CHAPTER 9

1748 Words
Chapter 9: KIDS Company "MAY crush ka kay Kuya Alked!" "Tumahimik ka nga, Alley!" parang maiiyak na sabi ko sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pangisi-ngisi pa siya nang pareho kaming nakarinig ng sunod-sunod na pagtikhim. Mariin na napapikit ako dahil sa inis na nararamdaman. Nakakainis naman talaga si Alley! Kung ano-ano na ang pinagsasabi niya kanina! Nakakahiya na sa pinsan niya, baka isipin nito na crush ko nga ito! Hindi ko nga ba talaga siya crush? Eh, ayaw rin siyang mawala-wala ang imahe niya sa akin! "Kuya Alked! Nagbibiro lamang po ako, Kuya," ani Alley at patakbong lumapit sa pinsan niya. Niyakap ang braso nito. Hindi ko na magawa pang tumingin sa kanya dahil sa nararamdaman na kahihiyan. Nakakainis naman talaga si Alley, eh! Kaibigan ko ba talaga siya?! Hindi ko narinig na nagsalita si Alked Herran kaya tiningnan ko ang naging reaksyon niya. Alam kong narinig niya kami kanina. Hindi niya lang sinasabi. Kasi baka ma-offend din siya sa narinig na sinabi namin ni Alley kanina na anak lang siya sa labas? Si Alley naman kasi, ang daldal niya. Hayan tuloy... Sumama yata ang loob ng nakatatanda niyang pinsan. Walang emosyon ang mukha nito at hindi naman siya nakatingin sa akin. Pero bakit kaya namumula ang batok at tainga niya, ano? Naiinitan kaya siya? Anak mayaman siya, oo anak siya sa labas. Pero feeling ko naman ay pinapahalagahan at mahal naman siya ng tatay niya. Kaya bakit kaya pinili niya ang maging pulis? Kaysa ang hawakan ang negosyo nila? Na tumulad na lamang siya sa kapatid niya? Kung sabagay nga naman. Pareho tayong may mga gusto at pangarap sa buhay. Kaya nandiyan din siya sa kinakatayuan niya, kasi gusto niya `yan. Pangarap niya `yan. "Patingin ako ng schedule mo," sabi niya. Nalilito ko siyang tiningnan. Kasi bakit niya hinihingi ang schedule ko? Schedule ng mga klase ko? "B-Bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. "Kuya, ikaw yata ang may crush sa best friend ko, ah. Aminin mo na." Naningkit ang mga mata ko dahil sa kadaldalan na naman si Astralley. "Shut up, Astralley," mahinang suway sa kanya ng pinsan. "I just need to check her schedule kung kailan ba siya free para masamahan ko siya na magtungo sa KIDS. Hindi siya puwedeng um-absent. Alam kong importante sa `yo ang kaso ng tatay mo, but you need to avoid your problem in your studies," he reasoned out. Napatango ako dahil naiintindihan ko na. Hindi ako nagdalawang isip na kunin mula sa bag ko ang COR ko para ipakita sa kanya. Lumapit siya sa akin at bumitaw na sa kanya si Alley pero nararamdaman ko pa rin ang paninitig niya. Maingat na kinuha niya mula sa aking kamay ang COR ko at inilabas niya ang mamahalin niyang cellphone. Kinunan niya ito ng litrato saka mabilis ding ibinigay sa akin after that. "Sasama si Asher kung wala kang tiwala sa akin," kaswal na sabi niya at siya namang paglabas ni Kuya Asher. "Kung...hindi naman busy si Kuya Asher," saad ko na ikinatango niya. "Susunduin ka namin ni Asher," suhestiyon pa niya. Bago ako umuwi ay kinausap ko pa aking ama at hindi ko inaasahan na bibisita si Aling Sahara. Hindi ko naman magawang magalit sa kanya dahil naging mabait siya sa amin at mabuti ang pakikitungo niya sa amin. Pero ang hindi ko maiwasan ay ang paghinalaan din siya. Magagawa kaya ni Aling Sahara ang bagay na iyon? Pero sa mga kinikilos niya ngayon. "Anak..." Napalingon ako kay Tatay Jasper nang hawakan niya ang kamay ko. "`Tay." "Walang kinalaman dito ang Aling Sahara mo, Jam." Tumango lang ako kahit hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Siya ang huling tao na nakakita ng sketching book ni Tatay. "Pasensiya ka na at ngayon lang ako nakadalaw sa `yo, Jasper. Hindi ko maiwanan ang pansiteria ko dahil ang daming kustomer. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na lumabas pero babalik din ako agad," hinging paumanhin ni Aling Sahara habang isa-isa niyang inilalabas ang mga dala niyang pagkain para sa tatay ko. Nakikita ko naman sa kanya ang pag-aalala. Baka nagkamali lang din ako? Masyado rin akong naging judgemental sa mga taong malapit sa amin ni tatay. "May abogado na ba ang humawak sa kaso ng tatay mo, Jam?" tanong sa akin ni Aling Sahara. "Opo. Sa tulong po ng matalik kong kaibigan na si Alley. Sina Kuya Asher po ang nag-asikaso ng lahat," sagot ko at tipid na ngumiti. "Basta kung kailangan niyo rin ng tulong ay nandito lang ako, Jasper, Jam. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan kayong mag-ama. Pamilya na rin ang turing ko sa inyong dalawa," nakangiting sabi niya kaya kahit papaano ay nawala ang agam-agam ko sa kanya. Sana nga talaga ay inosente siya. Parang ang hirap din kasi na pagbintangan siya. Dahil kung may balak siyang masama sa amin, gipitin sa isang kasalanan ay sana matagal na niyang ginawa iyon, `di ba? Wala sana akong balak na sabihin sa ibang tao ang pagkawala ng sketching book ng tatay ko. Pero ikinuwento iyon ni Tatay Jasper sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkabigla niya at nanlaki ang kanyang mga mata na binalingan si tatay. "Hindi ba, ipinakita mo pa iyon sa akin ng araw na iyon, Jasper? Paanong nawala ang sketching book mo?" gulat na tanong nito. "Siguro po nakuha iyon agad ng mga pulis. Ginulo po kasi nila ang mga gamit namin sa bahay," sagot ko. "Pasensiya ka na, hija. Hindi namin napigilan ang mga pulis dahil may search warrant na sila agad at sa mga oras na iyon ay inaaresto na nila ang iyong itay," kuwento pa niya at nakikita ko ang konsensya sa mukha niya. Kahit wala naman siyang kasalanan. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil ito. "May pag-asa pa bang makalabas ang tatay mo, Jam?" "Madali pong linisin ang pangalan ni tatay kung mahahanap po namin ang sketching book niya. Iyon lang po ang pag-asa namin..." malungkot na sabi ko. "Sana makagawa pa kayo ng paraan..." Hindi rin ako hinayaan ni Alley na umuwi sa bahay namin. Kaya ang ginawa niya ay pinatulog ako sa condo ni Kuya Asher. Siyempre hindi rin siya umuwi sa mansion nila para samahan naman ako. Naiintindihan naman iyon ng parents nila. Si Kuya Asher kahit na alam kong abala siya sa trabaho niya ay hindi rin umalis sa tabi namin at siya pa talaga ang nag-asikaso ng lahat. Maaga kaming nagising ni Alley kinabukasan at may agahan na agad ang nakahanda sa mesa. Si Kuya Asher ang nagluto, na agad kaming inayang kumain. "May break po kami ng dalawang oras mamaya, Kuya. Puwede po ba akong sumama sa inyo?" tanong ni Alley sa nakatatanda niyang kapatid. "Maiwan ka na lamang dito sa condo, Astralley." Sumimangot siya dahil sa isinagot sa kanya ni Kuya Asher. "Hindi po ba ako puwedeng sumama, Kuya? Gusto ko ring makita si Kuya Keo," giit pa niya. Mabilis siyang inilingan nito. "Maiiwan ka." "Kuya naman!" pagmamaktol niya. "Tama si Kuya Asher, Alley. Dito ka na lang kasi baka mapapahamak ka lang kapag kasama mo ako," saad ko sa