CHAPTER 14

2634 Words
Chapter 14: Meeting his family "LUMAPIT ka rito, kakausapin kita," ani Tatay at napasulyap ako kay Alked. Nakita ko ang pag-alon ng adams apple niya. Parang nahihiya siya o baka natatakot sa tatay ko? Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Kuya Asher at marahan na tinapik pa niya ang balikat ng pinsan niya. Nahuli ko rin ang bibig ni Alley na sinabihan pa niya ng 'good luck' ang Kuya Alked niya. Napailing ako at ibinalik ko ang tingin kay Alked na dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa aming direksiyon. Umupo pa siya sa tabi ko kaya parehong nasa harapan namin si Tatay ngayon. Seryoso pa rin ang mukha nito at titig na titig kay Alked. Bumaba ang tingin ko sa magkabilang kamay niya na ipinatong niya sa kanyang hita. Nanginginig ang mga iyon pero nanatili pa rin naman siyang kalmado. Parang hindi naman halata na kinakabahan siya sa presensiya ni Tatay. "Maaasahan ba kita na hindi mo sasaktan ang anak ko?" pagsisimula agad ni Tatay. Napalunok pa siya at dahan-dahan na tumango. "Dahil lumalabas din na pareho kayong pinipilit ng kapatid mo na magpakasal. Hindi mo pa kilala ang anak ko baka hindi mo magustuhan ang ugali niya. Hindi naman siya perpekto. Hindi siya katulad ng mga babae riyan," sabi pa ng aking ama. Napatingin sa akin si Alked. Nginitian ko siya dahil mapupungay iyong mga mata niya. Mabilis siyang umiwas at napanguso naman ako. In-ignore lang ako ganoon? "O-Opo, Sir..." sagot niya at mariin na napapikit pa siya dahil hindi niya siguro inaasahan na mauutal siya. Tapos iyon lang talaga ang sinagot niya? Sa dami ng sinabi nito sa kanya. "Pero sigurado ka na ba sa anak ko? Estudyante pa lamang siya, wala pang karanasan ang anak ko." "Sigurado... Sigurado na po ako sa anak niyo at handa akong ipagtanggol siya..." sabi niya at nanlaki pa ang mga mata ko dahil sinakop ng malaking kamay niya iyong akin. Hinawakan niya iyon ng sobrang higpit at doon ko lang din nalaman na ang lamig pala ng kamay niya. "Maaari ho ba kayong makausap na tayong dalawa lang, Sir?" tanong ni Alked. Napanguso ako dahil lalabas na naman kami. Palagi na lamang nila akong pinapaalis. Bakit ba ayaw nilang marinig ko ang pag-uusapan nila? Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Alked sa akin at napatingin ulit ako sa kanya. Nahuli niya ang pagtulis ng nguso ko tapos may aliw na naman sa mga mata niya. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Puwede ka bang maghintay sa labas?" tanong niya. "Palagi na lang," sabi ko at bumitaw ako sa pagkakahawak rin ng kamay niya pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko. "Ano na?" tanong ko. Umiling siya sa akin saka niya binitawan ang aking palad. Ang sarap pala sa pakiramdam na mahawakan niya. Shemay. Hindi ko na nalaman pa kung ano ang pinag-usapan nila dahil wala naman silang sinabi pa. Basta pansin ko ang paggaan ng aura ni Tatay at mukhang may magandang nangyari agad sa pagitan nila. Sumunod pa rin sa kasunduan si Keo at napawalang sala nga ang tatay ko. Nakalabas siya sa kulungan at binigyan ng approval ng court. Malaki nga ang connection niya sa mga pulisya kaya hindi rin kami nahirapan na nilisin ang pangalan nito. Ang problema lang nilang haharapin ngayon ay ang paghahanap sa lalaking nagnakaw ng identity ni Tatay Jasper at maging ang mga laruan nito. Paunti-unti ko rin na nakilala si Alked. Palagay agad ang loob ko sa kanya. Mabait naman pala talaga siya tapos snob lang siya kapag ibang tao na. Pagdating sa akin ay halos mapunit ang pisngi niya sa lapad ng ngiti. Ewan ko rin ba kung bakit palagi siyang ganoon. Si Tatay ay pabor na pabor agad sa kanya. Ilang buwan pa ang nakalipas, sa KIDS Production na rin nagtatrabaho ang aking ama at guwapong-guwapo pa siya sa suot niyang corporate attire. Mukhang professional nga ang tatay ko. Masaya ako para sa kanya dahil natupad na ang pangarap ni Tatay. Ang makilala siya ng lahat. Simula nang nagbago rin ang buhay namin ni Tatay ay hindi na namin nakakausap pa si Aling Sahara. Bigla kasing lumayo ang loob niya sa amin. Lalo na iyong lumipat na kami ng tirahan. Dahil nga maganda na ang trabaho ni Tatay Jasper. Hinintay rin ako ni Alked na maka-graduate sa kolehiyo bago ang kasal namin. Simple lang ang ni-request kong wedding namin dahil ayokong maging grand iyon. Mas gusto ko ang simple lang talaga pero hindi na yata iyon mangyayari pa. Gusto akong makilala ng Mommy niya tapos ang akala talaga no'n ay matagal na kaming may relasyon ng anak niya. Parang lumabas din kasi na mag-boyfriend at girlfriend kami ni Alked. Hatid sundo nga niya ako sa university namin. May time pa na dinadalhan niya ako ng isang basket ng prutas at bulaklak. Oo, ganoon siya ka-sweet. Kahit madalas ay nakikita ko pa rin sa kanya na mahiyain siya. Baby pink na column ang suot ko, parang tube na dress siya, dahil walang manggas, tapos may maliit na belt sa bandang baywang ko. Umabot hanggang unkle ko ang haba niya. Hindi naman mainit ang tela niya dahil cotton siya pero makapal pa rin siya. Pinarisan ko rin ng strap heels sandals na 4 inches naman ang taas niya. Ang maikli kong buhok ay kinulot lang ni Alley ang dulo nito, tapos naka-clip naman ang bangs ko pero may iilan na hibla pa rin nito ang nasa noo ko. Ngayon ay makikilala ko ang Mommy ni Alked. Kabadong-kabado ako dahil baka hindi ako magustuhan no'n para sa anak niya at kung malalaman lang iyon na minadali lang ang lahat ay ewan ko na lang sa gagawin no'n at kung ano na ang magiging reaction niya. "Hayan, maganda ka na. Dapat proud na proud sa `yo si Tita kasi ang future wife ng anak niya ay grumaduate pa with Latin honors. Oh, tita, sobrang talino ng daughter-in-law mo," sabi niya na inilingan ko lang. Ayokong umasa na magugustuhan ako agad ng Mommy ni Alked. Masakit kaya ang umasa saka tatanggapin ko naman kung hindi niya ako gusto para sa anak niya. Kahit crush ko pa ang anak niyang pulis. "Hoy, bakit tumutulis ang labi mo?" untag na tanong sa akin ni Alley at marahan na hinampas ang braso ko. Napahawak ako at hinaplos iyon. "Wala," sagot ko at kinuha ko sa bed niya ang phone ko na umiilaw. Tumatawag si Alked. Pangalan pa lang ang nakikita ko ay may kung ano na agad sa loob ng tiyan ko. Napahawak ako sa kanang pisngi ko. Ramdam ko agad ang init no'n. "Kinikilig ka na naman," komento ng best friend ko. Hindi ko siya pinansin at tinanggap na lang ang tawag ni Alked. Hindi ko akalain na sa katauhan pala ng guwapong pulis na iyon ay mararanasan ko ang magkaroon ng boyfriend, sweet na boyfriend at super gentleman pa. Parang kailan lang, eh hindi ko pa siya kilala at hinuli pa niya ako. Ewan ko sa trip niya. Tapos noong si Tatay Jasper na ang nakulong at handa siyang tumulong sa amin ay roon na nagsimula ang kabaliwan ng kuya niya. Ang alukin ako ng kasal at isa sa kanila ang pakakasalan ko, tapos kalayaan naman ng tatay ko. Na kalaunan ay tinanggap naman ni Tatay Jasper at mas pinili ko si Alked. "Hello?" sagot ko. Hindi siya agad nagsalita. Walang bago, kung maririnig niya agad ang boses ko ay ilang segundo muna siya mananahimik bago siya magsasalita. Hindi ko alam kung bakit. "Handa ka na?" tanong niya sa akin mula sa kabilang linya. "Oo, nasaan ka na?" tanong ko naman pagkatapos ko siyang sagutin. Susunduin niya kasi ako. 7PM ang family dinner namin at sa mansion pa ng Mommy niya. I'm not sure din kung ang Mommy lang ba niya ang makikilala ko. Kinakabahan pa rin ako. Just what if marami pala siyang nga tita and tito? "Kadarating ko lang sa floor ng condo ni Astralley," sagot niya kasabay na tumunog ang doorbell sa baba. "Nandito na ako," he added. "Nandiyan na si Kuya Alked!" sigaw ni Alley at muntik na akong mahulog sa kama. Kailangan pa talagang sumigaw. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Alked. Minsan ko lang `yan mararamdaman. Huhuness! Ang sexy ng boses niya, sana nakita ko iyon, `no? "Ibaba mo na ang tawag," ani ko. "Ikaw na," narinig kong sabi niya. Palagi ring ganito kaya hindi na ako nakikipagtalo pa sa kanya. Agad ko nang pinatay ang tawag at tumayo na. Maaga pa yata kaming aalis. Kinuha ko ang handbag ko at naglakad na rin palabas. May second floor ang unit ni Alley at may pagkakataon din na natutulog ako rito kapag kailangan. "Nasaan na, Astralley?" Boses na iyon ni Alked. Maingat na bumaba ako mula sa hagdanan at hindi pa ako napapansin ng guwapong pulis. Ngayon ko lang siya nakita na hindi suot ang uniporme niya. Puting polo-shirt at maong na pants. Naka-tuck-in ang kanyang damit tapos leather black shoes din ang suot niya. Ang guwapo pala niya kapag ganyan lang ang suot niya. Maayos namang naka-brush up ang buhok niya at makintab pa. Isang hakbang na lamang ang gagawin ko ay saka niya ako napansin. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Mabilis na pinasadahan pa niya ako ng tingin saka siya lumapit sa akin. Hinawakan niya agad ang aking kamay at inalalayan pa. Narinig namin pareho ang malakas na tili ni Alley kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Hinaplos ni Alked ang braso ko at napatingin ako sa kanya. Namanhid ang batok ko nang makita ang naaaliw niyang tingin sa akin. Nakangiti pa siya. "Ang ganda mo," sabi niya at mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Dahil sa Tagalog niya talagang sinabi iyon. "Salamat at ikaw rin, ang guwapo," sabi ko at tinanggal ang isang butones ng suot niya. Narinig ko naman ang paghalakhak niya. Mas maganda kasi na may isa o dalawa ang nakabukas doon, para mas magmumukha siyang attractive. Kahit malakas naman na ang s*x appeal niya. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. Sinapo niya iyon saka niya marahan na hinawi ang bangs ko sa noo. "Hoy! Tama na `yan! Mahihimatay na ako sa sobrang kilig dito!" sigaw na naman ng magaling kong kaibigan kaya sinimangutan ko siya. "Let's go?" aya sa akin ni Alked at tumango na lang ako. "Sumabay ka na, Astralley." "Susunduin ako ni Kuya Asher. Mauna na kayo, baka hindi ko na talaga kayang panoorin kayo!" natatawang sigaw pa niya kaya nang makalapit ako sa kanya ay mariin kong pinisil ang baywang niya. Nakiliti ang gaga at mas lumakas kang ang kanyang tawa. "Nakakainis ka na," ani ko. Sumabay pa rin sa paglabas si Alley at hinintay pa namin ni Alked ang pagdating ni Kuya Asher para sunduin siya. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na nga ang kuya niya. Nakipagbatian pa ito sa pinsan and after that ay nagpasya na kaming aalis na. Sa buong biyahe naman ay kinulit ko ang kasama ko. Tinanong ko kung ano ba ang ugali ng Mommy niya pero hindi siya sumasagot. Tititigan lang ako saka niya ibabalik ang tingin sa daan. "Ano na? Bakit hindi mo ako sinasagot?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umiling na naman kaya noong pumasok na sa isang village ang kotse niya ay bumalik ang kaba ko sa dibdib. Nagiging negative na ako. Hala... Hindi na ako nakakibo pa at bumaba na si Alked mula sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tinanggal ko naman ang seat belt ko. Inalalayan pa niya akong makababa at agad na inihawak niya ang kamay ko sa braso niya. Parang mabibingi ako sa bilis nang t***k ng puso ko. Malaki ang mansion nila at iyon lang ang nasabi ko dahil wala na akong mahanap na salitang sasambitin pa. May iilan na mamahaling kotse ang nakaparada sa garahe nila. "Magandang gabi ho, Sir Alked," magalang na bati ng isang kasambahay na may edad na. Ang lawak pa ng kanyang ngiti habang binabati niya ang kasama ko. "Magandang gabi rin ho sa inyo, Ma'am," bati naman niya sa akin at yumuko. "Magandang gabi rin ho," ani ko. "Si Mama ho?" tanong ni Alked sa kanya. "Nasa receiving room po sila," sagot niya na tinanguan lang ni Alked. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin at nagtungo na nga kami. Malayo pa lang ay maririnig ko na ang iilan na boses sa loob, may nag-uusap at may nagtatawanan din doon. Humigpit ang kapit ko sa braso ni Alked. "Relax, Kirsten. Walang kakain sa `yo rito," biro niya sa akin para lang kumalma ako. Kinurot ko pa ang braso niya na hindi naman niya iniinda. Tinanggal niya lang ang kamay ko at dumausdos pababa ang kamay niya. Mahigpit niyang pinagsiklop ang mga daliri namin. Napatingala ako sa kanya. Nakasuot na ako ng mataas na heels pero hindi pa rin ako umabot sa kanya. Hanggang labi niya lang ako. Siguro nasa 6'0 or 6'3 ang height niya. Nasa 5'6 lang kasi ako. Napahinto si Alked sa paglalakad kaya maging ako ay napahinto na rin. Diretsong tumingin din ako sa harap at nakita ko na nandoon agad sina Astralley, nandoon ang parents and mga kuya niya. May isa pang ginang na nakikipagkuwentuhan kay Tatay Jasper... Si Tatay nga, ano'ng ginagawa ni Tatay rito? "Ako ang naghatid dito kay Tatay Jasper, bago kita sinundo," bulong sa akin ni Alked. My gaze shifted to him at umawang ang labi ko dahil pasimpleng dumaplis ang labi niya sa tungki ng ilong ko. Bayolente siyang napalunok at umayos sa pagkakatayo. Hindi naman niya sinasadya pero grabe, parang kuryente lang siya at ramdam ko pa ang malambot at mainit na labi niya sa akin. "Good evening, nandiyan na pala kayo." Napatingin ako sa nagsalita. Iyon ang ginang na malaki ang pagkakahawig kay Alked. Baka siya na nga ang Mama nito. "She's my Mama Yssaven, Kirsten," aniya at iginiya pa niya ako palapit doon. Tumayo naman ito at nakangiting sinalubong kami. Binitawan ni Alked ang kamay ko at gusto ko pa sanang habulin iyon at hawakan na lamang pero nagulat na ako nang bigla akong yakapin ng Mama niya. "You must be Jam Kirsten. My son's girlfriend, hello hija." Natural na malambing ang kanyang boses at parang dinuduyan ako sa alapaap. "Opo. Hi po," nakangiting bati ko rin at kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin siyang harapin. Hinalikan pa niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ang buong mukha ko. Nahihiya naman ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para akong matutunaw. "Hindi ka ba nagsisisi na ang anak ko ang pinili mo, hija? Sobrang ganda mo naman, para kang manika," namamanghang sabi niya at kinulong pa ng dalawang palad niya ang mukha ko. Maganda rin siya at parang hindi halata na may anak na. Parang nasa mid-30s pa siya. Dahil sigurado bata pa talaga siya? "Maganda rin po kayo," ani ko at napahalakhak siya. Lumapit naman sa amin si Alked at hinalikan ang pisngi ng Mommy niya. "Hi, `Ma," he greeted her. Niyakap naman siya nito. "My son, thank you for bringing your beautiful girlfriend here. She's very pretty, puwede bang gawin mo na lang siyang kapatid mo? Gusto ko siyang ampunin at gawing anak," pagbibiro ng kanyang ina. "Mama," sabi niya at hinawakan ang siko ko saka niya ako marahan na hinila. Nanatiling nakayakap na ang isang braso niya sa baywang ko. "Puwede niyo naman ho gawing anak kapag asawa ko na," ani Alked at kinikilig na naman ako. "`Tay," tawag ko naman sa tatay ko at tumayo siya. Lumapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nagmano sa kanya. "Oh, maganda na nga at malaki rin ang respeto niya. Ang galang ng mapapangasawa mo, anak ko." "Yes, Mama," sagot ni Alked at hinalikan pa ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD