Danica's POV... Nagtaka ako ng makarating ng MU at sabihin ng tao don na cancel daw muna ang photo shoot ko. Kasama ko pa naman si Ace dahil alam kong naroon si Azzerdon kaya lang ay diko makita ang asawa doon. Kaya dinala ko nalang ang anak sa resthouse. Naabutan ko don sila Imarie , Trixie at Ellaina. Matalim kong tinitigan ang buntis na hipag ng maalala ko ang ginawa nya. "Danica!" Sabi pa ng bruha at lumingkis sa braso ko. Pasimple ko syang itinulak, kung makadikit ay parang close kami at walang ginawang kabulastugan sa akin. Nilaro naman nila imarie at Trixie ang anak ko. "N-nakita nyo ba si Azzer,? Aakitin ko na sana pauwi dahil cancel pala ang photoshoot ko" sabi ko sa dalawa. Deadma sakin si Ellaina na katabi ko . "Kasama sila Raiko, mamaya nandito na yon" sagot ni Trixie.