kanya. Humaba ang nguso niya at nagdabog. "Ang daya niyo," nakasimangot na sabi niya. Natatawang ginulo lang ni Kuya Asher ang buhok niya kaya mas lalo siyang sumimangot. Sa kabila ng problemang kinakaharap namin ngayon ni Tatay Jasper ay kahit papaano ay nagagawa ko pa ring ngumiti dahil kasama ko si Astralley at ang kanyang kuya. "Maraming salamat po talaga sa tulong niyo, Kuya Asher..." "Jam, pamilya na ang turing namin sa `yo." Naluluhang napatango ako dahil sa sinabi niya. Si Alley na tumayo pa para lamang yakapin ako ng mahigpit. Kung wala ba silang dalawa? Kanino pa ako hihingi ng tulong? Ano'ng mangyayari sa akin kapag hindi ko nakilala si Alley? Mabubulok ba sa kulungan ang aking ama? Sa kasalanang hindi niya ginawa? Na naging biktima lamang siya? Sinunod ko ang sinabi ni Alked Herran. Na iwasan kong dalhin ang problema ko sa pag-aaral ko. Dahil malaki ang epekto nito kapag napapabayaan ko naman ito. Marami pa akong pangarap at inspirasyon ko sa buhay si tatay. Nang breaktime ay si Kuya Archer ang sumundo kay Alley. Naabutan pa namin sa may parking si Alked na kausap din ang kanyang pinsan. "You'll be okay, Jam? Alam kong makakalabas si Tito Jasper. Gagawin ng pinsan namin ang lahat. Mapalaya lamang ang mga inosenteng tao, Jam," pagbibigay lakas loob sa akin ni Kuya Archer. "Salamat po, Kuya," pagpapasalamat ko sa kanya. "Hindi lang ako madalas makakadalaw kay Tito dahil iyong trabaho naman ni Kuya Asher ay nasa akin," saad niya. "Okay lang po, Kuya." "Sige na. Dapat maaga kayo. Alked, ingatan mo ang kaibigan ng kapatid ko, ah," seryosong sabi niya. Lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Parang kapatid niya rin ako kung makabanta sa pinsan niya na ingatan daw ako. "I will." "Jam, nauna na si Kuya Asher sa KIDS. My cousin is harmless, kami ang makakalaban niyan kapag pinahamak ka." "Good luck, Jam! Huwag kang matakot kay Kuya Alked. Mamahalin ka pa niya!" Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. Sinaamaan ko siya ng tingin. "Astralley," Alked Herran warned her. Nag-peace sign lang siya saka malawak na ngumiti. "Sorry, Kuya." Humalik sa aking pisngi si Alley bago siya sumakay sa kotse ng nakatatanda niyang kapatid. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan at gayon din naman ang ginawa ni Alked. Saglit na napatitig pa ako roon at bigla naman niyang isinara. "Kung gusto mo... Sa backseat ka na lamang sumakay," sabi niya na mabilis kong ikinailing. "Ayos lang," sabi ko. Tumango siya at muling binuksan iyon saka ako sumakay pero dahil sa taas no'n ay nahirapan pa ako. Nawala ako sa huwisyo nang hinawakan niya ang baywang ko at tinulungan niya akong makasakay sa mamahalin niyang kotse. Bakit naman kasi ang taas nito? "S-Salamat," naiilang na sabi ko. "Don't mentioned it." Kinabit ko sa aking katawan ang seatbelt at sinundan siya ng tingin na umikot na rin sa driver's seat. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Kahit nakabibingi man ang katahimikan na iyon ay naka-survive naman kami pareho dahil hindi nagtagal ay huminto na ang sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ulit ako at kusang bumaba na rin ako. Napatingala pa ako sa taas ng building na nasa harapan ko ngayon. Para lang siyang isang malaking mall na ang ganda ng desinyo nito. Malaki ang apat na letra sa may gitna ng building. KIDS. This is it... Makikilala ko na ang may-ari ng kompanyang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD