SPECIAL CHAPTER

2008 Words
Akala ko nung una lahat ayos na, Yung masaya lang. Wala ng problema, Kasi pakiramdam ko I've been through a lot, Yung pain at struggles na naranasan ko sa buhay parang sobra-sobra na. But then I was wrong. "Ano na naman bang problema mo?" Hindi ko to pinansin at nilagay ang plato na pinagkainan namin sa kusina. Yes, Kumain kami ng hindi nagpapansinan. Good thing, Wala dito ang anak namin at nandon sa mga lolo at lola nya. Alam mo yung pakiramdam na ang sarap-sarap umiyak kasi hindi ka nya maintindihan? Na instead na magalit din sya sana intindihin ka kasi kahit ikaw dimo na maintindihan yung sarili mo. Na alam naman nya na ganto ugali ko pero bakit dipa sya nasanay? Gusto kong isigaw sa kanya na Oo! Alam kong pagod kana. Pero lalo na ko, Kasi pati ikaw dimo ko maintindihan. "Bahala ka nga sa buhay mo" This is one of the main reason why I'm like this, Tama pala sila. Habang tumatagal, May nagbabago. May nawawala na nakasanayan mo. Dati pag ganto kami, He usually want to make up things for me. Nakikipag usap, Pinipilit ako. Kinukulit kahit nakakapagod ako, Magtyatyaga sya sakin. Kasi lagi nyang sinasabi na mahal nya ko at ayaw nyang ganto kami. Pero habang tumatagal, Nawawala na yung ganung care nya sakin. Bilang ko nalang ngayon kung ilang beses sya nag a-iloveyou sakin na dati naman halos oras-oras sinasabi nya. Masakit, That's the only one word that can describe to what I feel. Nang nawala na sya sa paningin ko, I started to cry. Kasi pakiramdam ko hindi na ko ganon kaimportante para pag aksayahan nya ng panahon tulad ng dati, Oo alam ko may mali ako. Sobrang sensitive ko, Alam ko nahihigpitan ko sya. Pero bat ko naman kailangan maramdaman yung ganto? I feel unwanted. Pinunasan ko yung luha ko kasi pakiramdam ko din wala akong karapatan umiyak, I've lost myself. I've lost myself while I'm giving all the love that i can give for everyone, Walang natira sakin, Kaya sobra kong masaktan kasi nawalan nako ng pakielam sa sarili ko. Nang makita ko syang pababa ng hagdan ay tumalikod ako at kunwaring naghuhugas na lang ng pinagkainan, But deep inside? Parang binibiyak yung puso ko. Everytime we're like this he never say sorry. I know that I'm wrong but is it hard to understand that woman changed her mood sometimes? "Aalis muna ko" I swallow the lamp in my throat just to answer him without breaking my own voice. "Sige, Ingat ka" Wala nakong nadinig mula sa kanya at nadinig ko nalang ang paglabas nya sa pintuan. Para kong nanghina pagtapos, Yung gugustuhin mong sabihin sa sarili mo na. Yan ba? Yan ba pinili mo na sabi nya noon aalagaan at mamahalin ka? But what can i do? I chose this. Sa sobrang pagka manhid ko na nga, Ako lagi yung unang nag aaproach pag ganito kami. Ako laging sumusuko, Minsan pakiramdam ko unfair na. Nakakapagod na, Kaya lang diko na din alam gagawin ko kasi mahal ko e. Sobrang mahal ko. Natapos yung araw na wala akong ginawa kundi mag isip lang at umiyak, I want him to know that im hurting. Pero kahit anong gawin at sabihin ko, I dont think he's aware that im actually having a heartache because of him. Sometimes he'll see me crying but then wala naman syang gagawin, Kaya minsan parang ayoko nalang din pakita sa kanya na nasasaktan ako kasi wala din namang kwenta. Nanunuod ako sa kwarto namin ng dumating to galing trabaho, Deretso lang ito at hindi ako pinapansin. Tumikhim ito, "Kumain kana?" Diko alam kung minsan tanga lang ba talaga ko o sobrang gaga? Yung kahit anong tiis ko sa kanya hindi ko makaya. "Hindi pa, Inaantay kita" Tumango ito, "Sige kumain muna tayo. Punta ko kila Jack pagtapos ha, Birthday kasi. Iinom kami" Napabuntong hininga ako at di sumagot dito. "Tara na" Hindi ako kumilos sa pagkakaupo, Hindi ko din sya tinitignan. I mean, Hindi kami okey diba? Tapos ngayon kakain kami tas iinom sya? Oo ayos lang, Kaya lang di ba pwedeng mag spend ng oras sakin kasi hindi kami okey e. "Oh? Ano na namang problema mo?" Tinignan ko to "Wala" "Wala, Eh dika na naman makasundo. Sige! Di na ko iinom" "Sinabi ko ba na wag kang uminom?" Kumunot ang noo nito "Bat ka pala ganyan? Pag iinom ako o magbabasketball lagi kang ganyan, Dika makasundo. Ano gusto mong gawin ko? Sige simula ngayon hindi ko na gagawin yung mga gusto ko" Tumalikod to sakin at lumabas ng kwarto Sa sobrang sama ng loob ko ay sinundan ko to palabas. "Alam mo kung anong problema sayo ha?!" Lumingon to sakin "Oh ano?" "Ang manhid manhid mo!" I really didn't want to cry but my own eyes betrayed me. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Anong manhid? Ano ba Sinasabi mo?" "Manhid ka, Hindi mo manlang inaalam yung nararamdaman ko" Kumunot ang noo nito at lumapit sakin "Hindi ko alam pero iniintindi ko kate, I don't know what exactly the reason why we are like this but I'm still trying to understand you!" "No Azi! You're not trying. Kasi kung iniintindi mo ko then why I feel like s**t? Bakit ang sakit ng nararamdaman ko? Why do I feel like you don't actually know me." Umiling ito "We're both tired kate, Magulo pareho ang isipan natin. Kung pareho tayong magtatalo ngayon baka kung san lang mapunta to, I'll just go outside. We'll talk later" "Kahit mamaya tayo mag usap it doesn't change the fact that we're not that really good" Umiwas ako ng tingin dito "Nasasabi mo lang yan kasi pareho tayong di maintindihan yung nangyayari. Okay sige, Hindi tayo ayos. So? I still love you though, Please chill. Mamaya nalang tayo mag usap." Hindi ako sumagot dito pero naramdaman ko ang pag alis nya, Ako nalang ba ang may problema saming dalawa? Why does it seem na ako lang naman yung sobrang magpaapekto? He cares but it wasn't enough for me, Maybe because I care too much and he isn't? O hindi ko nalang napapansin dahil mas nakatutok na ko sa sariling emosyon ko? Maybe I was wrong as well, But why should I need to blame myself for this? Isn't it enough that I'm hurting? Well then, Siguro mas maganda kung pareho nga muna kaming magkaron ng space. Having a family isn't that easy.Really, Dapat isipin ko din yung anak namin at hindi yung sariling kapakanan ko lang. Instead of crying again, Mas minabuti ko nalang na maglinis ng bahay. After that ay nagbabad nalang ako sa shower, I watch movie while eating some snacks. Sa ganong posisyon ako naabutan ni Azi ng dumating sya. "Bakit hindi kapa natutulog?" Nilingon ko ito "I'm still watching, I prepare some foods. Kain kana lang dyan, Kumain na kasi ako" Tumango ito, Akala ko ay tutuloy na sya sa kwarto para magbihis pero nakatayo pa din sya malapit sa pintuan. "Bakit?" Kunot noong tanong ko dito "Ok kana?" Okay na ba ko? I wasn't still okay pero pagod na ko mag isip at makipag talo, I just nod at him at continue watching the movie. Nagtatalo yung kalooban ko na ayusin nalang to at hayaan na lang pero naisip ko pag hinayaan ko to, Uulit na naman. Masasaktan na naman ako at mag iisip tapos ano? Ganon pa din ulit. I think we both need to know na merong mali sa pagsasama namin na kailangan namin maayos. Alam ko naman na may mga bagay na dapat kong baguhin at ganon din sya, This relationship will not work if we're both having a hard time analyzing who is at fault. Dumiretso agad ito sa kusina, Hinanda ko naman na ang pagkain nya. Kailangan nalang nya ihanda plato nya, Hindi ko din naman kayang tiisin sya ng sobra. Alam ko parehong mataas pride namin, Gusto kong makipag ayos pero pinipigilan ko lang yung sarili ko kasi gusto ko sana marealize nya kung bat ako nagkaka ganto. Kanina Nag backread pa ko ng message naming dalawa, I don't usually deleted some messages lalo na at importante sakin. Napapangiti na nga lang ako mag isa kanina, Kasi sobrang sweet nya. Totoo nga sinasabi ng iba na madaming pwedeng magbago habang tumatagal kayo. He's not showy, Mas maeffort ako sa kanya aaminin ko yon. I'm the one who will gave him all the gifts and such, Mas madalas ako yung mag surprise sa kanya. Hindi naman ako nag aantay ng kapalit, Kaya lang minsan syempre diko maiwasan mag expect na baka isurprise nya naman ako minsan lalo na pag may special event. But then, Wala. Ayos lang naman yon kasi pag mahal mo wala ka dapat antayin na kapalit sa lahat ng bagay na ginagawa o binibigay mo para sa kanya, Kailangan bukal sa loob mo kasi kung hindi then maybe you don't love him or her enough. Tayo kasing mga babae madalas naman talaga nasa point tayo, Totoo yon! Lalo na at kung matured ka naman na mag isip, Ang problema kasi minsan sa mga lalaki porke akala nila nagtatampo na tayo at o nagagalit, Tinotoyo lang. Para bang hindi na importante sa kanila nararamdaman natin kasi tinotoyo lang tayo when in fact kaya naman ganon dahil may dahilan, Hindi naman siguro tayo totoyoin ng wala lang diba? They should know the reason behind the toyoin wife and girlfriend that they have. I just heard him call my name kaya nilingon ko ito. "Kain tayo" Nginitian ko ito, Oo na marupok nako. "I'm done, Kumain kana" Bumuntong hininga ito at nilapitan ako, "Look babe. I'm sorry for what happened" I just look at him, Gusto ko munang marinig ang side nya. "Alam ko may mga bagay na naninibago kana at hindi ko yon napapansin agad, Siguro nga manhid ako. But trust me, walang nagbago sa pagmamahal ko sayo. I'm still Azrael that you know, Your husband." Yumuko ako at naramdaman na naman ang pamilyar na malakas na pagtibok ng puso ko at ang pag agos ng luha ko. Agad itong umupo sa tabi ko at kinuha ang kamay ko "Hey, Please don't cry, Im sorry" Umiling ako, "I just want you to realize that sometimes I really need you to appreciate me as your wife, Oo naninibago lang talaga ko. I'm just.."pinunasan ko ang luha ko at tumingin dito "Hurt" Tumulong ito sa pagpupunas ng luha ko "I'm sorry babe kung diko napapansin na nasasaktan na kita, From now on I will promise you na aayusin ko na lahat sating dalawa. Nangako ako na mamahalin lang kita at hindi papaiyakin, But look at you now" Hinawakan nito ang muka ko "Look at me" Tinignan ko ito. "Kapag pakiramdam mo nagbabago na ko, Sabihin mo sakin ok? Ang top priority ko dito ay mapasaya kayo, Iloveyou hmm?" Tumango ako "I'm sorry too azi" Umiling ito "No, You don't need to say sorry. Hindi mo kasalanan na maramdaman yan" Niyakap ko ito, "Iloveyou" He kiss my nose and then my lips "I love you too babe" And he whispered "Always" May mga bagay talaga na kailangan natin na ishare sa mga partner natin lalo na at kung mag asawa na kayo at may anak na, Minsan kasi nakakalimot na din tayo sa kung saan tayo nagsimula at bakit nyo nabuo yung pamilya na meron kayo ngayon. Once you already have a problem, Fix it. Wag patagalin, Mahirap patagalin ang isang problema lalo na at sa pagitan ng mag asawa. Dadating talaga yung oras na para bang hindi nyo na maintindihan yung isat-isa, Yung pakiramdam nyo nakakasawa ng intindihin lahat ng nangyayari sainyo. Kaya palagi mo iisipin kung san talaga kayo nagsimula, Para masabi mo na. Bakit ko sasayangin lahat ng pinagdaanan namin kung mapupunta lang sa wala? You build a relationship that you promise that will last forever, Kaya sa bawat problema, Hanapin nyo lang yung solusyon sa pagmamahal. Kasi once na matibay ang pagmamahal nyo, Walang kahit anong makakapag pahiwalay sainyo. Gayle Writes
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD