Chapter 10: The KIDS' artist
NANG makita nila si Alked ay agad na yumuko ang mga security sa kanya. Hindi lang dahil nakasuot pa siya ng uniporme niya kundi malamang sa malamang ay kilala siya ng mga ito. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa pulis na ito? Kung kapatid ng boss mo ang makikita mo ngayon? Hindi rin imposible na naipakilala na siya sa mga empleyado nila rito.
Nakasunod lang ako kay Alked at sa pagpasok lang namin sa loob ay namangha ako lalo sa mga nakikita na mga laruan.
Parang naging isang malaking mall din ito pero puro mga laruan lang naman ang nasa loob. Halos maiyak pa ako nang makita ko ang pamilyar na laruan na si Tatay Jasper mismo ang gumawa nito--na sila rin naman ang nag-benefits, at mas maganda ang quality ng pagkakagawa nila. Kaya walang duda na marami talagang bumibili sa mga ito. Baka hindi umaabot ng isang buwan ay tapos na ang stock nila.
Mahigpit kong kinuyom ang aking kamay at may kung ano'ng galit akong naramdaman sa dibdib ko. Pinaghirapan ito ng tatay ko, ang mga kamay pa niya ang ebidensya matapos lang ang mga laruan na ginagawa niya. Dugo, pawis at pagod ang naging puhunan matapos lamang ito.
"Kirsten..." Napakurap-kurap naman ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Alked. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ako sa second name ko. "Let's go," dugtong niya at nagsimulang maglakad. Bumuntonghininga ako bago ako sumunod sa kanya.
Agad kaming sumakay ng elevator at kitang-kita ko pa ang pagyuko at pagbati sa kanya ng mga employedo na hindi naman niya binigyang pansin pa. Lahat iyon ay nilagpasan niya. Parang sanay na sanay naman siya.
"Si Sir Alked iyon, `di ba?"
"Ano'ng ginagawa niya sa kompanya?"
"Gaga, malamang pagmamay-ari nila ito!"
"Pero ang guwapo niya, ha. Lalo na sa suot niyang uniporme ngayon."
Umiling ako dahil sa malakas na bulungan nila. Pinindot ni Alked ang elevator at bumukas agad iyon. Sumulyap pa siya sa akin na tila gusto niyang mauna akong pumasok, na sinunod ko na lamang dahil baka masasayang pa ang oras namin na maghintay sa wala.
"Are you okay?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko pa. Mukha ba akong hindi okay sa paningin niya?
"A-Ayos lamang ako," sagot ko at bayolenteng napalunok ako nang makita ang matiim niyang titig.
Nasa 12th floor ang pinindot niya, na marahil ay nandoon sa floor na iyon ang opisina ng kapatid niya. Hindi nagtagal ay bumukas ang elevator at nauna akong lumabas dahil iyon naman din ang gusto niya. Napaka-gentleman pala talaga niya. Hindi halata sa hitsura niya, kasi presensiya pa lamang niya ay nakaka-intimidate na.
Sa 12th floor na ito ay wala ka man lang makikita na empleyadong padaan-daan sa hall, katulad ng nasa baba dahil mukhang exclusive floor ito ng may-ari. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang mesa at may taong nakaupo roon na alam kong secretary nito dahil na rin sa nabasa kong plaque niya.
Napatayo siya nang makita kami, o baka si Alked. "Good morning po, Sir," magalang na pagbati niya at bahagyang yumuko.
"Morning. Where's Keo?" walang emosyon na tanong ni Alked. Ni hindi man lang niya tinawag na kuya ang nakatatanda niyang kapatid. Ganito kaya ang trato nila sa isa't isa?
"Nasa loob po si Sir Keo, Sir Alked," sagot niya at lumapit sa pintuan. Kahit sa table niya ay may mga laruan din. Kumatok siya sa pinto bago nagsalita, "Sir? Nandito po si Sir Alked. Papasukin ko na ho ba, Sir?" tanong pa niya. Hindi ko narinig ang boses ng boss niya pero alam kong sumagot ito dahil bumaling sa amin ang secretary nito at tumango pa. "Puwede na raw ho kayong pumasok, Sir," sabi niya at umalis sa pinto. Si Alked na ang nagkusang bumukas no'n and this time ay siya na ang naunang pumasok.
Unang bumungad sa akin ang isang lalaking prenteng nakaupo lamang sa swivel chair niya at katulad ng nasa labas ay punong-puno ng mga laruan ang table niya at mayroon din sa side nito na mga folder at papeles. Sa halip na libro ang ilalagay sa shelves ay puro laruan ang mga iyon.
Nasa kabilang side nito ang mga maliliit na sasakyan at sa iba naman ay ang cartoon characters. Hindi masakit sa mata ang color theme ng malaking opisinang ito. May couch at coffee table rin sa may gitna.
May pintuan sa left side ng office at baka iyon naman ang comfort room. Maganda ang ambiance sa loob at sobrang lamig nito dahil sa AC. Iilan na cartoon characters poster naman ang nakadikit sa dingding.
"Oh, you're here, brother. What brought you here, Alked?" Bumalik ang tingin ko sa lalaki at unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakaramdam na ako ng kaba. Pero hindi katulad ng presensiya ni Alked.
Na kahit nakaka-intimidate siya ay parang nararamdaman ko rin na safe ako sa kanya. Hindi katulad ng isang ito. Mukha man siyang friendly dahil sa mapalad niyang ngiti sa labi ay pakiramdam ko isang huwad na ngiti lamang iyon dahil hindi naman umabot sa mga mata niya. Hindi siya masaya sa mga nakikita niya sa mga oras na ito. Hindi na rin ako nagtaka na maganda ang mga lahi nila, dahil makisig at guwapo rin ang kuya niya. Malaki rin ang similarity nila.
"May kasama ka pala. Girlfriend mo? You have a nice taste, lil brother. Pasok sa standard ni Dad. Hindi ka mahihirapan na makuha ang approval ng ating ama," diretsong sabi niya. Ni hindi man lang talaga siya nagdalawang isip na sabihin iyon? What if nagkamali lang siya ng hula?
Saka girlfriend? Hindi ito ang oras para mag-blush ka at kiligin, Jam Kirsten!
"Shut up, Keo," malamig na sabi ni Alked sa kanyang kapatid. Binitawan nito ang hawak na sign pen at itinukod ang magkabilang siko niya sa table niya. Nangalumbaba at may aliw sa mga mata niya na pinagmamasdan kami. Pabalik-balik pa ang tingin niya sa amin.
"Where's the manners, Alked?" nanunuyang tanong nito.
"Alam mo kung bakit kami nandito," seryosong sabi ni Alked. Nasabi na niya sa kuya niya sa una kung bakit nga kami nandito? Kung ganoon inaasahan na nito ang pagdating namin?
"Ah... Tungkol ba sa lalaking nagnakaw mismo ng kopya ng laruan natin, lil brother?" nang-aasar na tanong niya at lumipat ang tingin niya sa akin.
"Hindi magnanakaw ang aking ama!" sabat ko at pagtatangol ko kay Tatay Jasper. Mahinang humalakhak siya dahil sa biglaan kong pagsigaw.
"What a pretty brave you have here, Alked," sabi pa niya.
"Just settle it, Keo. Alam mo kung sino ang may mali rito. Alam mo ang totoo," matigas na saad ni Alked. Nainis din siguro siya sa kapatid dahil kung ano-ano lang ang pinagsasabi nito.
"Bakit hindi muna kayo umupo na dalawa at pag-usapan natin ito ng maayos?" wika niya. Matino rin naman pala ang isang ito. Salamat naman. "Kumalma muna tayo, okay?"
Sumenyas sa akin si Alked na umupo kaya sumunod din naman ako. Umupo ako sa couch at sa ibang upuan naman siya pumuwesto.
"Pakidalhan kami ng maiinom dito, Secretary June," utos niya sa secretary niya gamit ang telepono sa table niya.
Nag-abala pa siya! As if naman ay iinom ako. Kasi what if na lagyan niya ng lason iyon? Para tumigil na talaga ako sa pagsingil ng hustisya para sa tatay ko. Tsk.
Gusto kong barahin ang lalaking ito dahil sa paraan nang paglalakad niya. Para lang siyang isang modelo at rumarampa lang. Sobrang bagal pa.
He sat down on the single-sofa at pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa akin na naman siya nakatitig.
"Can you introduce your name first, Miss?" he asked me that I almost rolled my eyes.
"Mahalaga pa ho ba ang magpakilala ako sa inyo?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Ang tungkol lang po sa aking ama ang sadya namin dito," dagdag na utas ko pa.
"Pero hindi ako nakikipag-usap sa kung sino-sino lang, Miss. Importante ang oras ko at ang iba nga riyan ay nagse-set pa ng schedule para sa meeting namin. Ikaw? Nakausap mo ako without the appointment. Dahil lang sa kapatid ko. So, you being rude towards the owner of this building," saad niya at nayayabangan talaga ako sa kanya, eh.
"Jam ang pangalan ko," sabi ko at napangisi na naman siya.
"Bakit mo pinagkakait sa akin ang pangalan mo? Saka Jam lang ba talaga?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.
Mabibigat ang bawat paghinga ko at bumuntonghininga na lang. Sa huli ay ako na rin ang sumuko. "I'm Jam Kirsten Celestial," I uttered my name. Napapalakpak siya at napatingin naman ako sa kamay niya na bigla rin niyang inilahad.
"I'm Keo Herron Fortalejo, the CEO of this KIDS Production. Nice meeting you, Ms. Celestial," pakilala niya rin sa akin at nagdadalawang isip ako na kung tatanggapin ko ba ang kamay niya pero sa huli ay ginawa ko na lang.
Nagulat pa ako ng halikan niya ang likod ng aking kamay. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko naman inaasahan na magiging gentleman din siya katulad ng kanyang kapatid. Sinulyapan ko si Alked at tiim bagang niya lamang pinagmamasdan si Keo Herron.
Mabilis ko ring binawi ang kamay ko at pasimple kong pinunasan iyon sa suot kong damit. Nakita niya iyon kaya humalakhak na naman siya.
"So, Ms. Celestial. Nandito ka dahil sa?" tanong niya. Akala ko ba ay may idea na siya kung bakit kami nandito?
"Iyong tungkol sa mga laruan ninyo at sa kaso ng tatay ko. Hindi niya magagawa ang mangopya ng laruan ninyo dahil hindi naman kayo ang gumawa nito. Ang tatay ko, pinaghirapan niya ito pero kayo ang nakikinabang," walang emosyon na sagot ko sa kanya. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya at hinimas-himas pa ang baba niya, saka siya tumango-tango.
"I see. Hindi ako ang nag-handle sa bago naming artist, pero lahat ng production niya ay dumadaan sa akin dahil kailangan din naman ng approval ng CEO. Kung nagustuhan ba ang gawa niya o kung papasok ba ito sa stock market namin at sa pagre-release ng mga laruan. So, far na-approved siya dahil hindi mapagkakaila na mahusay ang gumawa nito. Naging sunod-sunod ang release dahil na-meet nito ang monthly income ng kompanya, mas doble pa, kaya walang naging kaso," mahabang pahayag niya.
"Sino ang artist na tinutukoy niyo?" tanong ko sa kanya. May puwede kayang magtraydor kay Tatay Jasper at pumasok sa kompanyang ito? Ipasa at kopyahin ang mga gawa ng tatay ko? Dahil iyon din talaga ang naisip ko.
"Actually, I didn't meet the artist. Just his works, isa-isa lang niya pinasa ang sketching ayon din naman sa rules ng kompanya," sagot niya. "Pero, may mga lumang sketching book siya na ibinigay sa akin dahil binigyan niya ako permiso na pumili na lang daw sa next release ng bagong production namin," saad pa niya at tumayo siya. Lumapit sa table saka may binuksan sa drawer niya. "He's one of our best artist, by the way."
My eyes widened in shock nang makita ko ang pamilyar na sketching book ni Tatay Jasper! Pero paano napunta ito sa kanya? Sino ang nagbigay?
"This one, Jasper Celestial is the owner and he's our new artist," sabi niya at nakaramdaman ako ng panghihina. Ano'ng ibig niyang sabihin? Hindi lang ba mga laruan ni tatay ang ninakaw nila? Pati ang pangalan ng aking ama? Paanong nangyari iyon?!
"Imposible...walang sinasabi sa akin si tatay tungkol sa bagay na ito. Imposible na siya ang artist niyo dahil maski ang aking ama ay walang kinalaman dito..." nanghihinang sabi ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang kanyang secretary na may dala ng tray at naglalaman iyon ng tatlong tasa ng kape. Inilapag ng lalaki sa center table saka siya lumabas.
"Dahil kung siya ang artist ninyo ay bakit niyo pinakulong ang tatay ko?" tanong ko pa at natigilan siya.