CHAPTER 6

1590 Words
Chapter 6: The owner "ISA ba sa mga dinakip namin kanina ang tatay mo? Ang naakusahan na pagnanakaw?" malamig na tanong niya sa akin. Umawang ang labi ko sa gulat. Kung ganoon...siya na naman ang dumakip sa aking ama? Dahil sa namumuong galit ko sa kanya at sa mga nalaman ko ay nakita ko na lamang ang sarili ko na pinaghahampas ang dibdib niya. Sa umumulap kong paningin dahil sa mga luha ko ay nakita ko pa ang pagtatagis ng bagang niya. "W-Walang kasalanan ang tatay ko! W-Wala siyang kasalanan! B-Bakit niyo siya dinakip?!" umiiyak na sigaw ko at wala akong tigil sa p*******t sa kanya. Hanggang sa unti-unti niyang hinawakan ang magkabilang palapulsuhan ko. Lumalakas ang mga hikbi ko. Mabilis akong nanghina kaya tumigil din ako. Sumandal na lang ako sa dibdib niya. "Calm down... Let's talk about that..." bulong niya sa tainga ko at humaplos ang kamay niya sa buhok ko pababa sa likuran ko. Nang mahimasmasan ako ay siya ang kusang nagdala sa akin sa tatay ko na ngayon ay nakasalampak sa sahig at nasa loob siya ng selda. "Tatay!" sigaw ko at nagulat pa siya nang makita ako. "A-Anak, J-Jam..." nauutal na tawag na sambit niya sa pangalan ko at nasa boses niya ang panghihina. Nanginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang aking tuhod nang makita ko ang kalagayan niya. "Ano'ng ginawa nila sa inyo, 'Tay?" humihikbing tanong ko at lumapit ako sa selda. Hinawakan ko ang dibakal na kulungan. Kahit hinang-hina at nahihirapan si Tatay Jasper ay pinilit pa rin niya ang makatayo. Putok ang labi niya at natuyo na rin ang dugo sa gilid nito. May pasa pisngi at panga niya. Maging ang gilid ng mata niya kaya nagkaroon iyon ng black-eye. Naiiyak ako nang makita ang hitsura niya. Putlang-putla siya. "T-Tatay Jasper..." tawag ko sa kanya. "A-Ayos lang si tatay, Jam... Ayos na ayos..." Umiling ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala na ayos lang siya. Gayong nakita ko na ang sinapit niya sa mga... "Ano po ba ang nangyari, 'Tay? B-Bakit ka nila dinakip?" tanong ko. "N-Naniniwala ka naman na hindi ko iyon magagawa, 'di ba anak?" mahinang tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya mula sa kanyang kanang mata. Tumango ako dahil naniniwala ako. Naniniwala ako na inosente si Tatay. Mabuting tao siya at hindi niya gagawin ang mga bagay na puwedeng makasira sa kanya. Na puwedeng makasira sa pamilya namin. Kaming dalawa na lamang ang nabubuhay at magkasama kaya hindi siya gagawa ng masama. "N-Naniniwala po ako, 'Tay... Naniniwala po ako sa 'yo..." marahan na sabi ko at inabot ko ang mukha niya. Naluluha talaga ako kapag nakikita na binugbog niya ng mga tao o baka iyong mga pulis. "P-Pinaratangan nila akong m-magnanakaw, anak...kasama ang mga kasamahan ko... S-Sinabi nilang ninanakaw at kinokopya namin ang mga laruan ng isang malaking kompanya... At pinagbibenta ito ng mas mababang presyo... Hindi iyon magagawa ni Tatay, Jam... Hinding-hindi... Alam mo kung ano tayo... Alam mo na nagiging kontento tayo sa mga bagay na mayroon tayo at ibinigay ng Diyos... A-Alam na alam mo iyon, anak..." pagsusumamo niya. May kung ano kay Tatay Jasper. Parang natatakot siyang mag-iba ang tingin ko sa kanya. Gayong siya ang inspirasyon ko. Siya ang naging role model ko... "A-Alam ko po... Alam ko pong...hindi mo magagawa, Tatay... Alam ko ho iyon..." tumatangong sambit ko at nagawa ng magaspang niyang mga kamay na punasan ang mga luha ko sa aking pisngi. "Pero ang hindi ko lang alam, anak... Na kung bakit...may mga nililok ako at kapareho ng kanilang mga laruan..." sabi niya na halos ibulong na lamang iyon upang wala ng makaririnig pa sa bagay na iyon. "A-Ano po...ano po ang ibig niyong sabihin, 'Tay?" tanong ko. "Iyong malaking kompanya... Ang mas kilalang pinakamalaking pagawaan ng mga laruan sa bansa, anak... May mga nakikita ako na kapareho ng mga gawa ko... Minsan ko n-nang nakita ito... hindi ko masyadong binigyang pansin dahil naisip ko na baka... nagkataon lamang ang lahat... Na baka hindi sinasadya na parehong-pareho ang laruan na iyon sa ginawa ko... Hindi ko alam pero alam ko... Alam ko na kilala nila ang orihinal na gumawa no'n at ngayon...pinapaikot lamang nila ang sitwasyon..." mahabang pahayag niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang masaktan. Hindi puwede iyon... Hindi puwede mangyari iyon. Alam ko ang mga laruan na nilililok ni Tatay Jasper. Alam ko kung kailan niya sinisimulan ito at kung kailan niya natatapos. May mga kopya pa siya dahil inuuna niya itong ginuguhit. Sino? Sino ang gumagawa no'n sa Tatay ko. Sino... kung ganoon... May taong nasa likuran ng lahat. May tao ba ang magtatraydor sa aking ama at ibinebenta nito ang mga kopya sa nasabing kompanyang at igigiit nito sa kasalanang hindi naman ginawa ni Tatay Jasper? "Tatay... Bukod po ba sa akin... Sino pa? Sino pa ang taong pinagkatiwalaan mo ng mga laruan na ginuguhit mo?" Saglit na napahinto siya at parang nahulog sa malalim na pag-iisip. Nagtaas baba ang kanyang dibdib at parang walang mahagilap na katagang isasagot sa akin. "'Tay..." "Jam..." Mariin na pumikit siya. "Sino po? Alam kong...may nagtatraydor sa inyo..." "Ayokong madamay siya... Jam... W-Wala siyang kinalaman sa nangyari sa akin ngayon... A-Ako lang ang may kasalanan, Jam... Ako lang... Si Tatay lang..." sabi niya na sinabayan pa nang pag-iling. "P-Pero wala kang kasalanan, 'Tay... Wala po... Sabihin ho niyo sa akin ang totoo... Sino po ba siya, Tatay?" "Si..." Nahugot ko ang sarili kong hininga dahil sa kabang bumabalot sa aking dibdib. "Tatay..." "Si... Sahara, ang Aling Sahara mo, Jam..." "Paano po?" "Alam kong...hindi niya magagawa iyon, Jam... Hindi niya iyon gagawin sa kanya...." "Paano ka po nakasisiguro na hindi niya iyon gagawin, 'Tay?" naghahamon na tanong ko sa kanya. "Alam ko lang, anak... Alam ko..." "Tatay... Palalabasin ko po kayo rito..." seryosong sabi ko na ikinailing niya lamang. "Mahihirapan tayo, anak... Mahihirapan lamang tayo... Sarado ang tainga ng mga batas. Mas uunahin at pipiliin nilang paniwalaan ang mga taong matataas sa lipunan. Hindi basta-basta ang may-ari ng kompanya na iyon. Malaking tao sila... Kayang-kaya nila akong paratangan ng mabigat na kaso, Jam..." "Inosente po kayo, 'Tay! Ipaglaban natin 'yan! Ipaglaban po natin na hindi mo naman iyon ginawa! Hindi ka po nagkasala, 'Tay..." umiiyak na wika ko. Siya lang ang mayroon ako ngayon, ang aking ama lang at hindi ko hahayaan na habangbuhay siyang makukulong dito. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin ngayon. Hihingi ako ng tulong... Hihingi ako ng tulong kay Alley at alam kong tutulungan nila kami... "May mga binili akong laruan... Mas maganda ang quality at mas mahal... Ginawa ko iyon para masigurado kung parehong-pareho ba iyon at hindi ako nagkamali... Kahit sa ano'ng parte na makikita mo ay alam kong...sa akin iyon... Alam kong ako ang orihinal na gumawa ng laruan na iyon..." matapang na sabi ng tatay ko. Nasa boses pa rin niya ang galit sa bagtraydor sa kanya. "Ginawa nilang ibidensya iyon laban sa akin. Kaya wala akong kawala..." *** "SA tatay ko ito lahat..." gulat na sabi ko at napatingin ako sa mga laruan na tinutukoy ni Tatay Jasper. Iyong mga laruan na binili niya ay nakalatag iyon lahat sa mesa. Tatlong pulis ngayon ang kausap ko at ipinakita nila sa akin ang mga kopya ng sinasabi nilang ninanakaw ng aking ama. "Isa lang 'yan sa mga laruan na mahal ang presyo pero inuulit-ulit ng mga bata na bilhin 'yan. Milyon na ang naging income niyan." Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Si Tatay ang naghirap. Ang aking ama ang naghirap na gawin ang mga laruan na ito at idea niya ang lahat... Paanong pinagkikitaan na ng malaking kompanya ang mga pinaghihirapan ng tatay ko? "Puwedeng kasuhan ang kompanya na 'yan. Dahil sila ang magnanakaw, hindi ang tatay ko! Pinaghirapan niya 'yan! Alam ko kung kailan niya sinisimulan at tinatapos itong lahat... Ang kompanya na 'yan ang nangongopya at nagnanakaw!" galit na bulalas ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Lumalabas talaga rito na si Tatay Jasper ang may sala kahit inosente siya... "Maghinay-hinay ka sa mga katagang binibigkas mo, bata. At wala kang sapat na ebidensya na maibibigay sa amin para paniwalaan namin ang tatay mo na inosente. Kung gusto mong mapawalang sala ang iyong ama ay maghanap ka ng ebidensya. Hanapin mo ang orihinal na kopya niyo para ilaban sa korte..." "May kopya ang tatay ko!" sigaw ko. Mahigpit na kumuyom ang magkabilang kamao ko. Hindi ako titigil sa paghahanap ng ebidensya para sa tatay ko. "Sige, bata. Dalhin mo sa amin," nanunuyang sabi ng isang pulis. Nandilim ang tingin ko sa kanya pero pinipilit ko pa rin ang maging kalmado. Dahil hindi nakatutulong sa akin ang galit. Kung uunahan ako ng emosyon ko ay mas lalong mapapahamak si Tatay Jasper. Iyon ang hinding-hindi ko gagawin. Iyon ang iiwasan ko. "At saka bata, mahiya ka kay Chief Alked. Dahil ang pamilya niya ang may-ari ng kompanya na sinasabihan mong magnanakaw. Kaya isa rin siya sa naatasan na dumakip sa tatay mo at sa kasamahan nito." Parang may bumundol ng kung ano sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Binalot na naman ako ng kahihiyan. Wala sa sariling napatingin ako sa lalaking pulis na nagngangalang Alked Herran... Walang bakas ng kahit na ano'ng emosyon ang mukha niya. Ang lamig pa rin ng paraan nang pagtitig niya. Panay ang pag-igting ng panga niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba... Puwede rin akong kasuhan dahil...sa sinabi ko kanina. Hindi ko naman kasi alam na pamilya pala niya ang may-ari ng kompanyang iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD