CHAPTER 11

994 Words
Chapter 11: The marriage proposal "DAHIL kung siya ang artist ninyo ay bakit niyo pinakulong ang tatay ko?" tanong ko pa at natigilan siya. Jasper Celestial is one of their best artist? Just like what he said. Walang sinabi sa akin si tatay na nag-apply siya sa ibang kompanya para gumawa ng mga laruan at kung totoo man iyon ay dapat alam ko iyon, saka isa pa hindi magtsatsaga ang aking ama sa pabrika. Kung may maganda na siyang trabaho ay bakit pa siya magtitiis doon? Kaya malabo ang sinasabi niya na si Tatay Jasper nga ang bago nilang artist at kung siya man ay wala sana sa kulungan sa mga oras na ito. Unless na gusto lang nila makuha ang sketching book ni tatay at isosolo nila? "What now, Keo?" Alked asked his brother. Tumayo si Keo Fortalejo at tumungo sa pinto. "Pakitawag ang HR at head ng team 1, Secretary June," narinig naming sabi niya saka siya bumalik sa amin. "Paanong nangyari na hindi mo nakilala ang artist? Bakit ang mga gawa niya lang ang pinagtuunan mo ng pansin at hindi mo na lang isinama pa ang may-ari no'n?" malamig at walang emosyon na tanong ni Alked kay Keo. May point siya. Tauhan iyon ng kapatid niya kaya kailangan din nito na kilalanin ang mga artist nila. "I told you na hindi ako ang nag-handle sa bagong artist. Binigyan ko lang din ng permission ang mga tauhan ko, probably the HR of this company," sabi niya at mukha na siyang stress ngayon. Humilig siya sa headrest ng couch niya at napatingin sa center table. "Why don't you want to drink your coffee first?" he asked at lumipad agad ang tingin ko roon. Ibinalik ko rin sa kausap kong lalaki. Nanatiling tahimik naman si Alked. "Isa ka pa ring kalaban sa paningin o at hindi ko alam kung nagsasabi ka rin ng totoo na hindi mo pa nakikilala ang artist niyo. Baka gusto niyo lang masolo ang sketching book. Kaya bakit ako magtitiwala sa `yo? Paano kung may lason pala `yan?" diretsong tanong ko sa kanya. Umawang ang kanyang labi dahil sa gulat and he even blinked his eyes repeatedly. Naramdaman ko rin na natigilan si Alked at napatingin sa akin. Nilabanan ko lang ang titig sa akin ng lalaking ito. "Miss, I'm not a criminal. Hindi ko gagawin iyon. I like your guts, masyado kang matapang and you probably passed our father's standard. As you can see, hindi naman siya tumitingin sa nakaraan ng isang tao at wala rin siyang pakialam kung ano ang status mo sa buhay-- I mean, iyong saang pamilya ka galing," mahabang litanya niya na ikinakunot ng aking noo. "I'm not here for that. Excuse me?" malamig na saad ko sa kanya. He just chuckled at nakita ko naman ang pag-abot ni Alked sa isang tasa ng kape. "Kahit kapatid ka niya ay puwede ka rin niyang lasunin," banta ko sa kanya kaya naiwan sa ere ang kanyang kamay. Gulat na napatingin na naman siya sa akin. Lumakas ang tawa ng kapatid niya. "Trust me, he can't do that," sabi niya lang at tuluyan na nga niyang kinuha ang kape. Pero hindi talaga ako iinom no'n. Bahala siya. Mayamaya lang ay pumasok na ang isang babae at lalaki, kasama na rin ang secretary ni Keo Fortalejo. "Have a sit," seryoso at may diin na utos nito. Nakita ko pa ang pagtulak ng babae sa lalaki para mauna itong umupo. "Bakit po kami pinatawag, Sir Keo?" tanong ng babae na mukhang nasa mid-40s na. Baka siya ang HR ng kompanya at ang isa naman ay head ng team 1, iyon ang narinig ko sa kanilang boss. "Mrs. Albuera, hindi ba kilala mo ang bago nating artist sa team 1? Jasper Celestial ang pangalan niya at ikaw rin ang nag-hired sa kanya," pagsisimula ni Keo. Napalunok pa ang babae at parang pinagpapawisan siya. "O-Opo, si Jasper Celestial. May...may nangyari ho ba na hindi maganda? May nilabag po ba siya na rules ng kompanya?" sunod-sunod niyang tanong. "Nakilala mo talaga siya in person? Paano mo i-describe ang mukha niya?" tanong ni Keo. "Matangkad po siya, moreno ang kutis. Malaki ho ang katawan niya pero bihira lang siyang pumapasok sa kompanya, hindi ba Mr. Elmer?" tanong ng nagngangalang Mrs. Albuera. Matangkad si tatay, moreno ang kutis niya pero hindi naman malaki ang katawan nito. May kapayatan ang aking ama. Hindi siya ito, sigurado ako. "O-Opo, present lang siya po siya sa mga mahahalagang araw at dahil pabor sa atin ang produkto niya ay nabigyan siya ng exemption kahit ang normal days lang para sa kanya na pumasok sa trabaho. Through online din ang trabaho niya at madalas siya pa ang tumatapos sa mga gawa ng iba," paliwanag naman ng lalaki. "May nakuha ba kayong approval mula sa akin na bigyan ng exemption ang artist kahit na efficient siya sa trabaho niya? Alam niyong pantay-pantay ang tingin sa inyo ng may-ari ng kompanya na ito at walang exemption," matigas na utas ni Keo na ikinatahimik ng dalawa. "Iyon din ho kasi ang hiniling niya... Hindi ho ba kayo rin ang nagsabi sa amin na hayaan siyang magbigay ng request?" Ang babae naman ang nagsalita at napahilot sa sentido niya si Keo. "Fvck! Puwede na kayong lumabas!" sigaw niya at natataranta naman ang dalawa na lumabas mula sa opisina niya. Siya rin naman itong may kasalanan. May nalalaman pang exemption, eh sumunod din naman sa kanya ang tauhan niya na hayaan ito sa request. Padabog na tumayo na naman siya at tinungo ang office table niya. Nang sulyapan ko naman ang kasama ko ay prenteng nakaupo lang siya habang sumisimsim ng kape pero sa akin nakatutok ang malalim niyang mata. Nabigla pa siya ng magtama ang aming mata. Mariin na kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para lang din na lumitaw ang isang biloy sa kaliwang pisngi niya. Ngayon ko lang yata iyon nakita at napansin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD