CHAPTER 12

2178 Words
Chapter 12: The marriage proposal "BAKA may iba pang paraan? A-Ako ang naiipit dito, eh..." Nag-iwas ng tingin sa akin si Alked, dahil maski siya ay wala na rin talagang ibang maisip pa. Kundi ang makipag-deal na lang talaga kay Keo Herron Fortalejo. Noong una ay may galit talaga ako sa kanya dahil sa pagnanakaw rin nila ng mga sculpture ni tatay pero bakit mukhang siya pa ang tutulong sa amin? Kung tatanggapin ko nga ba ang deal niya? Saka offer na ba iyon? "What's your deal then, Keo? Siguraduhin mo na makatutulong itong deal mo," saad ni Alked. Keo tilt of his head towards me then he flashed his smirk. Nakakainis na talaga siya. "That's an offer actually. If you're going to agree with my deal, Miss. Tutulungan kitang mahanap ang impostor at makalalabas ang tatay mo mula sa kulungan. Hindi lang iyon, kukunin ko ang tatay mo as official artist of the team. Ibabalik ko ang 50 percent ng income ng production na na-release namin last two months but in one condition..." sabi niya at sinadya niya talaga na ibitin ang mga salitang iyon. "Let's get straight to the point," I uttered as I clinched my teeth. May paligoy-ligoy pa siya. Ibibitin pa talaga niya. Mas gusto ko ang diretsahan na niyang sabihin talaga. Paiikutin pa niya ako, tsk. "Be my brother's wife," he said at diretsahan na nga niyang sinabi iyon na halos hindi pa mag-sink in sa utak ko ang pinagsasabi niya. What? Be my brother's wife? Sino'ng kapatid niya? Ano'ng... "What the heck, Keo!" hysterical na sigaw ni Alked at napatayo pa siya sa gulat. Hayan na naman ang malakas na tawa ng lalaking ito. "Chill, Alked. Ang tinutukoy kong kapatid ko ay ikaw," natatawang sabi pa ni Keo at bakit tuwang-tuwa pa siyang paglaruan kami?! "You can do that, Ms. Celestial? I will set your father free in exchange you need to marry my brother. That's my offer and my deal. Take it or leave it." Halos mag-init ang magkabilang pisngi ko dahil talagang inulit pa niya. Sa dami ng kapalit ay bakit iyon pa? Bakit ang pakakasalan ko pa ang kapatid niya? Wala na ba siyang ibang naisip na paraan? Kundi ang kasal?! "Ginagawa mo lang ba na isang laro ang pagpapakasal, Mr. Fortalejo? Alam mo na napakaimposible ng pinagsasabi mong kasal. Hindi ko kilala ang kapatid mo at--" "Naniniwala ka sa love first before marriage? Ms. Celestial, puwede mo namang mahalin ang isang tao kahit kasal na kayo," putol niya sa sasabihin ko sana. Okay sana kung kilala ko na talaga ang kapatid mo, eh. Epal mo masyado. "Imposible," sabat ko. "Maliban ba sa pagpapakasal na iyon ay may iba ka pa bang puwedeng pagpilian ko?" Pasimple ko pang pinagdikit ang hintuturo ko. Umaasa na mayroon pa talaga siyang puwedeng i-offer sa akin. "There is, Ms. Celestial," sabi niya. "Ano?" tanong ko. "If you can't marry Alked, then marry me instead," he said. Kung makapagsalita siya tungkol sa kasal ay akala mo naman napakadaling gawin iyon! Imposible talaga ang pinagsasabi niya at ginawa pa niyang komplikado! Pareho lang naman iyon, ah! Ang pakasalan ang kapatid niya o siya mismo! "Wala na bang iba? Paano mo nasasabi `yan? Puwede mo namang ibigay sa akin ang sketching book, eh. Para tapos na ang problemang ito. Pinapa-stress mo lang ang sarili mo at ginagawa mo lang din na komplikado ang lahat," utas ko. "Wala. Iyon lang ang maitutulong ko sa `yo. Pareho lang naman tayo ang makikinabang dito, Ms. Celestial," wika niya na sinabayan pa nang pag-iling. "Ang pakasalan ang isa sa inyo? Wala pa sa isip ko ang magpakasal sa isang..." I looked at Alked na naghihintay rin na dugtungan ko ang mga kataga ko. "Sa isang tao na hindi ko pa lubos na kilala," pagtatapos ko at umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. "Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Pero hindi ko pa rin ibibigay sa `yo ang pag-aari ng tatay mo at hahayaan ko pa rin ang impostor na magtrabaho sa kompanya namin. Wala kang magagawa, Ms. Celestial at mabubulok pa rin sa kulungan ang iyong ama." Isa na iyong pangba-blackmail! "Ano ang makukuha mong benefits kung pakakasalan ko ang kapatid mo?" seryosong tanong ko at nakarinig ako ng malalim na pagtikhim sa tabi ko. "So, kung tatanggapin mo pala ang deal and offer ko ay ang kapatid ko ang pakakasalan mo?" nakangising tanong niya sa akin at gusto ko tuloy batukan ang sarili ko! Bakit ba kasi iyon ang lumabas sa bibig ko?! Puwede naman na sabihin kong, isa sa kanila ang pakakasalan ko. Pero bakit ang kapatid niya? Lumalabas tuloy na si Alked Herran ang pinipili kong pakasalan! "Wala rin namang magiging problema sa side ng kapatid ko dahil wala naman siyang girlfriend sa ngayon," sabi pa niya. "What do you think, lil brother?" untag na tanong niya sa kanyang kapatid. "Sino ang nagsabi sa `yo na pangunahan ako tungkol sa pagpapakasal ko, Keo?" malamig na tanong ni Alked at nagtatagis ang kanyang bagang. Parang nahiya ako bigla. Kasi sa sinabi ko kanina ay siya na nga ang pinipili ko at gusto kong pakasalan without knowing na hindi pala favor sa kanya ang suggestion ng baliw niyang kapatid. Hindi ko man lang naisip ang side niya. "Ayaw mo? Puwede kong tanungin si Lhed--" Alked hissed him and he took a deep breath. "Ako na lang ang gagawa ng paraan para makuha ang hustisya ng tatay niya," may pinalidad sa boses na saad niya. "Hindi iyong pinipilit mo lang siya sa isang bagay na napakaimposible." "You can't do that, Alked. Ako pa rin ang makakatulong na palayain ang tatay niya," mariin na saad pa nito. "Ayaw mo bang pakasalan si Ms. Celestial?" nakangising tanong niya. "Hindi sa ganoon..." Halos ibulong na lamang niya ang mga katagang binigkas niya. Nag-init na naman ang pisngi ko. Wala naman palang kaso sa kanya. Naalala ko ang problemang kinakaharap ni tatay. Ang mga kaso niya at sa naisip na wala akong mahahanap na ibang paraan para palayain siya ay nakapanghihina lang. Hindi ko yata kayang matulog sa nalalaman kong nakakulong pa rin ang aking ama. Hindi kaya ng aking konsensya iyon. Mas nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Tatay Jasper dahil hindi niya deserve ang lahat ng iyon. May pangarap pa rin si tatay... Kaya kung makakatulong nga sa akin ang pagpapakasal sa isang Fortalejo, siguro iyon na lamang ang piliin ko? Para lang mailabas ko si tatay sa kulungan. "Pag-iisipan ko," sabi ko at nagulat pa si Alked. Lumapad naman ang ngiti sa labi ni Keo. "Kirsten," mariin na bigkas ni Alked sa pangalan ko. Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Nice choice," wika pa niya. *** "Hindi mo puwedeng gawin iyon. May iba pang paraan. I will help you," saad ni Alked nang makalabas kami sa kompanya nila at hinarangan pa niya talaga ako para lamang kausapin ako tungkol doon. "Pero iyon na ang ibinigay na choice ng kapatid mo sa akin. Ang pakasalan ang isa sa inyo. Wala na rin akong ibang mahihingian pa ng tulong..." "Nandiyan naman sina Asher at Astralley. Alam kong matutulungan ka nila," sabi niya pero inilingan ko siya. "Ayaw mo ba akong pakasalan?" diretsong tanong ko sa kanya. Nabigla siya at napaatras pa siya. Kitang-kita ko ang pamumula ng tainga at leeg niya. "Sagutin mo ako. Ayaw mo ba sa katulad ko? Kaya ayaw mo rin sa kasal?" "Damn it..." mahinang mura niya. "Ang kuya mo na lang ang pakakasalan ko kung ganoon," sabi ko at akmang lalagpasan ko sana siya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nagsitaasan pa ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa paghawak niya sa akin. Ganito kalakas ng impact niya sa akin. Sa simpleng paghawak niya lang ay lumalakas na rin ang kabog sa dibdib ko. "Hindi ba... Wala kang tiwala sa akin. Bakit...ako pinili mong pakasalan?" tanong niya na may pag-aalanganan sa boses. Hindi niya rin tiyak kung tama bang tanungin ako tungkol doon. "Mapagkakatiwalaan ka ba?" balik na tanong ko sa kanya. "At ano ang dahilan...kung bakit tila gusto ng kapatid mo na magpakasal ka ng maaga at maging siya rin mismo?" Tinanggal niya ang kamay sa braso ko at isinuksok na lamang iyon sa bulsa ng uniporme niya. "That's because of the inheritance," sagot niya. Gumuhit ang isang linya sa aking noo. Mayaman nga naman. Kailangan pa talagang magpakasal ang mga apo o anak nila para lamang makuha ang mana ng mga ito? Ginagawa nga nila na isang laruan ang pagpapakasal. Paano naman ang mga desisyon ng mga ito sa buhay? Ang kaligayahan nila at kalayaan na piliin ang taong mamahalin at pakakasalan nila? Kung pinapangunahan nila ang desisyon ng mga ito? "Sa ganoong paraan mo lang din ako matutulungan. Take it or leave it," sabi ko at nauna nang sumakay sa kotse niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumunod. *** "Ano?! Nahihibang ka na ba, Jam?! Tinanggap mo ang alok ni Kuya Keo?!" gulat na tanong sa akin ni Alley nang ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pinag-usapan namin. Napahilot naman sa sentido niya si Kuya Asher. "Talagang wala sa sarili ang isang iyon," komento ni Kuya Asher. "Hindi naman ako against kay Kuya Alked. Mabait iyon, Jam pero...bakit? Bakit tinanggap mo ang alok ni Kuya Keo?" "Nasa kanya ang sketching book ni Tatay Jasper, Alley at hindi niya rin naman kami tutulungan. Iyon lang din ang paraan..." "Pero...gusto mo ba talagang pakasalan si Alked, Jam?" tanong sa akin ni Kuya Asher. Pilit ko namang inalala ang guwapong mukha ni Alked at ang malalim na biloy niya sa kaliwang pisngi niya. "Alam kong... mabuting tao nga siya... Nararamdaman ko rin iyon..." "Kung pakakasalan mo si Alked, Jam. Mahirap ka ng makakawala sa kasal na iyon. Impossible pa rin ang divorce sa Pilipinas. Mahihirapan ka lang," ani Kuya Asher. "Kaya ko naman siguro siyang mahalin, `di ba? Baka matutunan ko pa rin siyang mahalin?" tanong ko. Napasinghap si Alley sa aking sinabi. Ilang beses siyang kumurap at napaupo na lamang sa couch ang kuya niya. "May tiwala naman ako sa pinsan ko, Jam. Wala sa bokabularyo no'n ang manakit ng tao, sa magiging asawa pa kaya niya? Pero desidido ka na ba talaga sa desisyon mong iyan? Pakakasalan mo si Alked?" "Hindi naman siya nagdalawang isip pa... Hindi naman siya tumanggi..." "Talaga?! Na-crushback ka yata ng crush mo, Jam!" tuwang-tuwang na sabi ni Alley. "Astralley!" banta sa kanya ng Kuya Asher niya. "Kung papayagan ka ng tatay mo, Jam... Alam mo naman na overprotective sa `yo si Tito Jasper at hindi ka no'n ipamimigay sa mga taong hindi niya talaga pinagkakatiwalaan, eh..." "Pipilitin ko pa rin si Tatay. Alam kong maiintindihan pa rin niya ako," sabi ko. "Para sa kanya rin naman ito..." "Gagawin mong sakripisyo ang sarili mo, Jam?" seryosong tanong ni Kuya Asher. Humugot ako ng malalim na hininga. "Para kay tatay. Alang-alang sa kanya... Gagawin ko iyon, Kuya Asher," sagot ko. "Kung iyan ang desisyon mo ay wala na rin kaming magagawa, Jam. Susuportahan ka na lang namin..." pagsuko niya. "Huwag kang mag-alala, Jam. Mahuhulog din naman ang loob ni Kuya Alked sa `yo. Hindi ka mahirap mahalin." "Astralley..." "Totoo naman iyon, Kuya eh. Basta kahit ano'ng mangyari ay nandito lang kami," sabi niya na ikinangiti ko. Hindi naman siguro ako magsisisi sa pinili kong desisyon hindi ba? Hindi naman talagang isang sakripisyo ito dahil paglabas ni tatay mula sa kulungan ay may magandang buhay ang naghihintay sa kanya. Ang mga pangarap niya ay alam kong isa-isa niyang matutupad ang mga iyon. Sa mga sumunod na araw ay hindi ako agad nakadalaw sa tatay ko dahil sa sunod-sunod na klase namin at nang magkaroon ng pagkakataon ay dumiretso ako sa presinto. As usual si Alked ang unang nakita ko. Nasa labas kasi siya ng opisina niya. Nahihiya akong magpakita sa kanya sa totoo lang. Ewan ko ba kung bakit tila pakiramdam ko ay may paruparo sa loob ng tiyan ko sa tuwing nakikita ko siya at mabilis na nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Totoo na kaya ang nahulaan ni Alley na crush ko na nga ba ang lalaking ito? "Good afternoon," marahan na bati niya sa akin at ang pamilyar na t***k ng puso ko ay natataranta na naman siya. "Magandang hapon," bati ko rin sa kanya pabalik. "Kuya Alked, good afternoon!" Muntik ko na ring makalimutan na kasama ko pala si Alley at hangga't hindi pa naaayos itong kaso ni tatay ay sa condo pa nila ako nakikituloy. "Good afternoon, Astralley." "Iniingatan ko po ang future wife mo, ayon sa request mo," sabi ni Alley at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya. Teka... May request ba itong pinsan niya? Ano'ng pinagsasabi niya? Itong babaeng ito... "Astralley..." "Ang sabi kasi ni Kuya Alked, Jam ay ingatan ka namin... Dahil mamahalin ka pa raw niya... Sa kanya rin nagmula ang mga prutas na kinakain mo halos araw-araw... Ilang araw kayong hindi nagkita, tama? Kaya kahit walang label at hindi pa kayo magkakilala ay nagwo-worry na talaga siya sa `yo..." "Astralley..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD