "Hindi ba tayo pwede pumunta don?" Turo ni thea sa mas malapit kung saan mas makikita mo ang taal lake,at mukang kanina pa sila nakadating dito kesa samin ni Azrael. Mas nauna kasi silang maglakad samin,nawala na nga sila sa paningin namin kanina. "We cant. Hindi naman tayo maliligo" Inayos ni Josiah ang buhok nito ng magulo iyon Rage and Julianna is busy on taking their picture together, minsan ay pinipicturan sya mag isa ni Rage. Gusto ko din magpicture, I tried to take a selfie of me with Taal lake. Nakailang shots pa ko dahil hindi ako makakuha ng magandang anggulo. "You want me to take you a pic?" Binaba ko ang cellphone ko at tinignan si Azi na nakamasid lang sakin "Uhm,ok lang ba?" Alangan na sabi ko dito "Yup." Inabot ko dito yung phone ko "Ok, smile" Napangiti agad ako. Tinignan nito yung picture ko "How about you sit while im taking your pic?" nilingon ako nito "Ah sige" naupo nalang ako "Ok na to?" Tumango ito "Smile kate" I smiled again but my smile fade when he smiled back. "Its done" Tumayo nako at inabot nito sakin ang phone ko "Salamat" Tumango lang ito at lumapit kila Josiah na kumukuha ng picture. Tinignan ko yung kuha nya sakin. The first picture is fantastic, tumama sakin yung sinag ng araw pero hindi against the light,nakadagdag nga ito sa ganda nung picture lalo na nung kitang-kita mismo ang Taal lake. Nang inext ko na yung picture ay mas maganda ito, parang mas malapit kasi ako sa Taal lake. Napakunot noo ako ng may mapansin sa picture, Nakita yung anino ni Azrael dito at saktong-sakto sa tabi ko. Napangiti nalang ako bigla, ginawa ko agad itong wallpaper. "Mag picture kaya tayong lahat,remembrance lang" Pumwesto agad sila kaya sumama na din ako. Nang nakapwesto na kami ay nagkatinginan kami at natawa "Sinong kukuha ng picture?" Natatawang tanong ni Julianna "Magpapicture tayo" suggest naman ni rage. Ganon nga ang nangyari,nakauto si rage ng kukuha ng picture namin,ilang shots yung kinuha samin bago ibalik yung phone. "Yung dalawa wala pang picture" nakangising sabi ni Josiah Agad akong umiling "Ok na yan,tara na. baka dumating na relatives ni rage" Ngumiti naman ito "Di na sila pupunta,next week nalang kami magkikita-kita" "Yun naman pala, sige na mag picture na kayo ni Azrael,kate. minsan lang to" Tumikhim ako at tinignan si Azrael,tumango lang ito. s**t. Wala nakong nagawa at pumwesto sa tabi nito Tumawa naman sila "Kasya pa isang tao sa gitna nyo ah? Magdikit naman kayo." Tukso ni Julianna Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi ako pinansin,aalma na sana ko ng akbayan ako ni Azrael at nanlalaki ang mata kong napatingin dito. "Good shot!" What? Tumingin ako sa mga pasimuno nito. "Kinuhanan nyo na kami?" Tumango naman sila at ngumiti. "Oh sige isa pa" tawa ni Josiah Ayoko ng maulit yung unang picture kaya ngumiti nako,kaya lang ay bumaba ang kamay ni Azrael at hinawakan ako sa bewang. What the hell is he doing? Napakagat ako sa labi ko at namula. "Tara na" Napakunot noo ako,huh? tapos na? "Lets go kate! feeling highschool te?" ngumisi sakin si Julianna "She froze" tawa ni thea "Hey,lets go. we cant missed Sky ranch" Lumingon ako kay Azi,ngumiti ulit ito. "We can still be friends right?" Friends? Why not. i smiled bitterly. "Ofcourse Azi" Nilahad nito ang kamay nya,inabot ko ito. "Lets go" Sabay kaming naglakad habang magkahawak ang kamay. Gayle Writes
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD