Jarred's POV.... Kahit anong isip ang gawin ko ay diko maintindihan kung bakit yon ginawa ng asawang si Ellaina. Pinalabas nya na may malubhang sakit si Danica? At halos ika -baliw nang kapatid nya ngayon, at anong torture ang idinulot non kay Danica? Bakit di manlang nagsabi ng totoo si Ellaina? Napabuntong hininga ako at ng makarating ang motorsiklo ko sa Villa ay mabilis akong bumaba at pumasok sa bahay. Hinanap ko agad si Ellaina sa kwarto namin. "Ellaina?" Tawag ko . Saan kaya nagpunta yon? Dumako ang tingin ko sa malaking cabinet na nakasara. Napailing ako ng makitang bahagya yong nakaawang . Tsskk... Bigla ko yong binuksan at nakita don ang nakasiksik na asawa na nakapikit at halatang nagtutulog- tulugan. "E-ellaina bakit ka nandyan? Ang baby natin baka mapisa na sa kamalditahan

