Benny's POV.... "Hindi pwedeng mapunta kay Azzerdon ang lahat ng kayamanan ng Arturo Villegas na yan!" Galit na galit kong sabi kay Atty. Sanchez . Ang abogado ng tiyuhin . "Benny yun ang nasa last will ng matanda. Kapag namatay sya ay kay Azzer mapupunta ang lahat, kapag nahanap ang apo ni Mr. Villegas ay saka palang malilipat ang 70% nito doon at kung gugustuhin ni Azzer ay kayang-kaya nyang kamkamin ang buong yaman ni Arturo dahil sa kanya yon nakapangalang lahat. " paliwanag nito. Nagtagis ang bagang ko, alam kong sinadya yon ng tiyuhin para sa apo nya. Ginamit nya ang utak nya para di mawala ang mana ng apo nitong hindi makita-kita. Nakaka-bwisit. Kung mawawala lang si Azzerdon ay may pagasa pang sakin mapunta ang lahat lalo na at wala pa naman ang heredera. Kaya lang ay hindi yon

